Pilipinas: Naglunsad ang Doctors Without Borders ng Pagtulong sa mga islang apektado ng Bagyong Rai (Odette)
Dinagat Islands after Typhoon Rai (Odette) swept across the area in December 2021. Phillipines, 2021. © MSF/Chenery Lim
Maynila, 17 Enero 2022 – Nagsimula na ang mga emergency team ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) na magbigay ng tulong medikal at humanitarian sa mga komunidad sa mga liblib na lugar tulad ng mga isla ng Dinagat, Siargao at iba pang mga lugar sa labas nito. Ilan lamang ang mga lugar na ito sa mga lubhang naapektuhan ng Bagyong Rai (na pinangalanang Bagyong Odette sa Pilipinas), na humagupit sa Pilipinas noong Disyembre 2021 at nagdulot ng pagpanaw ng daan-daang katao
Pagkatapos ng mga pagtatasang ginawa namin mula Disyembre hanggang sa simula ng Enero, nagpadala kami ng mga team ngayong linggong ito sa mga apektadong rehiyon, na itinatayang may pinagsamang populasyon ng mahigit 240,000. Sa pakikipagtulungan sa kasalukuyang pagtugon ng mga kinauukulan ng bansa, nakatuon kami sa pagsuporta sa mga pasilidad pangkalusugan, pagpapatakbo ng mobile clinic sa mga lugar na di naaabot ng tulong, pagpapadali ng paglipat ng mga kritikal na pasyente, pamamahagi ng relief items, at pagbibigay ng mga kinakailangang kagamitang medikal.
Matindi ang epekto ng bagyo sa buhay ng libo-libong mga tao sa mga islang ito. Marami sa kanila ang nawalan ng tahanan at kabuhayan, at nahihirapang makakuha ng pangangalagang pangkalusugan at malinis na iinuming tubig. Mahalagang mabigyang muli ang mga tao ng mga pangunahing serbisyo sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit na dala-dala ng tubig.Chenery Ann Lim, emergency medical coord
Ang Tugon ng Doctors Without Borders
Dinagat
Sa isla at probinsiya ng Dinagat, may mga 30,000 na bahay at maraming mga lokal na imprastruktura ang winasak ng bagyo. Iisa lang ang doktor na tumitingin sa 36,000 na residente ng Basilisa. Dagdag pa sa alalahanin ang pagkasira ng tatlong sea ambulance na karaniwang nagdadala sa mga pasyenteng nangangailangan ng espesyal na pangangalaga sa labas ng isla.
Sa aming pagtatasa, may mga nakita kaming mga pasyenteng may impeksyon sa upper respiratory tract, acute watery diarrhea at alta-presyon. Sa isang bayan naman, may mga nakagat ng mga asong palaboy.
Susuportahan ng aming mga team ang mga lokal na healthcare workers at magpapadala rin kami ng mga tao sa Dinagat District Hospital at sa mga health unit ng Basilisa at San Jose, na nagtamo ng matinding pinsala at nangangailangan ng rehabilitasyon. Tutulong kami sa paglipat ng mga pasyenteng nangangailangan ng karagdagang pangangalaga sa pamamagitan ng pagsuporta sa isang sistema ng mga sea ambulance.
A member of the Doctors Without Borders assessment team surveys the damage in Brgy. Navarro, Tubajon, Dinagat Islands. Philippines, 2022. © MSF/Chenery Lim
Damaged Dinagat District Hospital. Dinagat Islands province is one of the hardest hit areas by Typhoon Rai (Odette), which swept across the Philippines in December 2021. Philippines, 2022. © MSF/Chenery Lim
Damaged Dinagat District Hospital. Dinagat Islands province is one of the hardest hit areas by Typhoon Rai (Odette), which swept across the Philippines in December 2021. Philippines, 2022. © MSF/Chenery Lim
The municipality of Cagdianao in Dinagat Islands province is one of the hardest hit by Typhoon Rai (Odette), which swept across the Philippines in December 2021. Philippines, 2022. © MSF/Chenery Lim
Sa loob at labas ng Siargao
Sa isla ng Siargao, sa probinsiya ng Surigao del Norte, kung saan may mga pasilidad pangkalusugan na nagtamo rin ng mga pinsala, bibigyan namin ang komunidad, pati na rin ang mga unang tumugon sa emergency, ng psychological first aid at pangangalagang pangkalusugan ng kaisipan, at suporta para sa patient referrals.
Maglulunsad din kami ng mga mobile clinic sa mga lugar na wala pa o kakaunti pa lang ang natatanggap na tulong, at kabilang rito ang mga isla sa labas ng Surigao City. Ang suporta para sa kalusugang pangkaisipan ay magiging mahalagang bahagi ng aming mga konsultasyon.
Bagama’t mayaman sa tubig ang lugar na ito, ang kawalan ng malinis na tubig ay isang malaking problema sa kasalukuyan. Ang kapasidad para sa pag-imbak at ang water network ay lubhang naapektuhan ng mga iniwan ng bagyo. Ayon sa mga awtoridad, may mga naitalang namatay dahil sa acute gastroenteritis at leptospirosis, isang bacterial infection na karaniwang makukuha mula sa maruming tubig-baha.
Bilang tugon, mamamahagi kami ng hygiene kits, o mga kagamitan para sa kalinisan ng katawan, at magdadaos ng mga aktibidad na kaugnay ng water at sanitation upang magbigay-daan sa pagkakaroon ng malinis na iinuming tubig sa lahat ng lugar kung saan nagbibigay ang Doctors Without Borders ng emergency response
Talisay, Surigao City. Typhoon Rai was the strongest storm to make landfall in the Philippines in 2021, affecting 11 regions and 38 provinces, leaving an estimated 407 dead and 1,147 injured. Philippines, 2022. © MSF/Chenery Lim
Ang Bagyong Rai ang pinakamalakas na bagyong tumama sa lupa ng Pilipinas noong 2021. Naramdaman ang epekto nito sa 11 rehiyon at 38 probinsiya, at nag-iwan ng di bababa sa 405 na patay, 65 na nawawala, at 1,261 na nasaktan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ang Doctors Without Borders ay nagbibigay ng suporta sa Pilipinas mula pa noong 1984, lalo na sa pagtugon sa mga emergency at mga natural na sakuna. Noong 2013, isa ang Doctors Without Borders sa mga unang rumesponde matapos ang pananalanta ng Bagyong Haiyan. Noong 2017, nagbigay kami ng suporta sa mga nawalan ng tirahan dahil sa pagkubkob sa Marawi City.
Mayroon din kaming pinatatakbong dalawang matatag na proyekto sa Pilipinas: isang proyekto para sa tuberculosis sa Tondo, Manila, at sa Marawi at Lanao del Sur naman, nagbibigay kami ng pangangalaga para sa kalusugang pangkaisipan, at ng lunas para sa mga sakit na di nakahahawa.