Skip to main content
SA KASALUKUYAN DRC: Naghahanda ang Doctors Without Borders para sa malawakang pagtugon sa outbreak ng Ebola Magbasa pa

    Gaza: Ang ceasefire sa Gaza ay dapat ibalik agad

    加沙

    Ang mga tao ay kumukuha ng tubig sa tabi ng isang gusaling nanganganib na gumuho sa Beit Lahia sa hilagang Gaza. Palestinian Territories, Pebrero 2025. © Nour Alsaqqa/MSF

    "Nasisindak kami sa mga pagsalakay na ginawa ng Israel ngayong araw na ito sa mga tao sa Gaza, at winalang bahala ang halos dalawang buwan nang ceasefire. Sa daan-daang namatay, ayon sa Ministry of Health, ang Doctors Without Borders ay nakatanggap ng 75 na bangkay na pagdating at napakaraming sugatan sa tatlo lang na mga pasilidad na aming sinusuportahan.

    Ang aming staff ay nagitla na kinailangan na naman nilang humarap sa pagdagsa ng mga napatay, at ang karamihan sa mga ito ay mga bata.

    Gaya ng mga taktikang ginamit ng mga awtoridad na Israel mula noong Oktubre 2023, pinili na naman nilang kolektibong parusahan ang mga taga-Gaza – nang may malinaw na pagsang-ayon ng kanilang pinakamalapit na kaalyado, ang Estados Unidos. Sumalakay sila ng may kalupitang huli nating nasaksihan noong kasisimula pa lang ng digmaan. Sa loob ng mahigit 15 na buwan bago nagkaroon ng ceasefire, ang mga tao sa Gaza ay nakaranas ng pagpatay nang hindi pinipili. Ang iba sa kanila’y pinutol-putol, sinugatan, at pinaalis sa kanilang mga tirahan.

    Ang pagsasagawa ng mga puwersang Israeli nitong mga huling walang awang pagsalakay, at ang pagpapalabas nila ng mga kautusang lumikas, ay nagdadala ng pangamba na nagsisimula na naman ang isang bagong yugto ng operasyong militar sa Gaza. Hindi na ito kakayanin ng mga Palestinong nasa Gaza – ng kanilang katawan man o ng kanilang isipan. Ang pag-asa nilang mabawi ang kahit bahagi lang ng kanilang dating mga buhay ay winawasak."

    Simula noong ipinatupad ang ceasefire noong Enero 19, ang mga tao ay nagsusumikap na maibalik ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay pagkatapos ng isang mahaba at mapangwasak na kampanyang militar na sumira sa lipunan ng Gaza. Muli na namang hinaharangan ng Israel ang pagpasok ng mga humanitarian aid at pangunahing supplies.
    Claire Magone

    "Nananawagan ang Doctors Without Borders na agad ibalik ang ceasefire. Hinihiling din namin na huwag nang simulang muli ng Israel ang mapangwasak na kampanya nito at tila bangungot na malawakang pagbobomba sa mga taga-Gaza. Nananawagan din ang Doctors Without Borders upang alisin na ang pagkakabangkulong, at ibalik sa mga tao ang walang hadlang na access sa mga pangunahing supplies at aid. Ang mga taong nasaktan at ang mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pangangalagang medikal ay dapat pahintulutang kumuha ng pangangalaga sa labas ng Gaza, ngunit kailangan ding tiyakin ang kanilang ligtas at may dignidad na pagbabalik."



    Susuportahan mo ba ang aming emergency response?

    Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.


    Categories