“Ang pagdulot ng pinsala at ang pagkait ng pangangalaga” sa West Bank: Iniulat ng Doctors Without Borders ang pagtindi ng mga pagsalakay at paghadlang sa pangangalagang pangkalusugan
Linggo-linggong binibisita ng team ng Doctors Without Borders ang kampo upang makilala ang mga residente at magawan ng pagtatasa ang kanilang kalusugang pangkaisipan. Palestinian Territories, Setyembre 2024. © Alexandre Marcou/MSF
Pinatitindi ng mga puwersang Israeli at ng mga dayo ang paggamit ng sukdulang karahasang pisikal laban sa mga Palestino sa okupadong West Bank mula noong nag-umpisa ang digmaan sa Gaza noong Oktubre 2023. Ito ay ayon sa isang bagong ulat ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF).
In total, at least 870 Palestinians have been killed and over 7,100 injured between October 2023 and January 2025 (Source: OCHA, 31 December 2024). According to the Doctors Without Borders report, “Inflicting harm and denying care”, the escalation of violence in the West Bank has severely hindered access to healthcare and is part of a pattern of systemic oppression by Israel which has been described by the International Court of Justice (ICJ) as amounting to racial segregation and apartheid.
Sa kabuuan, hindi bababa sa 870 na Palestino ang napatay at mahigit 7,100 ang nagtamo ng pinsala sa pagitan ng Oktubre 2023 at Enero 2025 (Pinagkunan: OCHA, 31 Disyembre 2024). Ayon sa ulat ng Doctors Without Borders, “Ang pagdulot ng pinsala at ang pagkait ng pangangalaga”, ang pagtindi ng karahasan sa West Bank ay lubhang nakasasagabal sa pagkuha ng pangangalagang pangkalusugan at bahagi ng sistematikong paniniil ng Israel na inilarawan ng International Court of Justice (ICJ) bilang katumbas ng racial segregation o pagbubukod ng lahi, at apartheid.
Kasama sa ulat, na sumasaklaw sa isang taon mula Oktubre 2023 hanggang 2024, ang mga malalalim na panayam ng 38 na mga pasyente at staff ng Doctors Without Borders, mga hospital staff paramedic at mga boluntaryong sinusuportahan ng Doctors Without Borders. Nagpatotoo ang mga ito ukol sa mga napakatagal at marahas na paglusob ng mga militar na Israeli at sa kanilang paghihigpit sa mga paggalaw. Ang lahat ng ito ay lubhang nakasagabal sa pagkuha ng mga pangunahing serbisyo, partikular na ang pangangalagang pangkalusugan. Mula noong nagkaroon ng ceasefire sa Gaza, lumala ang dati nang kahindik-hindik na kondisyon ng pamumuhay ng maraming Palestino, at pinagbabayaran nila ito nang malaki sa kalusugan ng kanilang katawan at isipan.
"Ang mga pasyenteng Palestino ay namamatay dahil di sila makarating sa mga ospital," sabi ni Brice de le Vingne, ang Doctors Without Borders Emergency Coordinator. "Nakakakita kami ng mga ambulansyang hinaharangan ng mga puwersang Israeli sa mga checkpoint habang may mga lulan itong pasyenteng nasa kritikal na kondisyon, mga pasilidad medikal na napapaligiran at nilolooban, at mga healthcare worker na nakararanas ng karahasang pisikal habang nagsusumikap silang sumagip ng mga buhay.”
Ang pagdami ng mga pagsalakay sa mga medical personnel at sa mga pasilidad ay iniulat sa mga team ng Doctors Without Borders. Kabilang rito ang mga pagsalakay sa mga ospital, pagkawasak ng pansamantalang medical site sa mga refugee camp, pati na rin ang panliligalig, pagkulong, pagbibigay-pinsala, at pagpatay sa mga first responder at ng mga medical worker ng mga puwersang Israeli.
Sa pagitan ng Oktubre 2023 at Disyembre 2024, ang WHO ay nagtala ng 694 na pagsalakay sa pangangalagang pangkulusugan sa West Bank, kung saan ang mga ospital at istruktura para sa pangangalagang pangkalusugan ay kadalasang kinukubkob ng mga puwersang militar. Ang mga healthcare worker ay nagpapahayag ng pakiramdam ng kawalan ng seguridad dahil madalas silang nililigalig, kinukulong, sinasaktan, at pinapatay.
“Pinaligiran ng mga puwersang Israeli ang stabilisation point [sa Tubas], at isinara ang dalawang pasukan nito, kahit na malinaw naman na ito’y isang gusaling medikal. Inutusan nila ang lahat ng mga paramedic na lumabas mula sa stabilisation point. Mga 22 kaming mga paramedic na naroon,” sabi ng isang medic ng Palestinian Red Crescent Society, na sinusuportahan ng Doctors Without Borders.
Sa mga kaso ng medical emergency, ang paghihigpit sa paggalaw ay maaaring mauwi sa nakamamatay na kahihinatnan. Sa ganitong konteksto, ang pagkuha ng pangangalagang pangkalusugan ay lubhang naantala dahil sa mga paghahadlang at pagtutok sa mga paggalaw ng mga ambulansya at pagtindi ng mga marahas na pagsalakay ng mga militar. Ang mga ito’y nagdulot ng mga pinsala, kamatayan at pagkasira ng mga mahahalagang imprastrukturang sibilyan, gaya ng mga kalsada, pangangalagang pangkalusugan, mga linya ng tubo para sa tubig at mga sistema ng kuryente, partikular na sa mga refugee camp ng Tulkarem at Jenin. Sa mga liblib na lugar at sa labas ng mga siyudad gaya ng Jenin o Nablus, ang sitwasyon ay kahila-hilakbot. Ang mga pasyenteng may talamak na kondisyon, gaya ng mga nangangailangan ng regular na dialysis treatment, ay napipilitang manatili sa kanilang mga tahanan dahil sa mga hindi malampasang hadlang sa pagkuha ng pangangalagang pangkalusugan.
Bukod sa madalas na pagsalakay ng mga militar na Israeli, ang karahasan ng mga dayo at ang patuloy na paglaki ng kanilang mga pamayanan ay nag-iiwan sa maraming Palestino na nanganganib mula sa karahasan at natatakot na lumipat sa ibang bahagi ng West Bank. Sa kabuuan, 1,500 na pagsalakay ng mga dayong Israeli sa mga Palestino ang iniulat ng OCHA sa pagitan ng Oktubre 2023 at 2024.
Bilang umookupang may kapangyarihan, may mga legal na obligasyon ang Israel sa ilalim ng pandaigdigang batas upang tiyakin ang access sa pangangalagang pangkalusugan at maprotektahan ang mga medical personnel. Ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa West Bank ay lubos na nahihirapan at nasa palagiang estado ng emergency.
Nananawagan ang Doctors Without Borders sa Israel na tigilan ang karahasan laban sa mga healthcare worker, mga pasyente at mga pasilidad pangkalusugan at tantanan na rin ang paghadlang sa mga medical personnel sa pagtupad sa mga makasagip-buhay na tungkulin.
Susuportahan mo ba ang aming emergency response?
Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.
