Skip to main content
    Measles patient story

    Tigdas

    Nanawagan ang Doctors Without Borders ng agarang kampanya sa pagbabakuna upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng nakamamatay na measles outbreak sa Western Equatoria state, South Sudan.

    Bagama’t nakamamatay ang tigdas, madali naman itong pigilan.

    Pinakahuling ulat

    Ang Western Equatoria state ng South Sudan ay humaharap sa isang krisis sa tigdas, kung saan pito na ang nasawi at 460 na kaso ang naitala hanggang Marso 2024. Karamihan sa mga apektado ay mga batang wala pang limang taong gulang na hindi nabakunahan laban sa sakit.

    Nanawagan ang Doctors Without Borders (MSF) sa mga awtoridad pangkalusugan at sa World Health Organization (WHO) na maglunsad ng agarang kampanya sa pagbabakuna upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng tigdas.

    Ang aming ginagawa para labanan ang tigdas

    Tigdas sa South Sudan: Nahaharap sa bagong krisis sa kalusugan ang mga taong tumatakas mula sa alitan sa Sudan
    Tigdas sa South Sudan: Nahaharap sa bagong krisis sa kalusugan ang mga taong tumatakas mula sa alitan sa Sudan
    Nagtala ang mga team ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) ng nakababahalang pag-akyat sa bilang ng mga kaso ng tigdas at malnut...
    Yemen: Hindi lang mga numero—ang nakababahalang pagdami ng kaso ng tigdas sa bansa
    Yemen: Hindi lang mga numero—ang nakababahalang pagdami ng kaso ng tigdas sa bansa
    Nitong nakaraang tatlong taon, nagkaroon ng nakababahalang pagtaas ng bilang ng mga batang ipinasok sa mga ospital ng Doctors Without Borders / Médeci...
    Sudan: Pagkatapos nilang matakasan ang alitan, daan-daang libong tao ang nahaharap sa paghihirap at mga banta sa kalusugan sa mga siksikang kampo sa estado ng White Nile
    Sudan: Pagkatapos nilang matakasan ang alitan, daan-daang libong tao ang nahaharap sa paghihirap at mga banta sa kalusugan sa mga siksikang kampo sa estado ng White Nile
    Mahigit 140,000 na tao, karamihan mga babae at batang South Sudanese na tumakas mula sa Khartoum, ang kararating lang sa estado ng White Nile mula noo...
    Tigdas sa DRC: Ang walang katapusang pakikibaka laban sa isa sa mga pinakanakahahawang sakit sa mundo
    Tigdas sa DRC: Ang walang katapusang pakikibaka laban sa isa sa mga pinakanakahahawang sakit sa mundo
    Kada dalawa hanggang tatlong taon, naaapektuhan ng mga outbreak ng tigdas ang sampu-sampung libo, o baka nga daan-daang libo pang mga bata sa Democrat...
    Kenya: A day in an outreach activity - Triple burden of measles, malaria and malnutrition in a family
    Kenya: A day in an outreach activity - Triple burden of measles, malaria and malnutrition in a family
    Bringing life-saving medical services closer to the villages holds profound significance for those living far from healthcare facilities. In March 202...
    Tigdas sa DRC: Ang walang katapusang pakikibaka laban sa isa sa mga pinakanakahahawang sakit sa mundo
    Tigdas sa DRC: Ang walang katapusang pakikibaka laban sa isa sa mga pinakanakahahawang sakit sa mundo
    Kada dalawa hanggang tatlong taon, naaapektuhan ng mga outbreak ng tigdas ang sampu-sampung libo, o baka nga daan-daang libo pang mga bata sa Democrat...

    Ano ang tigdas?

    Ang tigdas ay isang lubhang nakahahawang acute viral infection. Ito ay kumakalat sa hangin: maaari tayong mahawa kapag nasinghot natin ang respiratory droplets mula sa mga may sakit na. Ang pinakanaapektuhan nito ay mga batang wala pang limang taong gulang.

    Bagama’t nakamamatay ang sakit na ito, madali naman itong pigilan. Ang bakuna laban sa tigdas ay nakapagbibigay ng halos kumpletong proteksyon kapag ito’y dalawang beses itinurok. Kaya naman mahalagang matiyak na mabibigyan ang lahat ng bata ng dobleng bakuna. Upang maiwasan ang mga outbreak, 95% ng mga bata ay dapat nabakunahan nang dalawang beses; kailangang masusi ang pagsubaybay; at kinakailangang mag-organisa ng regular na mga kampanya upang maprotektahan ang mga batang maaaring hindi nabigyang-pansin.

    Mga Kaalaman Ukol sa Tigdas

    Mga nasa panganib
    Paghawa
    Mga sintomas
    Paggamot
    Mga Outbreak

    Ang pinakananganganib na mahawa sa tigdas ay ang mga taong kulang sa bakuna, o di kaya’y hindi pa nakatatanggap ng bakuna, lalo na ang mga batang wala pang limang taong gulang. Ang mga lugar kung saan may digmaan o kung saan may malaking populasyon— gaya ng mga kampo ng refugee—na may mababang bilang ng mga nabakunahan at mahinang sistemang pangkalusugan ang madalas na tinatamaan ng epidemya. Madaling magkaroon ng outbreak sa Democratic Republic of Congo, Central African Republic at iba pang mga bansang kulang ng kapasidad para sa regular na pagbabakuna.

