Skip to main content
SA KASALUKUYAN Ebola sa DRC: Doctors Without Borders, pinalalaki ang pagtugon sa mabilis na nagbabagong anyo ng outbreak Magbasa pa

    Bagyong Kalmaegi: 400,000 ang nawalan ng tirahan, binaha ang mga ospital sa Pilipinas

    Typhoon Kalmaegi - Deep cleaning medical facilities. Philippines, 10 November, 2025 © MSF

    Ang Cebu Provincial Hospital (CPH) sa Danoa ay lubhang naapektuhan ng pagbaha at pagdaloy ng putik. Sinuportahan ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) ang deep cleaning operations at ang pagpapanumbalik ng mga serbisyo sa ospital. 

     

    Sa Danao, sinuportahan namin ang deep cleaning operations at ang pagpapanumbalik ng mga serbisyong ibinibigay ng Cebu Provincial Hospital (CPH), na lubhang naapektuhan ng pagbaha at pagdaloy ng putik. Nakipagtulungan kami sa Bureau of Fire Protection at iba pang mga lokal na stakeholder upang linisin ang mga kritikal na bahagi ng ospital—kabilang rito ang emergency room, outpatient department, minor surgery room, isolation room, doctors’ quarters, at ang parmasya—at  maibalik ang lahat sa ligtas at gumaganang kondisyon para sa maayos na pangangalagang medikal. Sinuportahan din namin ang Philippine Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng pagpapabalik ng paggana ng dalawang health center sa Danao sa pamamagitan din ng deep cleaning operations

    Typhoon Kalmaegi - Deep cleaning medical facilities. Philippines, 10 November, 2025 © MSF

    Sinuportahan namin ang deep cleaning operations at ang pagpapanumbalik ng mga serbisyong ibinibigay ng Cebu Provincial Hospital (CPH), na lubhang naapektuhan ng pagbaha at pagdaloy ng putik. Nakipagtulungan kami sa Bureau of Fire Protection at iba pang mga lokal na stakeholder upang linisin ang mga kritikal na bahagi ng ospital—kabilang rito ang emergency room, outpatient department, minor surgery room, isolation room, doctors’ quarters, at ang parmasya—at  maibalik ang lahat sa ligtas at gumaganang kondisyon para sa maayos na pangangalagang medikal. Cebu, Pilipinas. 10 Nobyembre 2025 © MSF

    Bukod sa CPH, binisita ng Doctors Without Borders ang ilang mga pasilidad pangkalusugan, kabilang rito ang Danao City Health Office (CHO) at ang mga Rural Health Unit ng Compostela at Liloan, kung saan nagbigay kami ng donasyon na medical supplies. Kabilang rito ang doxycycline, isang antibiotic para sa pagpigil ng leptospirosis,  na maaaring lumitaw sa mga binahang lugar.  

    Sa Talisay, naglunsad ang Doctors Without Borders ng isang mobile clinic upang magbigay ng mga mahahalagang serbisyong medikal,  at mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ng mga apektadong populasyon. Ngayong araw na ito, tumanggap kami ng mahigit 110 na pasyente para sa mga konsultasyong medikal at psychosocial support.

    Sa susunod na dalawang linggo, makikipagtulungan ang aming mobile clinic at ang MHPSS sa DOH sa pagpapatuloy ng pagbibigay ng serbisyo. Patuloy rin naming susubaybayan ang mga pangangailangan ng nga tao, at babantayan ang mga sakit na posibleng maging epidemya. 

    Typhoon Kalmaegi - MHPSS. Philippines, 11 November, 2025 © MSF

    Kasama sa mobile clinic activities ng Doctors Without Borders ang mental health and psychosocial support (MHPSS) services para sa mga apektadong populasyon. Pilipinas, 11 Nobyembre 2025. © MSF

    Sinimulan na rin namin ang pamamahagi ng mga non-food item (NFI) kit sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyo at ng mga idinulot nitong pagbaha. Sa Compostela, namahagi kami ng mga hygiene kit, mga jerrycan at ng mga sleeping kit. Sa Danao, namahagi kami ng mga hygiene kit at ng mga jerrycan

    Typhoon Kalmaegi - Mobile clinic. Philippines, 11 November, 2025 © MSF

    Ang Doctors Without Borders ng isang mobile clinic nung Nobyembre 11 ay tumanggap ng mahigit 110 na pasyente para sa mga konsultasyong medikal at psychosocial support. Pilipinas, 11 Nobyembre 2025 © MSF

    Typhoon Kalmaegi - NFI distribution. Philippines, 11 November, 2025 © MSF

    Sinimulan na rin namin ang pamamahagi ng mga non-food item (NFI) kit sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyo at ng mga idinulot nitong pagbaha. Sa Compostela, namahagi kami ng mga hygiene kit, mga jerrycan at ng mga sleeping kit. Sa Danao, namahagi kami ng mga hygiene kit at ng mga jerrycan. Pilipinas, 11 Nobyembre 2025 © MSF

    Typhoon Kalmaegi - Medicine Donation Philippines, 09 November, 2025. © MSF

    Binisita ng Doctors Without Borders ang ilang mga pasilidad pangkalusugan, kabilang rito ang Danao City Health Office (CHO) at ang mga Rural Health Unit ng Compostela at Liloan, kung saan nagbigay kami ng donasyon na medical supplies. Kabilang rito ang doxycycline, isang antibiotic para sa pagpigil ng leptospirosis, na maaaring lumitaw sa mga binahang lugar.  Pilipinas, 09 Nobyembre 2025 © MSF

    Sa hilagang bahagi ng Luzon nama’y pinapunta ng Doctors Without Borders ang isang team upang matasa ang mga pinsala at mga pangangailangang idinulot ng super typhoon na pinangalanang Fung-wong (kilala sa Pilipinas bilang bagyong Uwan). 

    Categories