Southern Lebanon: Kamatayan, pinsala at malaking pagkawasak pagkatapos ng airstrike ng Israel sa Sour (Tyre)
Ang pagkasira ng Jabal Amel Hospital pagkatapos itong tamaan ng Israeli strike na isinagawa noong Hunyo 1 sa Sour (Tyre), Southern Lebanon. Lebanon, 2026 © MSF
Kinokondena ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ang airstrike na isinagawa ng hukbong Israeli noong gabi ng Hunyo 1 malapit sa Jabal Amel Hospital, na aming sinusuportahan, sa Sour (Tyre), Lebanon.
Ayon sa pinakahuling tala ng Ministry of Public Health, ang pagsalakay ay nagdulot ng pagkamatay ng apat na tao at 127 naman ang nasaktan, kabilang ang 39 na hospital staff. Sa mga staff na nagtamo ng pinsala, apat ang nasa kritikal na kondisyon at kasalukuyang ginagamot sa intensive care. Patuloy ang paghahanap ng mga katawan sa ilalim ng mga gumuho, at ang kabuuang bilang ng mga namatay at nasaktan ay maaari pang madagdagan.
Malaki ang pagkawasak na idinulot ng airstrike sa Jabal Amel Hospital. Kabilang sa mga napinsala ang inpatient department, radiology department at ang intensive care unit. Ang isang dingding ng operating room ay napuruhan, at ngayo’y isang malaking butas na lamang. Kinailangan ng medical team na agad ilipat ang kalahati ng mga pasyenteng naiwan sa intensive care unit sa ibang ward upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Ang mga paulit-ulit na pagsalakay ay nagpapakita ng pagkabigong protektahan ang misyong medikal at nagbibigay-diin sa kagyat na pangangailangang mapangalagaan ang kapakanan ng mga sibilyan, medical staff, at mga pasilidad pangkalusugan, at na maipagpatuloy ang pagbibigay ng makasagip-buhay na pangangalaga.Omar Ebeid, Doctors Without Borders Project Coordinator in Southern Lebanon
Ang pagkasira ng loob ng Jabal Amel Hospital pagkatapos itong tamaan ng Israeli strike na isinagawa noong Hunyo 1 sa Sour (Tyre), Southern Lebanon. Lebanon, 2026 © MSF
Isang araw bago iyon, ang kalapit na Hiram Hospital – na isa ring pasilidad na sinusuportahan ng Doctors Without Borders – ay tinamaan din ng isang airstrike ng mga Israeli. Ayon sa Lebanese Health Ministry, 13 na mga healthcare worker ang nasaktan. Ang mga insidenteng ito’y naganap sa gitna ng lumalalang karahasan nitong mga nakaraang araw. Kasabay ito ng muling pagpapasailalim ng mga southern suburb ng Beirut sa mga kautusan sa paglikas na inilabas ng Israel noong Lunes, kasunod ng malawakang kautusan sa paglikas na inilabas naman noong Linggo para sa buong katimugan, hanggang sa Zahrani River.
“Ang mga paulit-ulit na pagsalakay ay nagpapakita ng pagkabigong protektahan ang misyong medikal at nagbibigay-diin sa kagyat na pangangailangang mapangalagaan ang kapakanan ng mga sibilyan, medical staff, at mga pasilidad pangkalusugan, at na maipagpatuloy ang pagbibigay ng makasagip-buhay na pangangalaga,” sabi ni Omar Ebeid, ang Project Coordinator ng Doctors Without Borders sa Southern Lebanon.
Will you support our emergency response work?
Help us provide lifesaving medical care during emergencies by making a donation today.
Related articles