    Dagdag pa rito, ang distansya at ang hirap ng dadaanan paungo sa ilang bahagi ng mga bansang ito ay nagbibigay ng mga malalaking hamon sa pagdala ng mga materyales na kailangan para sa mga kampanya ng pagbabakuna.

    Ang tigdas ay naidudulot ng isang virus na lubhang nakahahawa kung kaya’t 90% ng mga non-immune na taong nakatira kasama ng may sakit ay mahahawa. Ang isang may sakit ay maaaring makahawa ng 18 na tao. Tuwing umuubo, bumabahin o kahit humihinga lang ang may sakit, nagpapakawala siya ng virus mula sa kanyang ilong, bibig, at lalamunan. Ang pagbabakuna ang pinakamainam na proteksyon sa tigdas.

    Ang mga sintomas ng tigdas ay lumalabas 10 hanggang 14 na araw matapos malantad ang isang tao sa virus. Kabilang sa mga sintomas ang tumutulong sipon, ubo, impeksyon sa mata, mga pantal, at mataas na lagnat. Umaabot ng 20% ng mga kaso ng tigdas ang nauuwi sa mga seryosong kumplikasyon na maaaring  ikamatay, gaya ng malubhang diarrhoea, mga impeksyon ng respiratory tract gaya ng pulmonya, pagkabulag, at encephalitis (inflammation of the brain).

    Walang partikular na antiviral treatment para sa tigdas. Sa halip ay ang mga sintomas nito, gaya ng lagnat, ang ginagamot. Kasama sa pangangalaga para rito ang pagbubukod sa mga pasyente at paggamot ng mga kumplikasyon. Karamihan sa kanila’y gumagaling pagkatapos ng dalawa hanggang tatlong linggo, ngunit sa mga lugar na salat sa yaman, umaabot ng 15% ng mga may tigdas ang namamatay dahil sa isa o higit pang mga kumplikasyon. Ang karamihan sa namamatay ay mga bata, lalo na ang mga wala pang limang taong gulang at ang mga may ibang sakit na nakakaapekto sa kanilang immune system, gaya ng matinding malnutrisyon.

    Upang makapagdeklara ng isang outbreak, kinakailangang kumpirmahin sa laboratoryo ang diagnosis. Sa mga siksikan o saradong lugar, gaya ng mga kampo para sa mga refugee at mga taong nawalan ng tirahan, isang kumpirmadong kaso lang ng tigdas ay itinuturing nang isang outbreak dahil mabilis at madaling kumalat ang sakit. Tumutugon ang Doctors Without Borders sa mga outbreak sa pamamagitan ng pagbibigay-lunas sa mga taong may tigdas at pagpapatupad ng mga malawakang kampanya ng pagbabakuna.

    Nakapagbakuna na ang Doctors Without Borders ng mahigit sa 34 milyong bata laban sa tigdas mula noong 2006.

    Ang haligi ng mga outbreak ay ang mahinang sistema sa pampublikong pagbabakuna at ang mababang vaccination coverage, kasama ang mga lugar na may alitan at ang mga may mataas na bilang ng mga taong nagsiksikan sa maliit na lugar gaya ng mga kampo ng refugee.

    MSB165473_measles

    Isang batang may tigdas ang tumatanggap ng paggamot sa isang isolation room sa Abs, Yemen General Hospital. Ang ospital na ito ay sinusuportahan ng Doctors Without Borders. Noong unang kalahati ng 2023, ang bilang ng mga may tigdas na tinanggap sa mga pasilidad na suportado ng Doctors Without Borders ay halos 4,000 na— halos tatlong ulit ng bilang noong 2022. © MSF

    MSB165415_measles

    Si Ebtisam, walong taong gulang. Ginagamot siya sa isolation center para sa mga pasyenteng may tigdas na suportado ng Doctors Without Borders sa Rada'a Hospital, Yemen. Magaling na si Ebtisam at pinayagan na siyang lumabas ng ospital. Bilang tugon sa pagdami ng mga kaso ng tigdas na iniulat sa governorate ng Al Bayda noong Pebrero 2023, ang MSF Mobile Emergency Team (MET) ay nagsimula ng intervention sa Al Bayda upang mabawasan ang mga namamatay o nagkakasakit dahil sa outbreak ng tigdas sa governorate. © Majd Aljunaid/MSF

    MSB129723_measles

    Isang ward para sa mga pasyenteng may tigdas sa Bangabola General Hospital, kung saan ang emergency team ng Doctors Without Borders ay nagbigay ng pangangalaga sa mga pasyenteng may kumplikasyon dahil sa tigdas, sa Democratic Republic of Congo. © Pacom Bagula/MSF 

    MSB129775_measles

    Si Miterand, ang motorcyclist ng Doctors Without Borders, ay naghahakot ng mga materyales na kararating lang mula sa paliparan ng Gemena para sa kampanya ng pagbabakuna laban sa tigdas sa Bangabola. Kabilang siya sa driving team na magpapadala ng mga tao, materyales at mga bakuna para sa kampanya sa Democratic Republic of Congo. © Pacom Bagula/MSF

    Ang paglaban sa tigdas ay parang pagpulupot ng tanikala sa virus.  Kapag naputol ang isang bahagi nito, makakatakas ang virus.