Skip to main content
SA KASALUKUYAN Ebola sa DRC: Doctors Without Borders, pinalalaki ang pagtugon sa mabilis na nagbabagong anyo ng outbreak Magbasa pa

    Pilipinas: Pagkatapos ng paglindol sa Cebu, nakikipagtulungan ang Doctors Without Borders sa mga rural na komunidad upang maghatid ng tulong

    Cebu Earthquake: Brgy Malbago, Daanbantayan. Philippines, 12 October, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Nakipag-ugnayan ang Doctors Without Borders sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan para maghatid ng mga donasyon na tubig, mga hygiene kit at mga jerrycan sa Barangay Malbago, Daanbantayan, at sa iba pang barangay sa Cebu, pagkatapos ng 6.9 magnitude na lindol nung ika-30 ng Setyembre. Pilipinas, 12 Oktubre, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Mabilis na pagtatasa sa anim na munisipalidad

    Bumisita ang team sa mga ospital at inalam ang mga pangangailangan para sa mga gamot, kalusugang pangkaisipan, mga masisilungan, at para sa tubig. Sabi ng Emergency Coordinator na si Ken Hagiwara, “Sa loob ng isang araw pagdating namin, mabilis kaming gumawa ng masinsinang pagtatasa ng mga munisipalidad sa paligid ng Bogo: sa Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Tabuelan, at sa Borbon. Kinausap namin ang mga lokal na opisyal, at tinasa kung gaano kalaki ang naging epekto ng lindol sa mga lokal na ospital at sa kanilang sistemang pangkalusugan.” 

    Ken Hagiwara, MSF emergency coordinator. Brgy Malbago, Daanbantayan, Cebu province, Philippines. October 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Sa Daanbantayan, ang barangay ng Malbago ay walang lugar na sapat ang laki para sa pagtanggap ng apat na container truck ng aid. Ang mga lokal na opisyal ay nakipagtulungan sa di-kalayuang munisipyo ng Medellin upang makahanap ng lugar kung saan maaaring dalhin ang mga container truck, at ang mga boluntaryo mula sa Malbago ay tumulong sa paglilipat ng mga donasyon sa kanilang maliliit na trak na naghatid ng mga jerrycan at mga hygiene kit sa kanilang komunidad. 

    Si Ken Hagiwara, Doctors Without Borders emergency coordinator, ay namamahala ng trapiko sa highway na kilala bilang Aisle of Medellin, upang ligtas na makadaan ang delivery truck. Pilipinas, 12 Oktubre, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Umaapaw ang mga pasyente sa mga ospital ng probinsya at ng distrito. Ang mga malubhang kaso ay inilipat sa mga pasilidad sa mga hindi apektadong lugar. Samantala, ang mga ospital ay pinabuti sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga medical professional, at ng mga medical at non-medical supply. Pagkatapos magawan ng inspeksyon ang mga gusali, nanatili pa rin ang maraming mga pasyente sa labas ng mga ito sa pangambang patuloy silang manganganib sanhi ng mga aftershock. Ilang araw pagkatapos ng inspeksyon ng ospital ng probinsiya para sa integridad ng istruktura nito’y nagsimula na itong gumana uli. Malaki ang mga pangangailangan para sa pagkain, ligtas na inuming tubig, kalusugang pangkaisipan, mga relief item at pati na rin mga shelter item. Bagama’t maraming lokal at pandaigdigang organisasyon, mga pampubliko man o pribado, ang mabilis na nagsidatingan upang magbigay ng suporta, napakarami ng mga pangangailangan at hindi mabilis na naihatid ang aid sa lahat ng mga naapektuhang lugar.

    Nag-ulat ang Bogo City ng hindi bababa sa 32 ang mga nasawi, at dose-dosena ang nasaktan. Maraming mga bahay, pampublikong gusali at mga kalsada ang nagtamo ng pinsala. Ang pinsala sa imprastruktura ay tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa Php 6.7 million. 

    Nakita ng Doctors Without Borders assessment team na malaki ang naging kapinsalaan sa lokal na  imprastruktura, kung kaya’t nawalan ang mga tao ng supply ng ligtas na inuming tubig at ng kuryente. Ang mga pasilidad para sa water treatment at ang mga linya ng tubo ay napinsala, at di maaayos ang mga ito sa loob lamang ng ilang araw. Habang ilang mga relief operation ang inilunsad sa lungsod, kakailanganin ng panahon at pagsisikap ang pagpapaayos ng mga imprastruktura para sa tubig sa mga liblib na barangay. 

