Lindol sa Syria: "Puno ang mga ospital ng mga sugatan at mga namatay.”
Inooperahan ng mga doktor na Syrian ang isang pasyente sa ospital sa Atmeh. Ang mga kagamitan na nasa operating room ng ospital na ito ay galing sa donasyon ng Doctors Without Borders team sa Atmeh. Syria, Pebrero 11, 2023. © Abdul Majeed Al Qareh
Ayon sa mga huling tala, mahigit 35,000 na tao na ang namatay dahil sa mga lindol na yumanig sa Türkiye at Syria. Sa Northwest Syria, isang rehiyong napapaligiran ng lupain, ang mga team ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) na nakatalaga roon ay nagpatupad ng emergency plan noong Pebrero 6. Layunin nito na masuportahan ang mga ospital at magbigay ng tulong na medikal at materyal sa mga populasyon, sa pamamagitan ng pagkilos ng karamihan sa mga 500 na miyembro ng staff na aktibo sa bansa. Ang ospital ng Doctors Without Borders sa Atmeh, kung saan ang partikular nilang kasanayan ay ang pangangalaga sa mga biktima ng sunog, ay nakapagbigay na ng maraming mga donasyon na medical at non-medical equipment at nagpadala ng mga surgeon upang matulungan ang ilang ospital sa rehiyon. Dagdag pa rito, may ilan na ring donasyon na ibinigay sa pamamagitan ng mga lokal na proyekto ng Doctors Without Borders sa 30 na ospital sa rehiyon.
"Noong Pebrero 6, napagtanto agad namin na nahaharap kami sa isang nakapanlulumong sitwasyon," paliwanag ni Mohammad Darwish, deputy director ng ospital ng Doctors Without Borders sa Atmeh. "Matindi ang pinsala sa lugar na iyon, kaya’t wala pang tatlong oras matapos ang unang paglindol ay inilunsad na namin ang emergency plan at naka-alerto na ang staff."
Ang mga team sa Atmeh ay nagsimulang magpadala ng medical equipment sa sampung ospital sa rehiyon, tulad ng Bab al-Hawa, Darat Izza, Idlib, at maging sa Atarib. "Lahat ng mga ospital ay napupuspos, maski ang amin," paliwanag ni Samih Kaddour, director ng ospital ng Aqrabat, na ang pagkadalubhasa ay nasa larangan ng orthopedic at reconstructive surgery.
"Ang mga team ng Doctors Without Borders ang unang tumulong sa amin at nagbahagi ng kanilang resources. Binigyan nila kami ng mga materyales, kabilang na rito ang mga ginagamit sa paggawa ng mga cast at sa sterilization ng mga sugat. Tumanggap kami ng 800 na tao sa emergency room, 250 sa mga iyon ay kailangang operahan. Kahit ngayong araw na ito [Sabado, Pebrero 11], patuloy pa rin ang pagdating ng mga sugatan." Sa kasamaang palad, wala nang panahon para sa emergency lives saving.
Mga trak na kinuha ng mga team ng Doctors Without Borders mula sa ospital sa Atmeh, tungo sa mga tatanggap ng kanilang ipamamahagi. Syria, ika-11 ng Pebrero, 2023. Syria. © Abdul Majeed Al Qareh
Ang mga surgeon ng Doctors Without Borders ay ipinadala sa mga partikular na pasilidad pangkalusugan sa rehiyon kung saan ang kanilang mga kapwa doktor na may hinaharap na malalaking bilang ng mga nasaktan. "Pumunta ako sa ospital na nasa paligid ng Türkiye," paliwanag ni Dr. Mohammad Zaitoun. "Matindi ang pressure sa amin. Dahil sa pagsasara ng border, walang posibilidad na makatatanggap kami ng suporta mula sa labas, at di rin namin mailipat ang mga sugatan. Napakaraming pasyente, at ang medical staff ay pagod na pagod. Ginawa namin ang abot ng aming makakaya kasama ang mga Doctors Without Borders team sa Atmeh. Bilang isang surgeon, nandoon ako sa operating room. Ngayon lang kami nakakita ng ganito karaming sugatan, maliban na lang noong may mga nangyaring massacre sa rehiyon."
