Ang Pandaigdigang Tulong ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa COVID-19
Ang pandemyang dulot ng COVID-19 ay isang pandaigdigang emergency na walang kahalintulad. Ang napakabilis na pagkalat nito ay pumaralisa sa mga sistema ng pangangalagang pangkalusugan, bumuwag ng mga ekonomiya, at pinalitan ang paraan ng pakikisalamuha ng mga tao sa maraming bahagi ng mundo. Ang mga datos sa mga naapektuhan ng pandemya ay hindi maarok: mahigit dalawang milyon na ang namamatay dahil sa COVID-19 mula nang ito’y unang iniulat ng World Health Organization (WHO). Sa ngayon, halos 80 milyon na kaso na ang naiulat, at marami pang kaso ang hindi dokumentado.
Tumutulong ang mga staff ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa pandemya sa mahigit 70 bansa. Pinangangalagaan namin ang mga pasyente, nagbibigay kami ng edukasyong pangkalusugan at suporta para sa kalusugan ng isipan, at nagbibigay din kami ng pagsasanay para sa vital infection prevention control measures sa mga pasilidad na pangkalusugan, nagbibigay kami ng personal protective equipment (PPE) at sinusuportahan namin ang mga ginagawa ng lokal na awtoridad sa buong mundo. Mahalaga ring isaisip na kasabay ng bagong emergency na ito, kailangan naming panatilihin ang iba naming mga programa at proyekto.
Saan man kaming bahagi ng mundo, nasasaksihan namin ang epekto ng pandemya sa mga walang lakas at minamaliit na komunidad. Ito’y kitang-kita sa mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga namatay—kasama rito ang Estados Unidos, India, Brazil, at Mexico. Tumutugon din kami sa lumalaking pangangailangan sa mga bansa kung saan naroon ang ilan sa aming pinakamalaking proyektong medikal, tulad ng Iraq at Yemen.
Ang mga staff ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières sa Brussels habang abala sa COVID-19 triage. © Kristof Vadino
Si Alba Ramos, isang pasyenteng may coronavirus, ay ginagamot ng mga Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières health workers sa intensive care unit sa loob ng pasilidad para sa COVID-19 na pinangagasiwaan ng Doctors Without Borders sa pakikipagtulungan ng Pérez de León II Hospital sa Caracas, Venezuela. © Carlos Becerra
Sinuportahan ng ilang doktor at medical personnel ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières ang tugon sa COVID-19 sa San Lazaro Hospital sa Maynila. © Veejay Villafranca
Nagsasagawa si Nader Owidat, isang Counselor Educator, ng health promotion activity kasama ang mga bata sa Masafer Yatta, na binubuo ng 19 Palestinian hamlets sa Hebron Governorate (West Bank) © MSF
Ang krisis ng COVID-19 sa India
Ang ikalawang bugso ng COVID-19 sa India ay nakakabahala. Dinagdagan ng Doctors Without Borders ang pagtulong nito sa Mumbai, kung saan dumarami ang bilang ng mga tao na may COVID-19, at di na kinaya ng sistema ng pangangalaga ng kalusugan. Nalulula na rin ang mga manggagawa sa unahan.
- Timog-Silangang Asya
INDONESIA
Patuloy na nagbibigay ng pagsasanay ang Doctors Without Borders sa mga trainers ng staff sa mga pasilidad na pangkalusugan at ilang piling grupo sa Jakarta. Ang mga taong nagsanay sa ilalim ng Doctors Without Borders a maaaring magsagawa ng health promotion sessions sa kanilang mga sarilng komunidad, kaya’t mas maraming tao ang nakikinabang sa kaalaman.
Noong nagkaroon ng pagsasanay sa komunidad ukol sa COVID-19, ang mga kasali ay hinati sa maliliit na grupo. Binigyan ang bawat grupo ng flash cards na kailangan nilang ipagsunod-sunod ayon sa nalalaman nila tungkol sa virus at sa paglalakbay nito hanggang may kapitan itong tao. Matapos nilang pag-usapan ito sa kanilang grupo, ibinahagi ng mga babaeng cadre, mga maybahay, mga pinuno ng komunidad at ng simbahan sa Kalibata Village, South Jakarta, Indonesia, ang mga resulta ng kanilang diskusyon sa mga iba pang kasali sa pagsasanay. ©MSF/Cici Riesmasari
Sa Banten, nakikipag-ugnayan kami sa iba’t ibang COVID-19 task forces sa mga barangay at paaralan. Patuloy rin kaming nagbibigay ng mga PPE sa dalawang health centres doon. Nagsasagawa din ang Doctors Without Borders ng mga aktibidad para sa pagbibigay ng COVID-19 mental health at psychosocial support sa Banten at Jakarta.
