Skip to main content

    Supertyphoon Man-yi, hinagupit ang Pilipinas: “Parang pinalakol ng bagyo ang mga puno.”

    Some residents evacuated to Dinadiawan Elementary School during the storm, only to rooftops torn off the buildings, and trees breaking down cement walls

    May ilang mga residenteng lumikas sa Dinadiawan Elementary School habang kasagsagan ng bagyo. Hindi nagtagal at natanggalan ng bubong ang mga gusali at nawasak ng mga nagbagsakang mga puno ang mga pader na gawa sa semento. Philippines, Nobyembre 2024. © Regina Layug Rosero/MSF

    Ganito ang pagkawasak na idinulot ng Supertyphoon Man-yi (local name, Pepito), ang ikaanim na bagyong tumama sa Pilipinas sa loob lamang ng isang buwan. Dalawang beses bumagsak ang Man-yi sa lupa: una ay sa Panganiban, Catanduanes, noong Nobyembre 16, at pagkatapos ng isang araw, ito nama’y tumama sa Dipaculao, Aurora Province.

    Noong Nobyembre 25, naglunsad ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) ng isang mobile clinic sa komunidad ng Dinadiawan sa tabing-dagat ng Dipaculao, Aurora. Sa loob ng isang linggo, magkakasama ang Doctors Without Borders, Department of Health, at mga provincial at municipal healthcare worker sa pagbibigay ng komprehensibong serbisyo para sa pangangalagang pangkalusugan sa komunidad. Kasama sa mga serbisyong ito ang mga konsultasyong medikal, suporta para sa kalusugang pangkaisipan, psychosocial support, pangangalaga para sa mga sugatan, pagbabakuna, pagbibigay ng mga gamot at pagsasagawa ng screening ng mga bata para sa malnutrisyon.
     

    Nurse Briccio Echo Jr. works with a local nurse to triage patients at the mobile clinic.

    Nakikipagtulungan si Nurse Briccio Echo Jr. sa isang lokal na nars sa pagsasagawa ng triage sa mga pasyente ng mobile clinic. Philippines, Nobyembre 2024. © Regina Layug Rosero/MSF

    “Napakalakas ng hangin.”

    Ang Dinadiawan, Dipaculao, ay isang komunidad na tabing-dagat. Ito’y kinabibilangan ng humigit -kumulang 5,000 na indibidwal, at ito ay nasa isa sa mga pinakanasalantang lugar sa Aurora Province. Ang malalakas na pag-ulan ay sinundan ng mga pagguho ng lupa, kung kaya’t walang makadaan sa mga kalsadang paakyat ng bundok, habang binabayo naman ng bagyo ang mga istrukturang malapit sa tabing-dagat.

    Noong naglabas ng mga babala ukol sa Man-Yi, marami ang nagsilikas sa Dinadiawan Elementary School. Kabilang si Delia Macalipay, 63 na taong gulang, sa mga lumikas doon kasama ang kanyang pamilya.

    “Napakalakas ng hangin. Nagkubli kami sa likod ng isang kutson upang protektahan ang aming mga sarili. Kasama ko ang mga bata, at ako ang may hawak ng kutson. Hindi ko napansin na nakalantad pala ang aking paa, kaya’t noong nabasag ng malakas na hangin ang bintana, natamaan ng basag na salamin ang paa ko,” sabi niya. Pumunta siya sa mobile clinic ng Doctors Without Borders upang patingnan ang kanyang paa. “Mabuti na lang, hindi masyadong kumapit ang basag na salamin sa laman.”

    Bagama’t gumaling siya, namamaga pa rin ang kanyang paa dahil sa pagkababad nito sa tubig-baha.

    Si Dr. Marve Duka-Fernandez ang Medical Team Leader para sa pagtugong ito. “Sa loob ng limang araw, ginamot namin ang 549 na pasyente. Marami sa kanila ang nagdurusa dahil sa mga impeksyon sa upper respiratory tract. Marami rin kaming mga naging pasyente na higit sa 60 na taong gulang at nagdurusa mula sa hindi nabibigyang lunas na altapresyon.”

