Skip to main content
SA KASALUKUYAN Ebola sa DRC: Doctors Without Borders, pinalalaki ang pagtugon sa mabilis na nagbabagong anyo ng outbreak Magbasa pa

    Gaza: Mga team ng Doctors Without Borders, ginamot ang mga pasyenteng nagtamo ng pinsala sanhi ng pagsalakay ng mga Israeli

    无国界医生的车辆停在加沙市兰提西(Al Rantisi)医院外,周围是一片废墟与破坏。  © 无国界医生

    Isang sasakyan ng Doctors Without Borders ang nakaparada sa labas ng Al Rantisi Hospital sa Gaza City, sa gitna ng mga gumuho at nawasak sa lugar. Sa larawang kuha mula sa pasukan ng ospital, matatanaw ang kalye sa tapat nito. Palestine, October 2025. © MSF

    “Noong mga bandang alas-onse ng umaga, may narinig kaming mga putok ng baril mula sa mga quadcopter. Hindi nagtagal at nakatanggap kami ng dalawang nasaktan mula roon,” sabi ni Zaher, isang nars ng Doctors Without Borders na nagtatrabaho sa isang mobile clinic sa Gaza City. “Ang unang dumating ay isang babaeng nagtamo ng pinsala sa kanyang binti. Kasunod niya ang isang batang babaeng siyam na taong gulang na may pinsala sa kanyang mukha, kung saan siya’y natamaan ng bala mula sa mga quadcopter.”

    Ang aming mga medical team na nagtatrabaho sa mga mobile clinic sa Kamal Adwan at sa Al Shifa sa Gaza City, pati na rin sa Nasser Hospital sa Khan Younis, ay gumamot ng hindi bababa sa anim na pasyente, kabilang rito ang isang 15 na taong gulang at isang 71 na taong gulang na lalaki. Pareho silang may mga sugat mula sa mga airstrike at tama ng bala. Higit na marami pa ang ginamot ng staff ng Ministry of Health sa mga pasilidad na ito, at ng staff sa Al Ahli Hospital sa Gaza City, na sinusuportahan din ng Doctors Without Borders.

    Narinig ko ang mga taong naghihiyawan... ang mga tolda ay naging abo, at nakahandusay ang mga tao sa lupa.
    Mohammed Malaka, pasyente

    “Narinig ko ang pagsabog ng isang missile, at ng isa pa, pagkatapos noon ay nawalan na ako ng malay... pagmulat ko, nakita ko ang aking ama at tatlong kapatid na lalaki na nakahiga sa lupa, at duguan. Nagkalat ang alikabok,” sabi ni Mohammed Malaka, isang pasyente sa Al Shifa Hospital. “Narinig ko ang mga taong naghihiyawan... ang mga tolda ay naging abo, at nakahandusay ang mga tao sa lupa."

    Ito ang pinakahuling bugso ng karahasan ng mga Israeli sa kanilang sunod-sunod na pagsalakay sa mga Palestino sa Gaza kung saan mahigit 300 na ang napatay at mahigit 760 naman ang nagtamo ng pinsala mula noong Oktubre 11, ayon sa Ministry of Health. Pagkatapos ng dalawang taon ng walang humpay na digmaan at sindak, ang mga Palestino ay nawalan ng kanilang mga tirahan, nagupo ng kapaguran, at humaharap sa taglamig nang walang mga pangunahing pangangailangan habang patuloy na nangangamba sa mga manaka-nakang pagsalakay ng mga Israeli sa iba’t ibang bahagi ng Strip. Patuloy kaming nananawagan para sa proteksyon ng lahat ng mga sibilyan, healthcare staff at ng mga pasilidad pangkalusugan.



    Susuportahan mo ba ang aming emergency response?

    Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.


    Categories