MALAYSIA
Sa Penang, nagbibigay kami ng edukasyong pangkalusugan tungkol sa COVID-19 sa iba’t ibang wika tulad ng Rohingya at Burmese, at ng pagsasalin sa mga ospital. Base sa mga impormasyon at opinyon mula sa komunidad, lumikha ang Doctors Without Borders ng COVID-19 health promotion campaign sa pakikipagtulungan sa R-vision, isang online Rohingya news network. Ang mga nagawang video ay napanood ng mga Rohingya sa Malaysia, Myanmar, Saudi Arabia, India, sa mga kampo sa Bangladesh at sa iba pang lugar.
Si Kairul, isang lalaking Rohingya na nahulog ng dalawang palapag habang nagtatrabaho sa isang construction site, ay sinusuri ng isang nars bago ang nakatakdang pagkonsulta niya sa doktor. Pinapanatag ang kanyang kalooban ng isang kamag-anak at ng isa pang MSF medic sa klinika ng Doctors Without Borders sa Penang. © Arnaud Finistre
Nang sumailalim ang Malaysia sa isang Movement Control Order (MCO) o lockdown noong unang bahagi ng 2021, handa na ang mga teams na dagdagan ang suporta para sa mga taong hindi makapagtrabaho at gagamit ng digital information campaigns base sa karanasan noong nakaraang taon.
Patuloy kaming nakatuon sa pagsulong ng pagtugon na makatutulong sa lahat. Nananawagan kami sa pamahalaan na tigilan ang pagpuntirya sa mga migrante at refugee sa mga immigration raids, na nakakadagdag sa panganib ng hawaan ng COVID-19 sa mga detention centre.
MYANMAR
Ang Facebook page ng Doctor Without Borders Myanmar ay patuloy na nagbabahagi ng mga mensahe ukol sa pagpigil ng COVID-19 at iba pang mga paksang pangkalusugan. Ang mga teams ng Doctors Without Borders ay nagbibigay ng tulong medikal sa mga nasa lugar kung saan ipinapatupad ang quarantine. Nakipagtulungan ang aming teams sa Ministry of Health and Sports (MoHS) noong nagkaroon ng COVID-19 outbreak sa estado ng Rakhine, na nagsimula noong Agosto hanggang Setyembre 2020, at unti-unting humina sa mga sumunod na buwan.
Kuha ng Thaketa clinic ng Doctors Without Borders mula sa labas © Lwyn Phyu Phyu Kyaw/MSF
Magkatuwang rin ang Doctors Without Borders at MoHS sa screening, testing at pagbubukod ng mga pasyenteng pinaghihinalaang may COVID-19. Kasabay nito’y binabantayan at ginagamot ang mga pasyenteng nagpositibo. Nagbibigay rin kami ng mga donasyong kagamitan, at sinisikap naming magbigay ng kaalaman tungkol sa halaga ng paghuhugas ng kamay at ang tamang pagsuot ng mask sa mga komunidad sa mga kampo sa Sittwe at Pauk Taw. Ang Doctors Without Borders medical staff sa Sittwe ay nakipagtulungan sa MoHS upang kumuha ng sample swab mula sa mga nakatira sa mga kampo ng Sin-Tet-Maw at Kyein-Ni-Pyin sa Pauktaw Township.
- Timog Asya
AFGHANISTAN
Ang Doctors Without Borders ay patuloy na nagsasagawa ng mga aktibidad sa COVID-19 triage unit sa Herat Regional Hospital kaya’t ang masusing pagmamatyag at pagsubaybay ng sitwasyon ng epidemya ay naipagpapatuloy. Sa Helmand, patuloy rin ang pagsangguni ng Doctors Without Borders ng mga pasyenteng pinaghihinalaang may COVID-19 sa Malika Suraya Hospital. Sumang-ayon ang MSF sa Ministry of Public Health na magbigay ng paggamot at pangangalaga sa ospital para sa apat na kategorya ng mga pasyenteng may COVID-19: may tuberculosis (TB), surgical, mga bata at mga nagdadalang -tao.
