Skip to main content
SA KASALUKUYAN DRC: Naghahanda ang Doctors Without Borders para sa malawakang pagtugon sa outbreak ng Ebola Magbasa pa

    Doctors Without Borders: Ang Gaza ay naging “libingan ng marami” para sa mga Palestino at sa mga tumutulong sa kanila

    Displaced Palestinian family riding a tuktuk; coming back to settle in Beit Lahia city, north of Gaza strip.

    Nakasakay sa isang tuktuk ang isang pamilyang Palestino na napilitang lumikas, pero ngayon ay pabalik na sa Beit Lahia city, hilaga ng Gaza strip. Palestinian Territories, Pebrero 2025. © Nour Alsaqqa/MSF

    Ang sunod-sunod na nakamamatay na pagsalakay ng mga puwersang Israeli ang nagpakita ng kanilang hayagang pagwawalang-bahala sa kaligtasan ng mga humanitarian at mga medical worker sa Gaza. Nananawagan kami sa mga awtoridad na Israeli na agad na tigilan ang hindi makatao at nakamamatay na pagkubkob sa Gaza, protektahan ang mga buhay ng mga Palestino, mga humanitarian at medical personnel, at para sa lahat ng partido, na kanilang ibalik at panatiliin ang ceasefire.

    Ang Gaza ay naging ‘libingan ng marami’ para sa mga Palestino at sa mga tumutulong sa kanila. Nasaksihan naming ang mga aktuwal na pagkawasak at sapilitang pagpapalikas sa buong populasyon ng Gaza.
    Amande Bazerolle, Emergency Coordinator

    “Dahil walang lugar na ligtas para sa mga Palestino at para sa mga taong tumutulong sa kanila, ang pagtugong humanitarian ay lubos na nahihirapan sa bigat ng kawalan ng seguridad at kritikal na kakulangan ng supply, at naiiwan ang mga tao na may kakaunti, kung mayroon man, na mapagkukunan ng pangangalaga," Bazerolle continues.

    Mahigit 50,000 na tao ang napatay mula noong Oktubre 2023, ayon sa Ministry of Health, at halos sangkatlo ng mga ito ay mga bata. Mula noong muling nag-umpisa ang mga labanan noong Marso 18, mahigit 1,500 na tao na ang napatay, ayon sa mga lokal na awtoridad.

    Ayon sa United Nations, hindi bababa sa 409 na mga aid worker ang napatay mula noong Oktubre 2023.  Karamihan sa kanila’y staff ng UNWRA, ang pangunahing tagapagbigay ng humanitarian aid sa Gaza. Labing-isa (11) na kasamahan namin sa Doctors Without Borders ang napatay mula noong nag-umpisa ang digmaan. Ang iba sa kanila’y nasawi habang nasa trabaho, at ang dalawa sa kanila ay namatay nitong nakaraang dalawang linggo lamang. 

    Sa pinakahuling insidente ng walang awang pagsalakay ng mga puwersang Israeli sa mga aid worker, ang mga bangkay ng 15 na mga emergency responder at ang mga ambulansyang kanilang lulan ay nakitang sama-samang nakalibing sa Rafah, Southern Gaza noong Marso 30. Ang grupo ay pinatay ng mga puwersang Israeli habang sinusubukan nilang tulungan ang mga sibilyang nahagip ng pagsabog noong Marso 23. Ipinakita ng ebidensyang kamakailan lamang ay ibinahagi sa publiko na ang mga worker at ang kanilang mga sasakyan ay may mga marka at malinaw ang pagkakakilanlan, na humahamon sa unang pahayag ng mga awtoridad na Israeli.  

    Ang kahindik-hindik na pagpatay sa mga aid worker ay isa na namang halimbawa ng hayagang pagwawalang-bahala na ipinakita ng mga puwersang Israeli para sa proteksyon ng mga humanitarian at mga medical worker. Ang pananahimik at walang kondisyong pagsuporta ng mga pinakamalapit na kaalyado ng Israel ay lalong nagpapalakas sa kanilang loob na gawin ang mga ganitong bagay
    Claire Magone, General Director

    Isinaalang-alang ng Doctors Without Borders na tanging ang mga pandaigdigang imbestigasyon na may kasarinlan ang maaaring magbigay ng liwanag sa mga pangyayari, at sa mga may responsibilidad para sa pagsalakay na ito sa mga aid worker

