Tumutugon ang Doctors Without Borders sa krisis na kasalukuyang nagaganap sa Ukraine
Susuportahan mo ba ang aming tugon sa krisis?
Maaari mong tulungan ang aming mga medical team na makapaghatid ng emergency medical supplies at makapagbigay ng lunas sa mga taga-Ukraine sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.
Paano kami tumutugon sa Ukraine
Matapos ang ilang linggo ng spekulasyon, sinalakay ng mga puwersang Ruso ang ilang siyudad noong huling bahagi ng Pebrero 2022. Milyon-milyong Ukrainian ang nasa panganib ngayon.
Di na makapaghihintay ang kahilingan para sa mga medical supply ng maraming mga ospital at pasilidad pangkalusugan sa mga bahagi ng Ukraine na apektado ng digmaan. Maghahanap ang Doctors without Borders ng mga paraan upang makapaghatid ng kinakailangang tulong sa mga lugar na nangangailangan nito.
Maraming Doctors Without Borders international supplies ang ipapasok sa Ukraine sa mga darating na araw para upang maisakatuparan ang mga gawaing kaugnay ng medical re-supply. Nagsisidatingan na rin sa Ukraine mula sa Moldova, Hungary at Poland ang mga Doctors Without Borders medical team na may karanasan sa mga lugar na may mga tunggalian.
Naghahanda ang aming mga team sa iba’t ibang mga pangyayaring magbibigay sa amin ng pagkakataong pag-ibayuhin ang aming pagtugon. Kabilang rito ang pagbibigay ng surgical care, emergency medicine at pangangalaga para sa kalusugang pangkaisipan ng mga taong nawalan ng tirahan. Kasama sa aming kasalukuyang pagtugon ang mga sumusunod:
- Pagpapadala ng mga beteranong medical staff sa Ukraine upang suportahan ang mga naroon na;
- Pagpapadala ng panibagong cargo shipment ng emergency medical supplies sa Ukraine;
- Pagbibigay ng remote support sa mga ospital at doktor, kagaya ng telemedicine;
- Pagbibigay ng mga kagamitang medikal para sa emergency surgery at pangangalaga sa trauma;
- Paghahanda ng mga bodega at transportasyon para sa aming mga supply;
- Pagtatasa sa mga pangangailangan ng bansa at sa posibilidad na marating ang mga siyudad tulad ng Odessa, Mykolaiv o Kherson.
Dumating na ang aming mga emergency team sa Polish-Ukrainian border at kasalukuyang nagsusumikap na maihatid ang kinakailangang staff at supply sa Ukraine at maglunsad ng mga emergency response activity sa magkabilang panig ng border. Magtatasa rin ang mga team sa border ng Ukraine, Russia at Belarus.
Suportahan ang aming pagtugong medikal
Matutulungan mo ang aming mga medical team na makapaghatid ng mga emergency medical supply at makapagbigay ng lunas sa mga taga-Ukraine sa pamamagitan ng pagbigay ng donasyon ngayon.