Ang larawang ito nina Farhad “Farahmand”, nurse assistant at Noor Ahmad “Nasrat”, health promoter, ay kuha sa ward ng mga lalaki sa COVID-19 Treatment Centre ng Doctors Without Borders sa Gazer Ga, Heart © Waseem Muhammadi/MSF
Sa aming drug resistant-TB(DR-TB) centre sa Kandahar, kumakalinga kami ng mga pasyenteng may DR-TB na kinapitan din ng COVID-19. Sa Khost, ang mga babaeng caregivers ay pinapayagang bumalik sa
maternity wards pero kapag visiting hours lang. Ibinalik na rin ang regular na health promotion visits kada linggo sa limang community health centres sa distrito na suportado ng Doctors Without Borders.- Gitnang Asya
KYRGYZSTAN
Si Aidana, 20 taong gulang, sa kama niya sa Kara-Suu hospital. © Maxime Fossat
Sinuportahan ng Doctors Without Borders ang regional health authorities sa Batken at Chuy oblasts sa pagbibigay ng pangangalaga sa tahanan ng mga pasyenteng may moderate o mild COVID-19 upang maiwasan na mapuspos ang mga ospital. Sinusuportahan din ng aming teams ang mga health centres sa Kadamjay raion upang mapagtibay ang COVID-19 preparedness measures. Kasabay nito ang pagbibigay ng mga payong teknikal, logistics assistance, suporta para sa health promotion initiatives, at ang pagtulong sa pagkalap ng datos para sa epidemiological surveillance. Magbabawas kami ng mga gawain para sa pangangalaga sa tahanan ngayong Mayo.
TAJIKISTAN
Binibigyan namin ng prayoridad ang pagpapatuloy ng de-kalidad na pangangalaga sa mga pangunahing serbisyo para sa mga bata at matatandang may tuberculosis (TB), sa pakikipagtulungan sa Ministry of Health and Social Protection of the Population (MoHSPP) sa pamamagitan ng mga umiiral na programa ng Doctors Without Borders na nakatuon sa diagnosis, treatment at contact tracing.
Paediatric Tuberculosis Care sa Dushanbe © Sabir Sabirov/2018
Tinasa ng aming team ang Republican Centre TB dispensary sa kabisera ng bansa, ang Dushanbe. Ang layunin ay ang makagamit ng isang bagong triage approach na mapapababa ang posibilidad ng hawaan sa pagitan ng mga pasyente at ng staff. Ang bagong triage approach na ito’y pinag-usapan na at inaprubahan ng NTP (National TB Program). Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang ganitong pamamaraan ay susubukang gamitin sa bansa. Gumawa kami ng patient questionnaire na makakatulong sa triage, nagtayo kami ng outdoor waiting area at pinabuti ang daloy ng mga pasyente sa dispensary.
Matapos ang dalawang linggong pilot phase ng bagong triage system, nagtayo kami ng triage booth para sa mga nars. Dalawa pang outdoor waiting areas ang itinayo sa mga TB centres sa Rudaki at Vahdat, at may on-the-job training para sa mga nars na nagtatrabaho doon. Dahil sa pagpapatupad ng mga panukalang ito, may kapansin-pansing pagbaba ng bilang ng mga pasyenteng naghihintay sa labas ng mga klinika, at naging mas mahusay ang pagkontrol sa mga impeksyon sa TB dispensaries.
UZBEKISTAN
Patuloy naming sinusuportahan ang mga hakbang para sa IPC sa buong sistema ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan. Binigyan din ng pagsasanay sa IPC ang staff ng mga pasilidad para sa paggamot ng COVID-19. Dagdag pa rito, nakikipagtulungan kami sa Ministry of Health (MoH) upang gamutin ang mga pasyenteng may COVID-19 na, may tuberculosis pa. Gumawa rin ng listahan ng mga pamantayan para sa pamamaraan ng pagpapatakbo na inaprubahan ng MoH at ibinahagi sa lahat ng medikal na pasilidad.
