Kumilos ngayon: Ang mga pwede mo gawin tungkol sa climate emergency
Tila napakabigat na responsibilidad ang pag-isipan ang krisis sa klima. Pero ang mainam dito’y lahat tayo, nasaan ka man o anuman ang ginagawa mo sa buhay, ay mayroong maibabahagi sa pagharap sa mga isyu ukol sa pagbabago ng klima at sa kalusugan ng mga tao.
Pagiging handa para sa mga sakuna
Isa sa mga maaari ninyong gawin ay maging handa. Dahil sa pagbabago sa klima, ang napakasamang panahon ay nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng mundo nang mas madalas at mas matindi. Kung handa ang mga komunidad, maaari nilang mapababa ang bilang ng mga nasasaktan at binabawian ng buhay.
Ang Doctors Without Borders ay nagtatrabaho sa maraming mga bansang naaapektuhan ng matitinding kalamidad, pagdami ng mga kaso ng mga sakit na sensitibo sa klima, at iba pa. Sa tulong ninyo, maipagpapatuloy namin ang makasagip-buhay na pangangalaga sa aming mga pasyente sa mga komunidad na pinakanangangailangan nito.