    Pakikipagtulungan sa mga liblib na komunidad 

    Sa pakikipag-ugnayan ng MSF sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan, natukoy ang 13 na barangay sa 4 na munisipalidad na maaaring suportahan sa pamamagitan ng mga donasyon na tubig, mga hygiene kit at mga jerrycan.

    Cebu earthquake, Philippines, 12 October, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Ang mga lokal na opisyal at mga boluntaryo ay tumutulong sa paglilipat ng mga donasyon mula sa container truck sa kanilang maliliit na trak. Ang mga donasyon ay papunta sa Brgy Malbago, Daanbantayan. Pilipinas, 12 Oktubre, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Cebu earthquake, Philippines, 11 October, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Iniinspekyun ni Doctors Without Borders logistician Cyril Rosas ang mga jerrycans at hygiene kits na ihahatid sa mga barangay ng Sab-A at Libaong sa San Remigio. Sa munisipalidad ng San Remigio, sinuportahan ng mga lokal na opisyal ang Doctors Without Borders sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga komunidad na pinakanangangailangan ng aid, at pagtiyak na may magagamit na mga trak at may mga tutulong na boluntaryo upang magkarga at maghatid ng tubig, mga jerrycan at mga hygiene kit.Pilipinas, 11 Oktubre, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Donations of water for communities affected by the Cebu earthquake. Philippines, 9 October, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Nakikipagtulungan sina Ken Hagiwara, Doctors Without Borders emergency coordinator, at Jessa Pontevedra, Doctors Without Borders medical operations support, sa lokal na komunidad para maghatig ng donasyong ng tubig sa mga apektadong barangay sa mga munisipalidad ng Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Tabuelan, and Borbon. Pilipinas, 9 Oktubre, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Karamihan sa mga barangay na ito ay nasa mga bahagi ng probinsya ng Cebu na mahirap puntahan, kaya’t ang paghahatid ng tulong ay naging mapanghamon. Bagama’t natanggal na ang mga gumuhong lupa, ang mga kalsada papunta sa karamihan sa mga barangay ay makitid o tatagos sa mga matatarik na dalisdis at mga sakahan. Ang patuloy na pagyanig ng mga aftershock, mga kalsadang naharangan ng malalaking bato, at mga sinkhole ay mga seryosong alalahanin din para sa kaligtasan ng team.

    Sa lahat ng mga komunidad na ito, ang mga lokal na opisyal at mga boluntaryo ay nakipag-ugnayan sa Doctors Without Borders upang matiyak na makararating ang aid sa mga nangangailangan. 

    Sa munisipalidad ng San Remigio, sinuportahan ng mga lokal na opisyal ang Doctors Without Borders sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga komunidad na pinakanangangailangan ng aid, at pagtiyak na may magagamit na mga trak at may mga tutulong na boluntaryo upang magkarga at maghatid ng tubig, mga jerrycan at mga hygiene kit.

    Sa barangay ng Sab-A, San Remigio, ang mga opisyal ng komunidad, ang mga barangay health worker at mga boluntaryo ang nagbuo ng mga hygiene kit at tiniyak na makararating ang mga  donasyon sa 530 na kabahayan ng komunidad. Ayon kay Barangay Captain Giovanni Singuran, “Ang Doctors Without Borders ang kauna-unahang organisasyong sinigurado na makakuha ng aid ang bawat kabahayan sa aming barangay.” 

    Sa munisipio ng Borbon, ang mga opisyal ng komunidad at mga boluntaryo ay nakipagtulungan sa Doctors Without Borders sa pagkarga ng  mga aid sa mga trak na pupunta sa iba’t ibang komunidad, nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng mga barangay, at tumulong sa pagplano ng ruta para sa ligtas na pagdaan ng mga mabibigat na trak. 