- Asya-Pasipiko
PAPUA NEW GUINEA
Mula noong simula ng Marso, naging triple ang bilang ng mga kumpirmadong impeksyon sa Papua New Guinea—mayroon na silang 3500 na kaso ng COVID 19. Marami sa kasama sa outbreak na ito ay mga healthcare workers at iba pang grupong nasa mga lugar kung saan maaaring madaling kumalat ang sakit. Ilang halimbawa rito ay ang mga preso, at mga minero. Itinatayang mga 1/3 ng MSF staff na nagtatrabaho para sa mga proyektong may kaugnayan sa tuberculosis ay nagpositibo para sa COVID-19. Dahil dito, nalimitihan ang aming kakayahang tumugon para sa regular na programa at para sa outbreak ng COVID-19. Kasalukuyang tinatapos ang mga plano para sa pansamantalang pasilidad na magkakaroon ng 43 na kama para sa mga pasyenteng may COVID-19 sa Rita Flynn Hospital.
Ang Doctors Without Borders staff ay tinuturuan ng mga dapat tandaan sa paghuhugas ng kamay gamit ang sabon o sanitizer sa isang pagsasanay sa ligtas na paggamit ng PPE na idinaos sa Port Moresby para sa mga bagong miyembro ng staff. © Leanne JORARISinusuportahan din ng Doctors Without Borders ang Rita Flynn hospital sa Port Moresby sa pamamagitan ng pag-ukol dito ng isang lab technician at pagbigay ng cartridges na ginagamit sa pagsuri ng mga nakuha mula sa mga polymerase chain reaction test para sa SARS-CoV-2 mula pa noong Oktubre 2020.
MGA SARADONG BANSA: Sa Asia, ang mga Doctors Without Borders teams ay rumesponde sa pandemya sa Bangladesh, Cambodia, China, Hong Kong, India, Japan, Nepal, at sa Philippines.- Europa
BELGIUM
Ang Doctors Without Borders teams ay patuloy na tumutugon sa COVID-19 sa Belgium, nang nakatuon sa mga taong pinaka-nanganganib na mahawaan. May dalawa kaming mobile teams na sumusuporta sa mga pinahintulutang istruktura tulad ng reception centres para sa asylum seekers, sa pamamagitan ng pagtaas ng antas ng kamalayan at ng pagpapatupad ng mga IPC measures. Sa Brussels, nagbibigay ang Doctors Without Borders ng matutuluyan at pangangalagang medikal para sa mga walang tirahan na pasyenteng positibo, o malamang ay positibo, sa COVID-19. Ang istrukturang ito ay maaari ring gamitin sa pagbubukod,pagsusubaybay o pagsangguni ng mga pasyente kapag kinakailangan.
Isang medical staff (naka-PPE) at isang cultural mediator bago ang medical round sa medical center sa Hotel Galia © Albert Masias/MSF
May outreach team na nagbibigay ng suporta sa mga taong namamalagi sa mga lugar nang walang pahintulot. Nagsasagawa rin ang Doctors Without Borders ng screening at medical follow-up, health promotion, IPC measures, contact tracing, at nagbibigay rin ng psychological support. Mula noong January 1, 2021, nakapagbigay na ang team ng suporta para sa 800 na tao.
FRANCE
Ang aming mobile clinics sa Paris ay nagmumungkahi ng COVID-19 tests at pagsangguni kung kinakailangan. Nagbibigay kami ng tulong-medikal sa COVID-19 centre na nakalaan lamang para sa mga may COVID-19 na pasyente na di posibleng maibukod sa bahay.
Sina Dr. Rémi Meurant, medical coordinator ng proyekto, at ang mga nars na sina Romain Rossard at Christelle Khao ay nakikipag-usap sa isang pasyente mula sa Afghanistan. © Nicolas Guyonnet/MSF
Noong Marso, itinigil na namin ang aming pagsuporta sa mga nursing homes, dahil malaki ang ibinaba ng mga humihiling sa kanila ng mga aktibidad mula sa amin. Malamang, ang sanhi nito ay ang pag-unlad ng pagbabakuna sa mga pasilidad na ito. Sa kasalukuyan, tinatapos ng Doctors Without Borders at Epicentre ang isang qualitative at quantitative study na ginawa sa isang dosenang nursing homes nang kami ay sangkot pa rito.
