Apat na katanungan tungkol sa pangalawang bugso ng COVID-19 sa India
Si Dr Ilham ay medikal na doktor. Sinusuri niya ang pasyente na si Pramod sa inpatient ward. Sa inpatient ward na ito, sa Pandit Madan Mohan Malviya Shatabdi hospital na matatagpuan sa Govandi M East ward Mumbai, may High Flow Nasal Oxygen Equipment (HFNO). Ang Doctors Without Borders ay malapit nang nagtatrabaho sa koordinasyon sa Munisipal na korporasyon ng Greater Mumbai (MCGM) para sa pag-screen, koleksyon ng sample at diagnostic ng mga kaso ng COVID-19 at pamamahala ng Mild hanggang sa katamtamang kumpirmadong mga kaso mula noong Hunyo 2020. Ang Doctors Without Borders ay nagbigay ng Mataas Flow Nasal Oxygen Equipment (HFNO) upang mapabuti ang mga kalabasan ng paggamot sa pangalawang antas at decongest tertiary referral na pasilidad. Larawan mula 2020. © Abhinav Chatterjee / MSF
Nakapanlulumo ang ikalawang bugso ng COVID-19 sa India. Napakabilis ng pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso nitong mga nakaraang linggo. Sa ngayon, ang kabuuang bilang na ng mga naiulat na kaso ay 18.7 milyong kaso, at mahigit sa 208,000 na ang namatay. (Datos mula sa John Hopkins University, nung ika-30 ng Abril 2021)
Napupuspos na ang lahat ng healthcare providers ng bagong coronavirus outbreak na ito. Malubha na ang sitwasyon. Kulang ng medical supplies tulad ng oxygen concentrators at ventilators, at limitado ang human resources. Ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) ay kasalukuyang kumikilos sa Mumbai, ang kabisera ng estado ng Maharashtra sa kanlurang India. Narito ang apat na katanungan at ang mga sagot dito tungkol sa kasalukuyang krisis ng COVID-19 sa India.
1. Gaano kasama ang sitwasyon ng COVID-19 sa India?
Ang India ay nakararanas ng matinding bugso ng COVID-19 nitong mga nakaraang linggo. Ang bilang ng mga naiulat na bagong kaso ng bagong coronavirus ay umaabot sa mga bagong rurok; mahigit isang linggo nang ang karaniwang bilang ng mga bagong kaso ay 350,000 kada araw. At kahapon, ika-29 ng Abril, umabot na ito sa halos 390,000—ang pinakamataas na bilang ng bagong kasong naitala sa loob lamang ng isang araw ngayong pandemya.
Ang mga pasilidad para sa pangangalagang pangkalusugan at ang mga staff nito ay nahihirapang kayanin ang pagdami ng mga kaso. Ayon sa mga ulat, ang mga ospital ay napaparalisa dahil as kakulangan ng mga kama para sa mga malalang kaso, kakulangan ng oxygen supply, at kakulangan ng mga gamot na ginagamit para sa mga mild, moderate, at severe na kaso ng COVID-19.
Sa kasalukuyan, ang pangkalahatang access sa pangangalagang pangkalusugan ay apektado na rin. SaMumbai, may inilaang mga ospital para lang sa pangangalaga ng may COVID-19, pero nahihirapan din ang mga nangangalaga sa mga may ibang karamdaman, dahil ang buong sistemang pangkalusugan ay naapektuhan na ng krisis.
Si Kanchan Baburao Hulangare, pasyente, ay nakalabas mula sa ospital at masayang umuwi sa bahay pagkatapos gumaling mula sa COVID-19. Larawan mula Agosto 2020.© Abhinav Chatterjee/MSF
2. Paano maipapaliwanag ang biglang pagdami ng mga kaso sa India?
May ilang sanhi ang panibagong bugso ng mga kaso sa India. Mula Oktubre 2020 hanggang kalagitnaan ng Pebrero 2021, bumaba ang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19. Dahil dito, ayon sa mga eksperto sa pampublikong kalusugan, masyadong naaging kampante na ang mga tao. Sa pag-iisip na patapos na ang pandemya at ligtas na sila, di na nila sinusunod ang mga dapat gawin, tulad ng pagsusuot ng mask, at papapanatili ng social distancing.
Hindi rin nakatulong ang tinatawag na “super-spreader events”, tulad ng mga rally at iba pang pagtitipon.
Dagdag pa rito ang napakataas na population density. Sa mga lubhang mataong siyudad na tulad ng Mumbai, mahirap sumunod sa paghihigpit sa mga pampublikong lugar.
Sa kasalukuyan, walang sapat na ebidensiya na ang mga bagong variant ng SARS-CoV-2 ay naging sanhi ng mabilis na pagkalat ng COVID-19.
