Maraming bansa kung saan nagtatrabaho ang Doctors Without Borders, ang aming mga team ay tumutugon sa mga sitwasyong nakaugnay sa o pinapalala ng pagbabago sa klima at sa kapaligiran. Ngunit hindi iyon sapat. Ano pa ang aming magagawa?
Lahat ay inaangkat ng Kiribati, ngunit walang lugar para sa mga basura. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang mga malilinis na mapagkukunan ng tubig ay nagiging marumi. Isang hamon ang waste management sapagkat kung saan-saan nagtatapon ang mga tao ng basura. Ang mga kotse at mga appliances ay iniiwan lang upang kalawangin sa tabing dagat. 2022 © Joanne Lillie/MSF
Ang pagbawas sa ating carbon footprint
Noong huling bahagi ng 2020, ang mga pinakamataas na kinatawan ng Doctors Without Borders – gaya ng International Board – ay pumirma sa Environmental Pact. Ang Environmental Pact ay isang pagkilala sa mga epekto sa kapaligiran ng ating tungkuling humanitarian. Kailangan pa rin naming gawin ang aming trabaho, ngunit nangaangako rin kaming iaangkop namin ang aming mga ginagawa upang mabawasan ang aming carbon footprint. Noong 2022, nanindigan kami na babawasan namin ang aming mga emission nang hindi bababa sa 50% kumpara noong 2019 pagdating ng 2030. Ang mga hakbang upang ito’y matupad ay kasama na sa mga strategic o action plan ng mga grupong kabilang sa Doctors Without Borders.
Ang pag-iwas at pagbawas sa basura
Nagtatrabaho kami upang tiyakin ang pagkakaroon ng mabisa at responsableng supply chain, upang matupad ang pagbawas, paggamit muli, at pag-recycle sa mga materyales at mga kagamitang medikal. Halimbawa, sa Uganda, may proyekto kaming naglalayong palitan ang milyon-milyong plastik na supot na ginagamit namin taun-taon upang mamahagi ng mga gamot ng mga ecologically sustainable na supot gamit ang mga lokal na materyales at gawa ng mga lokal na komunidad. Binabawasan din namin ang mga medical waste mula sa aming mga ospital at klinika, at pinag-aaralan din namin ang aming mga maaaring gawin upang mabawasan ang mga produktong ginagamit lamang nang isang beses, kung saan maaari.
Solar power
Sumusubok kami ng mga bagong solusyon para sa mga suliranin sa enerhiya, gaya ng paggamit ng mga solar panel upang patakbuhin ang ilan sa aming mga aktibidad, bilang pagpapatunay na posible ang mga gawaing makatutulong sa kapaligiran kahit na sa mga lugar na kapos sa mapagkukunang-yaman. Sa Kenema, Sierra Leone, gumagamit kami ng mga solar panel para sa isang ospital na may 182 na kama. Ang mga solar panel ang nagbibigay ng enerhiya sa isang inpatient unit, laboratoryo, imaging suite, blood bank, emergency room, at isang maternity ward. Hindi lang ito nakababawas sa aming carbon emissions, nakatutulong din ito sa aming makatipid ng mahigit kumulang €40,000 sa diesel taun-taon. We also support three solar-powered hospitals in remote areas of Democratic Republic of Congo.