GREECE
Sa Athens, nakipagtulungan kami sa 3rd Clinic of Internal Medicine of Athens University (NKUA-EKPA) sa pamamagitan ng pagbibigay ng psychological support sa frontline health workers, sa mga pasyenteng may COVID-19, at sa kanilang mga kamag-anak. Nagbigay rin kami ng mga PPE sa mga grupo ng mga pinakamalapit sa panganib. Kasama rito ang matatanda, mga refugee, mga walang tirahan, mga babae o mga naging biktima ng karahasang dahil sa kasarian, detainees, mga taong may problema sa pag-iisip, at ang airlifting department ng National Emergency Aid Centre.
ITALY
Sa Roma, ang Doctors Without Borders ay gumagawa ng contact tracing at pagbubukod ng mga may COVID-19 sa mga grupo-grupo sa sampung gusali sa mga pabahay at isang di-pormal na tirahan kung saan ang mga migrante, refugee at ilang Italyano ay nakatira. Binago namin ang pinagtutuunan ang aming stratehiya sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa response preparedness" sa halip na sa prevention, o pagpigil. Sa pakikipagtulungan sa mga residente ng mga lugar na ito, isinulong namin ang paglikha ng hygiene at health surveillance committees na maaaring sumubaybay sa mga pinaghihinalaang may COVID-19, alertuhin ang mga kinauukulan at pagsamantalang ibukod ang mga pinaghihinalaang kaso, at magsagawa ng disinfection.
Kahindik-hindik ang kalagayan ng pamumuhay ng mga taong nakatira sa ilalim ng tulay. Napapaligiran sila ng mga naipong basura, may mga dagang nagtatakbuhan sa pagitan ng kanilang mga sira-sirang tolda, at wala silang access sa malinis na tubig o palikuran. © Vincenzo Livieri
Sa Palermo, sinusuportahan ng Doctors Without Borders ang IPC training at health promotion para sa mga civil society organisations na nagbibigay ng mga serbisyo sa mga walang tirahan at mga grupong marginalized tulad ng tirahan, pagkain at iba pang pangangailangan. Nagtrabaho kami sa apat na di-pormal na masisilungan para sa 800 na migrante at mga Italyanong marginalized. Marami sa kanila ang may kumplikadong kondisyong medikal, ati nilagay sila sa mahigpit na lockdown nang walang nakukuhang suporta. May isang Doctors Without Borders team na nagpapatuloy sa pagdadaos ng mga aktibidad kaugnay ng health promotion at IPC sa maraming opisyal na migrant reception centres.
PORTUGAL
Ang mga aktibidad dito ay nakatuon sa health promotion na ginagawa ng mga community workers sa Lisbon at Vale do Tejo, kung saan karamihan sa mga tao ay nanggaling sa lahi ng mga taga-Roma at Africa. Nagbibigay rin kami ng pagsasanay ukol sa digital health promotion at nagbibigay ng mga donasyon ng IPC materials at hygiene kits. Ang mga laman ng hygiene kits ay mga masks, sabon, bleach, at hydro-alcoholic gel. Ang Doctors Without Borders ay magsasagawa rin ng mga aktibidad para sa kalusugan ng kaisipan.
RUSSIA
Nagpapatuloy kami sa pagsuporta sa Ministry of Health (MoH) sa pagbibigay ng health education tungkol sa pagpigil ng tuberculosis (TB) at COVID-19, sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga leaflets na gawa ng Doctors Without Borders tungkol sa paggamit ng face masks ng lahat ng pasyente na bumibisita sa Arkhangelsk TB dispensary. Namigay rin ang Doctors Without Borders ng hygiene kits at pakete ng pagkain para sa mga pasyenteng may multidrug-resistant at extensively drug-resistant TB sa hilagang rehiyon ng Arkhangelsk. Ang mga pasyenteng ito ay nakakatanggap din ng health education mula sa MoH nurses.
Sa Moscow at St. Petersburg, ipinagpapatuloy ng Doctors Without Borders ang pakikipagtulungan nito sa dalawang community-based NGOs na sumusuporta sa mga taong pinaka-nanganganib at mga taong miyembro ng pangunahing populasyon.