    May mga pasyenteng may mga hiwa sa balat, mga butas mula sa pagkakatusok, at mga pinsalang natamo sa ulo mula sa iba’t ibang aksidenteng naganap noong kasagsagan ng bagyo, o habang sila’y naglilinis at nagsasaayos pagkatapos nito. Marami rin kaming nakitang kagat ng aso. Bagama’t ang ganitong mga pinsala ay tipikal kapag may ganitong sakuna, mapanganib ito kapag hindi ito ginamot agad, o di kaya’y kapag naging sanhi ito ng impeksyon. Dahil abala ang mga tao sa pagsasaayos o paglilinis, hindi nila naiisip na kumuha ng atensyong medikal, o di kaya’y mas iniintindi nila ang mga pangangailangan ng ibang miyembro ng kanilang pamilya kaysa kanilang mga sarili.
    Dr. Marve Duka-Fernandez

    “Tinangay ang aming tirahan ng pagguho ng lupa.”

    Si Rosalinda Tabil, 41 na taong gulang, ay dumating sa mobile clinic nang may sugat sa kanyang braso. “Binubuksan ko ang isang lata ng sardinas para pakainin ang aking pamilya. Wala akong can opener, kaya’t kutsilyo lang ang gamit ko. Dumulas ito at nasaksak ako sa aking braso.”

    Sa pagtama ng bagyo, nakisilong si Rosalinda at ang kanyang pamilya sa bahay ng kanilang mga kamag-anak. Sa kanilang pagmamadali, napilitan silang iwan ang lahat ng kanilang kagamitan. Kasama ang kanyang mga anak at iba pang mga kamag-anak, walo silang nagsiksikan sa maliit na espasyo. Wala silang magawa kundi magdasal na lamang na hindi liparin ng hangin ang kanilang bubong. Mula sa kanilang tirahan sa kabundukan, lumikas sila sa lugar na mas malapit sa dagat.

    “Kinailangan naming tumawid sa tatlong tulay upang makarating rito,” sabi niya. “Noong binalikan namin ang aming tirahan, wala na ito. Tinangay ito ng gumuhong lupa.” Kasama ng kanilang tirahan, natangay rin ang lahat ng kanilang ari-arian.

    Nurse Daryll Von Abellon cleans a leg wound on a teenaged boy. Philippines, November 2024. 

    Nililinis ni Nurse Daryll Von Abellon ang sugat ng isang batang lalaki. Philippines, Nobyembre 2024. © Regina Layug Rosero/MSF

    Mga hamon sa kalusugang pangkaisipan: “Paano na lang ang aking pamilya kung ako’y mamatay?”

    Kaagapay ng mobile clinic, kinausap ng Mental Health Lead na si Sarah Jane Deocampo ang mga pasyente tungkol sa kanilang mga karanasan at pinagdaanang trauma. Sa kabuuan, ang Doctors Without Borders ay nagsagawa ng mga psychoeducation session para sa 55 na mga indibidwal, kung saan nagbigay sila ng mahahalagang kaalaman ukol sa kalusugang pangkaisipan at mga estratehiya sa pagharap sa mga suliraning kaugnay nito. Nagbigay rin ang team ng Doctors Without Borders ng Psychological First Aid (PFA) individual counseling sa 35 na tao, at nangasiwa rin sa isang group processing session para sa 11 na frontliner at mga namumuno sa komunidad.

    Ayon sa obserbasyon ni Deocampo, “Marami sa humihingi ng counseling ay mga matatandang pasyente. Karamihan sa kanila ay mga kababaihan, pero mayroon din namang mga kalalakihan na gustong pag-usapan ang kanilang mga naranasan, at ang pinagdaanan nilang trauma dulot ng sakuna.”

    Masyado silang nakatuon sa pag-aasikaso sa kanilang mga pamilya, sa muling pagtayo ng kanilang mga tirahan at ng muling pagbangon ng kanilang mga buhay, sa pag-iisip ng paraan kung paano nila malalampasan ang trahedyang ito, kung kaya’t hindi na nila nabibigyang-pansin ang kanilang mga sariling damdamin, kanilang mga natamong pinsala at ang iba pa nilang isyung pangkalusugan. Kapag sa wakas ay lumapit na sila sa amin para sa counseling, saka lang nila hinahayaang pumatak ang kanilang mga luha at kumawala ang lahat ng kanilang mga pangamba at pagkabigo. Noon din lang nila hinahayaang makadama sila ng mga emosyong bukod sa kawalan ng pag-asa, at doon lang nila maiisip ang kanilang kinabukasan.
    Sarah Jane Deocampo, Mental Health Lead

    Tiniyak ni Evangelina Ramiro na ang mga miyembro ng kanilang pamilya ay dumaan sa mga konsultasyong medikal bago siya pumayag na magkaroon ng individual counseling session. Sa pagbabahagi ni Deocampo, “May dalawa siyang anak at dalawang apo na mga pipi. Sa edad na73, siya pa rin ang tanging nag-aalaga sa kanilang pamilya. Mga taon na ang nakalipas noong namatay ang asawa niya, at ang iba niyang mga anak ay umalis na mula sa probinsiya ng Aurora. Sabi niya sa akin, ‘Kaya pa ng isipan ko, ngunit ang katawan ko’y bumibigay na. Paano na lang ang aking pamilya kung ako’y mamatay? Ni hindi sila makapagluto ng sarili nilang pagkain.'”

