Skip to main content
SA KASALUKUYAN DRC: Naghahanda ang Doctors Without Borders para sa malawakang pagtugon sa outbreak ng Ebola Magbasa pa

    Nananawagan ang Doctors Without Borders para sa agarang pagpapalaya sa aming ipiniit na kasamahan

    MSF logo

    © Laurence Hoenig/MSF

    Si Dr. Obeid ay inaresto noong Oktubre 26, 2024 ng mga puwersang Israeli sa isang operasyong militar sa Kamal Adwan Hospital sa Northern Gaza, Palestine. Ipiniit siya kasama ang 57 na iba pa, at halos isang taon na siyang hindi nakakausap ng kanyang pamilya.

    "Kami’y lubhang nag-aalala para sa kanyang kaligtasan at kapakanan. Naninindigan kami nang may ganap na pakikiisa sa kanya at sa kanyang pamilya, at hinihingi namin na ang kanyang mga karapatan, dignidad, at kalayaan ay maibalik nang walang pagkaantala,” sabi ni Dr. Tejshri Shah, ang General Director ng Doctors Without Borders.

    Isang mahusay na dalubhasa, si Dr. Obeid ay nakapagbigay na ng kritikal na pangangalaga sa pamamagitan ng surgery sa mga pasyente sa Gaza bilang bahagi ng Doctors Without Borders mula 2018.

    Hindi nag-iisa ang ganitong kaso. Ayon sa World Health Organization (WHO), mahigit sa 300 na healthcare worker mula sa Gaza ang ipiniit ng mga puwersang Israeli mula noong Oktubre 2023.

    "Sa panahong napakataas ng mga medikal na pangangailangan sa Gaza, ang papel na ginagampanan ng mga medical at paramedical staff ay napakahalaga," pagwawakas ni Dr. Shah.

    Categories