Ano ang ginagawa ng Doctors Without Borders sa Uganda, isang buwan matapos ideklara ang epidemya ng Ebola?
Pangalawang Ebola Treatment Unit sa Madud. Uganda, Oktubre 2022. © MSF/Sam Taylor
Mula noong unang araw ng outbreak hanggang Oktubre 23, 90 pasyente na ang kumpirmadong may Ebola at 28 na ang naiulat na namatay dahil sa naturang sakit. 32 naman ang gumaling at nakalabas na mula sa mga pagamutan.
Dahil sa mga hamong dala ng kawalan ng kasalukuyang lisensyadong bakuna o gamot para sa Sudan strain ng Ebola, at batay sa aming karanasan sa mga nakaraang outbreak, nakatuon ang tugon ng Doctors Without Borders sa tatlong aspeto. Sa kasalukuyan, ang mga team ng mga doktor, nars, logistician, infection prevention and control (IPC) specialist, at mga health promoter ay nagtatrabaho upang mapigilan ang paglaganap ng sakit at ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay, at mapadali ang epidemiological monitoring, pananaliksik, at innovation.
Isa sa mga pinakamahalagang magagawa upang mapigilan ang paglaganap ng epidemya ay ang mapaikli ang panahon sa pagitan ng paglabas ng mga unang sintomas at ng paggamot nito. Alam namin na kapag mas maagang nabigyang lunas ang mga pasyente, mas malaki ang tsansa niyang mabuhay at bumababa rin ang posibilidad na kakalat ang sakit sa komunidadDenis K. MBAE, Outreach Project Coord.
Sa distrito ng Mubende, ang sentro ng epidemya, may ilang Doctors Without Borders team ang kasalukuyang nakatalaga. Dito’y malapit sila sa mga pasyente. Halimbawa, ang ilan sa kanila ay bumibisita sa mga health centre o mga eskuwelahan kung saan may mga nagdaang pasyenteng may Ebola. Bumibisita sila upang suportahan ang prevention and infection control, at magbigay ng payo ukol sa health promotion.
Nagbibigay din sila ng tulong medikal at social support sa mga taong napilitang ibukod ang kanilang mga sarili sa loob ng 21 na araw, dahil may nakahalubilo silang pasyenteng may Ebola. Tumulong sila sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng hygiene products, pagkain, at kagamitan para sa komunikasyon. Ang suportang ito ay naglalayong punan ang nawala nilang kita sa panahong sila’y nakabukod at di makapaghanapbuhay. Sa ganitong paraan, mas nagiging katanggap-tanggap ang kanilang sitwasyon.
A labourer works on the construction of a 39-bed Ebola Treatment Centre in Mubende, close to the epicenter of the recent Ebola outbreak. This ETC in Mubende is the second facility constructed by Doctors Without Borders in the town and will provide increased capacity for suspected and confirmed Ebola cases. The centre will have an Intensive Care Unit and support efforts to identify and treat patients promptly, improving their chances of survival. Uganda, October 2022. © MSF/Sam Taylor
Ang mga Doctors Without Borders health promoter ay sangkot din sa pagkilala at pagsubaybay sa mga nakahalubilo ng may sakit upang madaling matukoy kung sino ang maaaring tagapagdala ng sakit. Layunin din nilang iangat ang kamalayan ukol sa pagpigil ng pagkalat ng sakit na ito, at magbahagi ng impormasyon ukol sa kailangang gawin kung sakaling kakitaan sila ng sintomas. Bukod pa rito, naghahanda ang Doctors Without Borders na suportahan ang mga apektadong health centre upang tulungan silang magbigay ng libreng pangunahing pagangalagang pangkalusugan para sa mga taong nasa mga lugar na apektado ng epidemya.
Patuloy ang Doctors Without Borders sa pagsuporta sa Ugandan Ministry of Health sa paggamot ng mga may sakit sa distrito ng Mubende na siyang sentro pa rin ng epidemya. Isang Ebola treatment centre na may 40 na kama ang nakumpleto na at isa pang pasilidad na ganoon din kalaki at may kapasidad para sa intensive care ay kasalukuyang itinatayo sa bayan ng Mubende para sa mga kumpirmadong kaso. Isang 8-bed treatment unit sa Madudu para sa mga bagong kaso ang kasalukuyang nagagamit na.
Bukod sa pagpapatayo ng mga unit, nagbibigay din kami ng mga gamot at protective equipment, at ng pagsasanay sa mga medical staff na nagtatrabaho sa mga pasilidad pangkalusugan. Ang mga pagasasanay ay ukol sa pangangalaga ng mga pasyente, at mga panukala ukol sa kalinisan na dapat nilang isatupad dahil mahalaga ito sa sa pagpigil ng nosocomial transmission. Binigyan na rin namin ang Ministry ng mga Doctors Without Borders staff, tulad ng mga doktor at nars, na may karanasan sa paggamot ng mga may hemorrhagic fever.Denis Basdevant, Project Coordinator
Sa Kampala, ang kabisera ng bansa, ipapatupad ng Doctors Without Borders ang mga panukalang tulad ng mga health promotion activity, social support para sa mga nakahalubilo ng mga may sakit, suporta para sa prevention and infection control sa mga pasilidad pangkalusugan, at suporta para sa pangangalagang pangkalusugan na walang kinalaman sa Ebola. Ang Doctors Without Borders ay inaasahan ding maging sangkot sa pangangalaga ng mga pasyente sa lalong madaling panahon.
Sa aspetong epidemiological naman, nakikipagtulungan ang Epicentre sa Ministry of Health sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga epidemiological activity, gaya ng surveillance at infection control and prevention.
Nagpakita na rin ang Doctors Without Borders ng interes at pagiging handang lumahok sa pagsasaliksik na sisimulan sa mga darating na linggo tungkol sa mga bakuna at paggamot ng Sudan strain ng Ebola virus. "Ang pag-apruba ng mga epektibong bakuna at paggamot ng Zaire strain ng Ebola noong 2018-2019 sa Democratic Republic of Congo at ang pangangasiwa ng mga sumunod na outbreak ay mga mahahalagang kasangkapan upang mapigilan ang pagkalat ng virus. Alam natin na bagama’t maaari itong linangin at padaanin sa mga pagsubok upang malaman kung ligtas ito bago ito gamitin, malalaman lang natin kung epektibo ito kapag ginamit na ito sa panahon ng outbreak. Dahil dito, tulad ng ng nangyari sa mga clinical trial na isinagawa para sa mga bakuna at paggamot ng Zaire strain sa DRC noong 2019, handa ang Doctors Without Borders na pondohan ang pagsasaliksik na ito," sabi ni John Johnson, ang vaccine and epidemic response expert ng Doctors Without Borders.