Skip to main content

    Sa mga pinagtatrabahuhan naming lugar, ang aming mga pasyente ay nahaharap sa mga sitwasyong naghahatid ng hirap at pighati tulad ng mga kalamidad, giyera,  kawalan, at ang sapilitang paglikas mula sa kanilang mga tahanan.

    Ang mga kondisyong ito’y nauuwi sa pagkabalisa at matinding kalungkutan. Nakakita na kami ng mga pasyenteng di na kinakaya at napaparalisa na ng mga hamon na sinubukan nilang takasan o patuloy pa rin nilang hinaharap sa araw-araw nilang pamumuhay. Kadalasan, kahit na gumaling na ang mga pisikal na pinsala’y nananatili pa rin  ang mga sugat sa kanilang kalooban.

    Noor lives in Balukhali makeshift settlement.  ‘’If a woman has been raped she will immediately feel alone and isolated. She will not speak to anyone and she will not look after herself. I’ve helped different women speak about their feelings and fears. Women have been suffering a lot, many of them have lost their husbands. Now they are alone and they have to educate their children.”   Photo by Sara Creta/MSF

    Si Noor ay nakatira sa pansamantalang pamayanan ng Balukhali sa Bangladesh.

    "Kapag nagahasa ang isang babae, agad siyang makakaramdam na siya’y mag-isa at nakabukod. Wala siyang kakausapin, at pababayaan na lang niya ang kanyang sarili. Marami na akong nahimok na iba’t ibang kababaihan na magsalita tungkol sa kanilang mga nararamdaman at pinangangambahan. Nahihirapan ang mga babae, marami sa kanila ang nawalan ng asawa. Ngayon, sila’y nag-iisa at kailangan nilang mabigyan ng edukasyon ang kanilang mga anak."

    Bangladesh, 2018.  © Sara Creta/MSF

    Pooja Iyer, a mental health manager at the MSF primary health centre in Jamtoli, Cox’s Bazar, Bangladesh. “We are seeing an increase in the number of patients with depression and anxiety,” says Iyer. “Most of them experienced violence and the loss of an immediate relative in Myanmar. In the camps, they live in cramped shelters with poor hygiene. Sometimes a family of ten will have just enough space to sleep beside each other. It is literally cheek by jowl – imagine having no space to stretch your legs.” Ban

    Si Pooja Iyer ay isang mental health manager sa Doctors Without Borders primary health centre sa Jamtoli, Cox’s Bazar, Bangladesh.

    “May nakikita tayong pag-akyat ng bilang ng mga pasyenteng nakararanas ng matinding kalungkutan at pagkabalisa. Karamihan sa kanila’y nakaranas ng karahasan at nawalan ng kamag-anak sa Myanmar. Sa mga kampo, marami ang nakatira sa mga siksikang silungan kung saan di sila nakapaglilinis nang kanilang mga sarili nang maayos. Minsan, ang isang pamilya na binubuo ng sampung tao ay may sapat na espasyo lang para magkakatabi silang matulog. Talagang dikit-dikit sila. Isipin mo, ni walang lugar para iunat mo ang iyong mga binti.”

    Bangladesh, 2019. © Anthony Kwan

    “Mental illness is one of the hardest diseases to suffer from. But there is hope, and I have made remarkable progress. I couldn't eat, but now I can. I couldn't sleep, but now I can, although the night still frightens me a little, perhaps because I am unable to forget my friend whose loss has deeply traumatized me," said Abir, a 40 year old woman sharing her experience with mental disorders. Aabir is receiving psychological support and pharmacological treatment at MSF clinic in Dar El Zahraa hospital in Tri

    “Ang sakit sa pag-iisip ay isa sa pinakamahirap na sakit na maaaring magkaroon ang isang tao. Pero may pag-asa pa naman, at kapansin-pansin na ang pag-unlad ko. Dati, ni hindi ako makakain, pero ngayon, nakakakain na ako. Dati, di rin ako makatulog, pero ngayon, nakakatulog na ako. Iyon nga lang, medyo natatakot pa rin ako sa gabi, siguro dahil di ko makalimutan ang kaibigan ko. Malalim ang trauma na dinanas ko sa kanyang pagkawala,"  kuwento ni Aabir, isang babaeng apatnapung taong gulang na nagbahagi ng kanyang karanasan ng mental disorder.

    Si Aabir ay nakakatanggap ng suportang sikolohikal at pharmacological treatment sa klinika ng Doctors Without Borders sa ospital ng Dar El Zahraa sa Tripoli, bilang bahagi ng programa na Mental Health Gap na isinasagawa ng Doctors Without Borders mula pa noong 2017.