    Cebu earthquake, Philippines, 10 October, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Nakikipagtulungan si Doctors Without Borders logistician Pierre Favier sa lokal na komunidad sa Brgy Bili, Borbon, para kunin ang mga donasyon ng jerrycans at hygiene kits mula sa trak. Brgy Bili, Borbon, Pilipinas, 10 Oktubre, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Cebu earthquake, Philippines, 10 October, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Nakikipag-ugnayan si Doctors Without Borders logistician Pierre Favier kay barangay captain Sandy Lopez ng Brgy San Jose, Borbon, habang nagtutulungan ang lokal na komunidad ng Brgy San Jose, Borbon, para kunin ang mga donasyon ng jerrycans at hygiene kits mula sa trak. Brgy San Jose, Borbon, Pilipinas, 10 Oktubre, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Cebu earthquake, Philippines, 10 October, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Ang Bongoyan, isang komunidad sa Borbon na mayroong humigit-kumulang 461 na kabahayan, ay nasa isang bulubundukin at masukal na lugar, kung saan napakakitid ng mga daan kaya’t hindi makapasok ang isang malaking trak na gamit ng Doctors Without Borders . Nagdala ang komunidad ng mga maliliit na trak sa isang napagkasunduang lugar. Doon ay inilipat nila ang mga laman ng malaking trak sa mga maliliit na sasakyan. Nakapila ang mga tao at pinasa-pasa ang mga jerrycan at mga hygiene kit hanggang makarating ang mga ito sa mga naghihintay na sasakyan. Borbon, Pilipinas, 10 Oktubre, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Cebu earthquake, Philippines, 11 October, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Sa barangay ng Sab-A, San Remigio, ang mga opisyal ng komunidad, ang mga barangay health worker at mga boluntaryo ang nagbuo ng mga hygiene kit at tiniyak na makararating ang mga donasyon sa 530 na kabahayan ng komunidad. Brgy Sab-A, San Remigio, Pilipinas, 11 Oktubre, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Ang Bongoyan, isang komunidad sa Borbon na mayroong humigit-kumulang 461 na kabahayan, ay nasa isang bulubundukin at masukal na lugar, kung saan napakakitid ng mga daan kaya’t hindi makapasok ang isang malaking trak na gamit ng Doctors Without Borders. Nagdala ang komunidad ng mga maliliit na trak sa isang napagkasunduang lugar. Doon ay inilipat nila ang mga laman ng malaking trak sa mga maliliit na sasakyan. Nakapila ang mga tao at pinasa-pasa ang mga jerrycan at mga hygiene kit hanggang makarating ang mga ito sa mga naghihintay na sasakyan. Sa Daanbantayan, ang barangay ng Malbago ay walang lugar na sapat ang laki para sa pagtanggap ng apat na container truck ng aid. Ang mga lokal na opisyal ay nakipagtulungan sa di-kalayuang munisipyo ng Medellin upang makahanap ng lugar kung saan maaaring dalhin ang mga container truck, at ang mga boluntaryo mula sa Malbago ay tumulong sa paglilipat ng mga donasyon sa kanilang maliliit na trak na naghatid ng mga jerrycan at mga hygiene kit sa kanilang komunidad. 

    “Ang pagtugon ng komunidad ay napakapositibo,” sabi ni Jessa Pontevedra, ang Doctors Without Borders medical operations support. “Ang pagboboluntaryo nila ay kahanga-hanga, at sa lahat ng mga komunidad, walang naging hadlang sa aming pagsuporta. Ganito dapat ang lahat ng emergency response, may pagtanggap, suporta at partisipasyon ng lokal na komunidad at lokal  na pamahalaan.”

    Trauma, kalusugang pangkaisipan at iba pang mga pangangailangan ay nananatili

    Bagama’t karamihan sa mga namatay sa paglindol noong Setyembre 30 ay nasa Bogo City, ang mga komunidad na sinusuportahan ng MSF ay naapektuhan din. Nangyari ang paglindol noong bandang 10:00 ng gabi, kung kailan marami na ang natutulog  kaya’t hindi sila mabilis na nakalikas.

    Si Chelito Maitem ay isang boluntaryo sa barangay ng Bili sa Borbon. Ibinahagi niya ang kuwento ng kanyang mga kamag-anak, sina Dioclesiano at Rhodora Urot, na nasa kanilang bahay na may dalawang palapag noong nangyari ang lindol. Si Rhodora, 67 na taong gulang, ay natutulog sa ibaba noong mga oras na iyon. Dahil sa paglindol, gumuho ang bahay. Hindi na siya nasagip ng mga rescuer sapagkat hindi siya mahila palabas, at namatay na siya bago pa man nila matanggal ang mga gumuhong bahagi na nakadagan sa kanya. Ang kanyang asawa na si Dioclesiano ay nagtamo lamang ng bahagyang pinsala at nakaligtas.