Ang mga ambulansya ng ospital sa Atmeh ay ginamit din. Ginawa nilang posible ang paglipat ng mga pasyente sa ibang mga ospital. Ang mga Doctors Without Borders mobile clinic naman, inangkop sa sitwasyon ang kanilang pagkasangkot at ipinadala sila sa mga lugar kung saan maraming mga biktima ng lindol. Ang mga team na nasa likod ng mga mobile clinic ay ilang taon nang regular na nagtatrabaho, nagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa mga taong nakatira sa kampo sa rehiyon, kung saan tinatanggap ang mga taong nawalan ng tirahan dahil sa digmaan. Kasalukuyan nilang binibisita ang mga lugar na ginagawang daily refuge ng mga taong nawalan ng tirahan, sa Sarmada, Kammouneh o Al Dana.
Wala pa rin tayong malinaw na larawan ng sitwasyon sa mas malawak na sakop ng Atmeh. Ang alam lang natin, puno ang mga ospital ng mga sugatan at mga namatay, at na napakaraming mga pangangailangan. Kailangan ng mga tao sa rehiyon ang lahat. Agad naming binuksan ang aming mga logistics warehouse at namahagi kami ng daan-daang essential items, ngunit hindi pa rin iyon sapat. 2,500 na kumot ang binigay sa mga ospital para sa kanilang mga pasyente at daan-daang kit na naglalaman ng basic necessities ang ipinamahagi sa mga pamilya.Mohammad Darwish, Hospital Dep. Director
Sa agarang hinaharap, ang mga team ng Doctors Without Borders sa rehiyon ay nakasalalay lamang sa kanilang emergency stocks, habang inaantay nila ang pagdating ng international supply, na naantala naman dahil sa tensyong politikal na bumabalot sa rehiyong ito. Bago ang mga paglindol, ang Bab al-Hawa ang tanging crossing point para sa humanitarian aid na galing sa Türkiye papunta sa rehiyong ito sa Northwestern Syria.
"Halos isang linggo pagkatapos ng mga lindol, wala pa rin kaming natatanggap na tulong mula sa labas," himutok ni Moheed Kaddour, direktor ng isang ospital sa Atmeh, at kapatid ni Samih Kaddour. "Ang suporta ay nanggaling lamang sa ibang mga ospital, mga lokal na komunidad , at mga organisasyon na narito na bago pa man nagkaroon ng trahedya. Mahalaga ang papel na ginampanan ng ospital ng Doctors Without Borders sa Atmeh. Iyon nga lang, ang ganitong pagtugon, pinagtibay sa pamamagitan ng regular na pagsuporta sa isang network ng mga dalawampung istrukturang pangkalusugan, ay may mga partikular na limitasyon, gaya ng kawalan ng posibilidad na ilipat nag mga pasyenteng nasa malubhang kondisyon sa Türkiye."
Isang residente ng Atmeh na nawalan ng tirahan dahil sa lindol. Ang mga team ng Doctors Without Borders ay nagbigay ng donasyon na mga toldang magagamit ng mga residente bilang pansamantalang masisilungan. Syria, ika-11 ng Pebrero, 2023. © Abdul Majeed Al Qareh
"Kadalasan, maaari naming ilipat ang mga pasyenteng malala ang pagkasunog sa mga angkop na istrukturang pangkalusugan sa Türkiye," paliwanag ni Mohammad Darwish. "Ang ospital ng Doctors Without Borders sa Atmeh ay nagbibigay ng pangunahing pangangalaga, ngunit mayroon din itong mga limitasyon at ang kaya lang nitong bigyang pangangalaga ay ang mga taong hindi malala ang pagkasunog. Ngayon, wala nang mga specialized hospital bed sa Idlib, at hindi naman puwedeng tumawid sa border."
Sa Northwestern Syria, ang mga lindol ay nagdulot ng kaguluhan sa isang rehiyon na may mahigit dalawang milyong nawalan ng tirahan at nakatira sa mga kampo kung saan kulang ang access sa pangangalagang pangkalusugan. "Siyam na araw pagkatapos ng mga lindol, kumikilos pa rin kami upang pangalagaan ang aming mga pasyente," sabi ni Moheeb Kaddour. "Nagsasagawa pa rin kami ng mga operasyon na makasasagip ng buhay ng mga crush syndrome victim. Ito’y resulta ng matagal na pagkaipit ng mga kalamnan at maaaring mauwi sa kamatayan dahil sa saturation at renal failure. Ang sitwasyon ay hindi mailalarawan nang mabuti, at sa ngayon, kami ay walang katuwang sa aming ginagawa."