    Lebanon, 2019. © MSF/Jinane Saad 

    A mental health crisis is growing in the Dadaab refugee complex, where hundreds of thousands of Somalis have been stuck for decades. In Dagahaley, the number of attempted suicides is rising, and psychosocial consultations have jumped by more than 50 per from last year, over the same time period until September. In the picture, Haret Abdirahman sitting with his youngest son who has a mental illness during a consultation in MSF's mental health clinic. Haret's eldest son committed suicide in August 2020

    Isang krisis sa mental health ang nabubuo sa  Dadaab refugee complex, kung saan ilang dekada nang naninirahan ang daan-daang libo ng mga Somali. Sa Dagahaley, umaakyat ang bilang ng mga sumusubok magpatiwakal, at ang mga psychosocial consultation ay nadagdagan din ng 50 mula noong nakaraang taon, sa parehong haba ng panahon na hanggang Setyembre.

    Sa larawang ito’y makikita si Haret Abdirahman na nakaupo kasama ang kanyang bunsong anak na lalaki, na may sakit sa pag-iisip, habang sila’y nasa isang konsultasyon sa klinika ng Doctors Without Borders para sa mental health. Nagpakamatay ang panganay ni Haret noong Agosto 2020, pagkatapos ng mga kabiguan na kanyang naranasan. 

    Kenya, 2020. © MSF

    MSF health promotion team in Hong Kong has conducted “training of trainers” session for the Filipinos and Indonesian domestic workers. The domestic workers had learnt the knowledge of the COVID-19, prevention measures and simple coping mechanisms as part of psychological first aid.

    Ang health promotion team ng Doctors Without Borders sa Hong Kong ay nagsagawa ng training para sa mga Filipino at Indonesian domestic worker. Nagkaroon ng kaalaman ang mga domestic worker tungkol sa COVID-19, ang mga panukala upang mapigilan ang pagkalat nito, at mga simpleng paraan upang makaya ito, na bahagi ng psychological first aid.

    Hong Kong, 2020. © MSF

    Marawi City, Lanao del Sur - Patients from the besieged city of Marawi and neighboring towns visit the Regional Health Office to avail of free medical check-up and consultations. © Veejay Villafranca/MSF

    Noong 2017, sinalakay ng mga grupong lokal na may kaugnayan sa IS ang siyudad ng Marawi. Tumagal ng limang buwan ang mga sagupaan sa siyudad, mula Mayo hanggang Oktubre 2017. Mahigit 370,000 ang kinailangang lumisan mula sa kanilang mga tirahan.Pagkatapos ng sagupaan, ang mga IDP ay nanatiling nasa mga delikadong kondisyon, kahit na ilang taon na ang nakaraan. Ang mga pasyente mula sa Marawi at sa mga karatig-bayan ay pumupunta sa Regional Health Office para sa mga libreng check-up at konsultasyon.

    Marawi, 2020. © Veejay Villafranca/MSF

    Higit sa pagbibigay ng pangangalagang medikal… ang sinusubukan naming gawin ay tulungan ang mga taong maniwala sa kanilang sarili, at maniwalang mayroon silang dignidad.
    Jan Krisna Rodriguez, Pilipinong doktor

    Sinisikap ng Doctors Without Borders na suportahan ang aming mga pasyente sa kanilang pagbangon mula sa pinagdaanan nilang nakasugat sa kanilang kalooban. Sa aming mga proyekto sa iba’t ibang bahagi ng mundo, mayroon kaming team ng mga espesyalista sa mental health na nakikinig, sumusuporta, at nagbibigay ng pangangalaga para sa mental health, upang hindi itakda ng mga karanasang nakalulungkot ang takbo ng buhay ng aming mga pasyente. 

    Sa video na ito, ipinapaliwanag ni Dr Jaykee Krisna Rodriguez ang aming mental health program:

    Noong 2020, dinagdagan ng pandemyang dulot ng COVID-19 ang pasanin ng aming mga pasyente. Dala nito ang bagong bugso ng trauma,takot, pagkatalo, at ng kawalan ng katiyakan. Habang nadadagdagan ang pangangailangan para sa mental health, ang aming serbisyo ay lubhang naantala ng mga paghihigpit at mga patakaran sa pagbibiyahe.  

    Sa pagpapatuloy ng pandemya,may mga tao pa ring namamatay dahil sa malaria, malnutrisyon at iba pang mga sakit sa mga bansa kung saan kami nagtatrabaho. Kadalasan, ito ay dahil sa kakulangan ng makukuhang pangangalagang pangkalusugan. Ang mga paghihigpit sa paggalaw ay nakapipigil sa mga tao upang makarating sa aming mga klinika, ang mga lubos na kinakailangang pagbabakuna ay nakakansela, at iba pa.

    Ito ang dahilan kung bakit ang Doctors Without Borders ay nagsusumikap na mapanatili ang mga serbisyo para sa pangangalagang pangkalusugan ngayong panahon ng pandemya, habang tinitiyak din naming may serbisyo para sa mental health.