    Structural damage to a residential building in Brgy Bili, Borbon. Philippines © Regina Layug Rosero/MSF

    Nasirang bahay sa Brgy Bili, Borbon. Cebu, Pilipinas, 10 Oktubre 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Brgy. Bili, Borbon, Philippines. October, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Sa Brgy. Bili, Borbon, natutulog sina Dioclesiano at Rhodora Urot sa kanilang bahay na may dalawang palapag noong nangyari ang lindol. Si Rhodora, 67 na taong gulang, ay natutulog sa ibaba noong mga oras na iyon. Dahil sa paglindol, gumuho ang bahay. Hindi na siya nasagip ng mga rescuer sapagkat hindi siya mahila palabas, at namatay na siya bago pa man nila matanggal ang mga gumuhong bahagi na nakadagan sa kanya. Ang kanyang asawa na si Dioclesiano ay nagtamo lamang ng bahagyang pinsala at nakaligtas. Cebu, Pilipinas, 10 Oktubre 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Cebu earthquake, Philippines, 11 October, 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Mayroong "tent city" sa munisipyo ng San Remigio. Mahigit 21,600 na tao ang nawalan ng tirahan sa buong probinsya ng Cebu province, at mahigit 748,000 ang mga taong apektado. Nagkaroon na ng libo-libong aftershock sa loob ng isang linggo o higit pa pagkatapos ng lindol. Marami sa mga pamilya ang pinipiling mamalagi na lamang sa mga tolda at sa mga pansamantalang masisilungan dahil sa trauma at takot na dulot ng mga aftershock. Cebu, Pilipinas, 11 Oktubre 2025 © Regina Layug Rosero/MSF

    Ang barangay captain na si Giovanni Singuran ay nagkuwento rin ng isang katulad na pangyayari sa barangay Sab-A, San Remigio: isang nakatatandang mag-asawa ang natutulog sa kanilang bahay, at hindi sila nakaalis sa kanilang tirahan bago ito gumuho. 

    Bagama’t kakaunti ang namatay sa mga partikular na mga komunidad na ito, nananatili pa rin ang kanilang takot at trauma. Marami sa mga pamilya ang pinipiling mamalagi na lamang sa mga tolda at sa mga pansamantalang masisilungan dahil sa trauma at takot na dulot ng mga aftershock. Nagkaroon na ng libo-libong aftershock sa loob ng isang linggo o higit pa pagkatapos ng lindol. 

    Noong 1:06 ng umaga noong Oktubre 12, nagkaroon ng magnitude 5.8 na lindol sa Bogo City, na ayon sa Philippine Institute of Volcanology at Seismology (PHIVOLCS) ay isang aftershock ng lindol noong Setyembre 30. Muling tumakas ang mga pamilya mula sa kanilang mga tahanan, mula sa pinangangambahang kamatayan at pagkawasak. “Ang mga anak ko’y nagsiiyakan at nanginginig na naman,” sabi ng isang babae sa Daanbantayan. “Ang aming bahay ay gawa lamang sa magagaang materyales kaya’t  madali itong masira.” 

    Ang mga lokal na pamahalaan ng Northern Cebu ay mabilis na nagbigay ng mental health and psychosocial support (MHPSS) sa mga apektadong komunidad, at dinagdagan ng Doctors Without Borders ng teknikal na payo at suporta sa Borbon at Daanbantayan. Sa Medellin, ang Doctors Without Borders ay nagsagawa rin ng isang psychosocial support session para sa mga kababaihang nakapiit sa kulungan ng distrito. Ang pagsuporta ng Doctors Without Borders sa kalusugang pangkaisipan ay umabot sa kabuuang bilang na 359 na tao.

    Tinatapos ng Doctors Without Borders ang interbensyon nito kasabay ng unti-unting pagbangon ng mga apektadong komunidad. “Hindi naman maipagkakaila na may mga pangangailangan pang dapat tugunan,” sabi ni Hagiwara. “Dapat ay lagi kaming nakikipag-ugnayan sa komunidad dahil ang mga pangangailangan nila ang aming tinutugunan. Pumunta kami rito upang suportahan sila, ngunit ang totoo niyan, sa emergency na ito, sila ang sumuporta sa amin.”