    Bagama’t mahigit 18 na buwan nang malala ang sitwasyon, nitong nakaraang tatlong linggo, nakasaksi ang Doctors Without Borders ng ilang insidente kung saan pinatay ang mga humanitarian at mga medical worker. Ang koordinasyon ng mga humanitarian movement kasama ang mga awtoridad na Israeli, na kilala sa tawag na Humanitarian Notification System (HNS), isang dati nang hindi perpektong mekanismo, ay lalong naging hindi maasahan at ngayo’y wala nang maibigay na garantiya ng proteksyon. Ang mga lokasyon na ipinapaalam ng mga humanitarian sa Israel kung nasaan sila sa kasalukuyan, gaya ng mga pasilidad pangkalusugan kung saan kami nagtatrabaho, mga compound kung saan nakatira ang mga humanitarian stakeholder, at ang mga opisina at mga guesthouse ng Doctors Without Borders, ay pinatamaan na rin ng mga pampasabog o mga bala. Ang mga lugar malapit sa mga pasilidad para sa mga pangangalagang pangkalusugan ay nakaranas na rin ng mga strike, labanan at nakatanggap ng mga kautusang lumikas. 

    Ang mga pasilidad medikal ay hindi malaya mula sa mga pagsalakay at sa mga kautusan para lumikas mula sa mga puwersang Israeli. Ang mga team ng Doctors Without Borders ay kinailangang umalis sa napakarami nang mga pasilidad, samantalang ang iba naman ay patuloy sa pagtatrabaho kung saan ang mga staff at mga pasyente ay ilang oras na hindi makalabas. Noong Abril 7, ang mga team at ang mga pasyente ng Doctors Without Borders ay di makalabas sa Doctors Without Borders field hospital sa Deir Al-Balah, central Gaza. Naglunsad ng mga rocket ang Hamas malapit sa aming mga field hospital sa Deir Al-Balah, na naglagay sa aming mga pasyente at staff sa panganib at nauwi sa pagbibigay ng kautusan ng paglikas ng mga puwersang Israeli, na nagsagawa rin ng mga strike malapit sa mga compound ng Al Aqsa at Nasser Hospital. Mariin naming tinutuligsa ang mga ginawang ito ng mga partidong naglalabanan, at hinihingi ang kanilang pagrespeto at pagprotekta sa mga pasilidad para sa pangangalagang pangkalusugan, mga pasyente at medical staff

    Mula noong Marso 18, hindi na nakabalik ang Doctors Without Borders sa Indonesian Hospital sa Northern Gaza kung saan ang aming mga team ay naghahanda nang magbigay ng pediatric care ngunit kinailangan naming tumakas mula sa field hospital, na nakatayo katabi ng compound. Samantala, ang mga Doctors Without Borders mobile clinic sa North Gaza ay sinuspindi, habang sa timog, hindi na rin nakabalik ang mga team sa klinika ng Al-Shaboura sa Rafah.

    Ang ganap na pagkubkob sa Gaza ay nagdulot ng malaking pagkabawas sa stock ng mga pagkain, gasolina at mga gamot. Ang Doctors Without Borders ay nahaharap sa kakulangan ng mga gamot para sa pain management at mga talamak na sakit, mga antibiotic at mga kritikal na gamit para sa mga operasyon. Ang kakulangan ng gasolina sa buong Strip ay mauuwi sa hindi maiiwasang pagsuspindi sa mga aktibidad dahil nakasalalay ang mga ospital sa mga generator para sa kuryente upang mapanatiling buhay ang mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon, at upang magsagawa ng mga makasagip-buhay na mga operasyon. 

    Mahigit isang buwan nang hinahadlangan ng mga awtoridad na Israeli ang pagpasok ng aid sa Gaza. Ang mga humanitarian ay napipilitang masaksihan ang pagdurusa at pagkamatay ng mga tao habang dala-dala nila ang pasanin ng pagbibigay ng tulong gamit ang papaubos na mga supply, habang sila’y nahaharap din sa mga banta sa kanilang buhay
    Amande Bazerolle, Emergency Coordinator

    “Walang paraan na maisasagawa nila ang kanilang misyon sa ilalim ng ganitong mga kalagayan. Hindi ito isang pagkabigong humanitarian — ito ay isang pulitikal na desisyon, at sinasadyang pagsalakay sa kakayahan ng mga taong mabuhay, isinasagawa nang walang inaasahang kaparusahan," explains Bazerolle

    Dapat nang wakasan ng mga awtoridad na Israeli ang kanilang kolektibong pagpaparusa sa mga Palestino.

    Inuudyukan namin ang mga kaalyado ng Israel na wakasan ang kanilang pakikipagsabwatan at tigilan na ang pagtulong sa pagwasak sa buhay ng mga Palestino.



    Susuportahan mo ba ang aming emergency response?

    Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.


    Categories