Si Dr Sharanya Ramakrishna, medikal na doktor, kumukuha ng isang sample ng swab sample sa Designated COVID-19 health centre sa Pandit Madan Mohan Malviya Shatabdi hospital, na matatagpuan sa Govandi M East ward Mumbai. Larawan mula Agosto 2020. © Abhinav Chatterjee/MSF
3. Ano ang ginagawa ng Doctors Without Borders bilang pagtugon sa krisis?
May mga team kami na kasalukuyang nasa Mumbai upang tumugon sa krisis:
May team kami ng mga doktor at nars na nagtatrabaho sa mga COVID-19 health centres sa siyudad. Ang centre, na pinapatakbo sa tulong ng Municipal Corporation of Greater Mumbai, ay may dalawang tolda. Ang bawat tolda ay may kapasidad na 1,000 na kama para sa mga taong may moderate at severe na COVID-19.
Dinadagdagan pa namin ang mga aktibidad para sa screening, shielding, testing at referral ng mga pasyenteng may drug-resistant tuberculosis (DR-TB). Tinitiyak ng Doctors Without Borders teams na patuloy ang pangangalaga sa mahigit 2,000 na pasyenteng may DR-TB na kasalukuyang ginagamot sa klinika ng Doctors Without Borders at sa Shatabdi hospital.
(Ang shielding ay ginagawa sa pamamagitan ng 'green zones', o ligtas na mga zone, kung saan ang mga indibidwal na mas madaling kapitan sa COVID-19 ay pinananatiling protektado mula sa anumang potensyal na pwedeng pagmulan ng impeksyon. Ang mga lugar kung saan sila mananatili ay maaaring nasa loob ng sambahayan o sa magkakahiwalay na lokasyon, sa kapitbahayan. Sa shielding phase, ang mga taong ito ay dapat magkaroon ng kaunting pisikal na pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kamag-anak at iba pang mga miyembro ng pamayanan.)
Nagpapaabot din kami ng mga mensahe para sa health promotion sa komunidad, at nagsasagawa ng mga aktibidad kaugnay ng water at sanitation sa M-East Ward sa Mumbai. Ang health promotion sa komunidad, kasali na roon ang mga pamamaraang digital, ay nakakatulong sa pagpigil ng pagkalat ng sakit sa mga mataong informal settlements.
© Abhinav Chatterjee/MSF
4. Ano ang pangunahing inaaalala ng Doctors Without Borders sa sitwasyon sa India?
Mayroon kaming tatlong pangunahing alalahanin sa kasalukuyang sitwasyon:
Ang mga vulnerable na tao: Nakatuon kami sa mga vulnerable na tao, o ang mga madaling mahawa, dahil meron silang ibang karamdaman tulad ng diabetes, HIV at/o TB. Kasama sa aming trabaho ang pagbibigay ng impormasyon sa mga taong ito kung ano ang mga maaari nilang gawin upang protektahan ang kanilang sarili.
Ang kalusugan ng aming healthcare staff: Ang hawaan ay madaling mangyari kapag ang staff ay napupuspos na sa dami ng pasyente. Ang resulta nito ay pagod na workforce, na maaaring mabawasan pa ng mga miyembro. Ang kaligtasan ng healthcare workers ay dapat binibigyan ng prayoridad ng bawat pasilidad para sa pangangalagang pangkalusugan, dahil sila ang nasa pinakaharap ng ating pakikibaka sa pandemya.
Napapanahong access sa de-kalidad na pangangalagang medikal, kasama na ang oxygen therapy: Sa biglang pagdami ng mga malalang kaso ng COVID-19, umakyat din ang bilang ng mga taong kailangang maospital at mabigyan ng oxygen therapy. Kaya naman nagsimula ang Doctors Without Borders sa pagsuporta sa ospital sa Mumbai na nakalaan para sa mga pasyenteng may COVID-19, sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon na sampung High Flow Nasal Cannula machines na gagamitin para sa oxygen therapy.
Dati nang tumutugon ang Doctors Without Borders sa COVID-19 sa iba’t ibang estado sa India, kasama ang Bihar, kung saan ginamot namin ang mga mild at moderate na kaso ng COVID-19 sa isang 100-bed treatment facility sa Patna, noong June 2020.
Ginamot din ng Doctors Without Borders teams ang mga moderate na kaso sa isang pasilidad sa Munbai na may 1,100 na kama. Nagsara na ang pasilidad noong kalagitnaan ng Pebrero 2021.
Si Ganpat ay Community Health Educator. Dito isinagawa niya ang mga Health Promotion (HP) ng Doctors Without Borders sa mga lugar ng probinsya sa Govandi East sa Mumbai, upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Higit sa 400,000 na tao ang nakatira sa lugar na ito, at mataas ang peligro ng paghahatid ng COVID-19. Sinimulan ng Doctors Without Borders ang mga aktibidad ng HP noong Hunyo 2020, para sa populasyon na ito. Ang mga pangunahing gawain ay ang pamamahagi ng maskara at pagturo ng mga hakbang sa pag-iwas sa sakit, tulad ng paghuhugas ng kamay at pag-aaral kung paano makilala unang sintomas. Si Ganpat ay nagbibigay ng preventive education at hygiene kit (10 maskara at 8 sabon) sa mga tindero sa mga lansangan ng Govandi silangan na lugar. Larawan mula Agosto 2020. © Abhinav Chatterjee/MSF