Uganda: Tugon ng Doctors Without Borders sa paglaganap ng Ebola
Uganda, 2022. © MSF
Noong Miyerkules, Setyembre 21, isang Doctors Without Borders team na may anim na miyembrong mga doktor at logistician ang naglakbay patungo sa bayan ng Mubende upang alamin ang sitwasyon at kung ano ang mga kailangan sa ospital kung saan natukoy ang kauna-unahang kaso.
Mula noong araw na iyon, ang Doctors Without Borders ay nakapagsimula nang isaayos ang isang Ebola isolation at treatment centre sa ospital sa Mubende. Pinag-aaralan din namin ang posibilidad ng pagkakaroon ng isa pang centre sa bayan ng Madudu, na mga 25 kilometro papuntang hilaga, kung saan nagmula ang unang pumanaw dahil sa Ebola, at kung saan may ilang pinagdududahang kaso ang naiulat. Ngunit sa ngayon, inuuna muna ang pagpapabuti ng pangagalaga sa pasyente sa kasalukuyang istruktura. Bumubuo ang MSF ng isang lupon ng mga nasa propesyong medikal, mga epidemiologist, at mga logistician na may karanasan sa hemorrhagic fever case management. Inaasahang sila’y magiging handa nang magtrabaho sa simula ng susunod na linggo. Ang organisasyon ay nananatiling bukas sa muling pakikiugnay ng Ministry of Health upang kami’y mas makatulong pa kapag natukoy na ang mga pangangailangan.
Ang huling outbreak ng Ebola sa bansa ay naganap noong 2019. Tumulong ang Doctors Without Borders noon sa mga opisyal ng Uganda sa pagtukoy at pangangasiwa sa mga taong nakasalamuha ng mga kumpirmadong kaso, sa pagtatayo ng isang Ebola treatment unit, at sa pagpapabuti ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkahawa at mapigilan ang pagkalat ng sakit.