    “Gayunpaman, pagkatapos ng aming counseling session, sinabi niya na, ‘Salamat, anak. Kahit saglit lang, nararamdaman kong tila hindi na ako nalulunod sa mga sarili kong problema.'”

    Mga hamon sa access at pagtatasa

    Naapektuhan ng Man-yi ang maraming lugar na nagsusumikap pa lang bumangon sa mga naunang bagyo. Binisita ng Doctors Without Borders ang probinsiya ng Catanduanes sa rehiyon ng Bicol, at Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Aurora sa Northern at Central Luzon, upang pag-aralan ang mga pangangailangan ng mga apektadong komunidad. 

    Ibinihagi ni Logistician Daryll Von Abellon, “Upang matasa ang mga pangangailangan sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Aurora, apat hanggang limang oras kaming bumibiyahe upang makarating sa isang komunidad, pagkatapos ay apat na oras uli kaming nasa daan pabalik sa Tuguegarao City, Cagayan, bago kumagat ang dilim."

    "Isang munisipalidad lang ang napupuntahan namin kada araw, dalawa kapag sinusuwerte kami. May isang araw kung kailan nasa daan kami ng mahigit 14 na oras. May isang beses naman na kailangan naming umatras, dahil bagama’t halos nasa probinsiya ng Aurora na kami, ang pagguho ng lupa ay nagdulot ng mga sagabal sa daan, at itinuring ng mga lokal na awtoridad na masyadong delikado ang maglakbay rito," pagpapatuloy niya.

    Evangelina Ramiro made sure her family members had medical consultations before she agreed to have an individual counseling session. Deocampo shared, “She has two children and two grandchildren who are mute. At 73 years old, she is still the one taking care of her whole family. Her husband died years ago, and her other children have left Aurora province. She told me, ‘My mind is still capable, but my body not as much. What will happen to my family if I die? They cannot even cook their own meals.’” “Still, a

    Upang makarating sa Dinadiawan, Dipaculao mula sa Baler, ang kabisera ng probinsiya ng Aurora, kinakailangang maglakbay ang team ng halos dalawang oras sa mga daang zigzag sa pagitan ng mga bundok at ng karagatan. Ilang araw pagkatapos manalanta ang Supertyphoon Man-yi, maraming mga kalsada ang hindi madaanan dahil sa mga pagguho ng lupa. Philippines, Nobyembre 2024. © Regina Layug Rosero/MSF

    “Dahil sa anim na bagyo ang nanalanta sa bansa sa loob lamang ng isang buwan, kinailangan naming pag-aralan kung alin sa mga apektadong lugar ang pinakanapinsala ng pinakahuling bagyo, alin ang may pinakamatitinding pangangailangan, at alin ang mga kayang mapuntahan. Wika nga ng mga lokal na disaster response team at mga tanggapang pangkalusugan, ‘Handa kaming harapin ang isa hanggang dalawang bagyo ngayong buwan, pero anim ang dumating. Sobra naman iyon.’”

    Upang makarating sa Dinadiawan, Dipaculao mula sa Baler, ang kabisera ng probinsiya ng Aurora, kinakailangang maglakbay ang team ng halos dalawang oras sa mga daang zigzag sa pagitan ng mga bundok at ng karagatan. Sa Dipaculao, ang mobile clinic ay itinayo sa mga kalsadang hindi aabot ng isang kilometro ang distansiya mula sa tabing-dagat, kung saan ang mga kahoy at iba pang mga labi ay nakakalat pa sa dalampasigan.

    Matapos ang isang linggong pagpapatakbo ng mga mobile clinic sa Dinadiawan, ang Doctors Without Borders ay nagsagawa ng psychological first aid training para sa 30 na healthcare worker mula sa Aurora Provincial Health Office. Winakasan ng Doctors Without Borders ang emergency response noong Disyembre 2, 2024.

    Categories