Para sa mga medikal at paramedical staff naman, nagbibigay rin ang Doctors Without Borders ng pagsasanay sa TB/HIV co-infection, COVID-19 at basic counselling. Nagbibigay rin ang Doctors Without Borders ng PPE para sa mga taong gumagamit ng mga serbisyo ng mga organisasyon. Gumawa rin kami ng mga health information materials tungkol sa COVID-19 infection prevention, TB at HIV na ngayon ay ipinamamahagi.UKRAINE
Mula noong nagsimula ang pandemya, sinuportahan na ng Doctors Without Borders ang Ministry ng Ukraine sa pagtugon nito sa COVID-19 sa mga siyudad ng Kyiv at sa rehiyon ng Donetsk at Zhytomyr. Sa Kyiv, nagbigay ang Doctors Without Borders ng pagsasanay sa staff ng nursing homes ukol sa IPC at nagbigay ng psychological support para sa mga residente ng mga pasilidad. Sa Mariinka raion, rehiyon ng Donetsk, dalawang Doctors Without Borders mobile teams ang patuloy na nagsasagawa ng screening at nagbibigay ng home-based care para sa mga taong may sintomas ng mild COVID-19. Tinitingnan ng mga teams ang mga pangangailangan medikal ng pasyente batay sa kalubhaan ng kanyang sintomas at binibisita rin nilang muli ang mga pasyenteng nangangailangan ng karagdagang atensyong medikal.
Kasama ng Doctors Without Borders social worker na si Oksana Vykhivksa ang pasyenteng si Andriy Kovalenko (hindi niya tunay na pangalan), sa bahay nito. © Nitin George/MSF
Sa Krasnohorivka Hospital, nagkabit ang Doctors Without Borders ng 22 oxygen points, nagsagawa ng pagsasanay sa case management, nagbigay ng mga kagamitang medikal at PPE, at sinuportahan ng triage at patient screening. Balak din ng Doctors Without Borders na tulungan ang mga health authorities na palawakin ang maaabot ng rapid diagnostic testing sa pamamagitan ng pagsama ng testing sa kanilang mga mobile clinics at pagbigay ng rapid testing kits sa mga pangunahing pasilidad pangkalusugan.
Sa rehiyon ng Zhytomyr, pinagtibay ng Doctors Without Borders ang mga aktibidad para sa outpatient care upang matiyak ang pagpapatuloy ng drug-resistant tuberculosis care. Para dito, sinisiguro ng Doctors Without Borders teams na makakuha ng gamot at psychosocial support ang mga pasyente na may tuberculosis sa buong panahon ng lockdown. Nagsagawa ng pagsasanay ang Doctors Without Borders tungkol sa IPC para sa healthcare workers upang mapabuti ang infection control sa mga ospital. Kasabay nito ang pagturo ng mga paraan upang makaya ang psychological stress sanhi ng karagdagang panganib at patung-patong na trabaho.
Sa Donetsk at Zhytomyr, nagbigay ang Doctors Without Borders ng psychological support sa pamamagitan ng pagbukas ng telephone hotlines para sa mga pasyente, kanilang mga kamag-anak at healthcare workers.- Gitnang Silangan
IRAQ
Ngayong pangalawang bugso na ang kumakalat sa Baghdad, tinaasan namin ang kapasidad ng aming COVID-19 centre mula sa 36 hanggang 51 na kama. Tanging mga seryoso at kritikal na kaso ang hinahawakan namin pero lagi pa ring puno ang centre, at maraming pasyente ang naghihintay na may malibreng kama. Ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 ay inuulat noong ika-25 ng Marso—6,513 – pero malamang, ang totoong bilang ay mas mataas pa. 386,000 doses pa lang ng bakuna ang dumating sa Iraq, bilang na ni hindi sapat para maturukan ang mga doktor, nars at paramedical staff ng bansa na umaabot ng 216,000.
Habang tumataas ang bilang ng mga kaso sa Baghdad at timog na bahagi ng bansa, ang mga bilang ng mga kaso sa probinsya ng Ninewa sa hilaga ay nananatiling mababa.JORDAN
Sa pakikipagtulungan sa Jordanian Ministry of Health (MoH), UNHCR at iba pang organisasyon, nagbukas ang Doctors Without Borders ng COVID-19 treatment centre ng 30 kama para sa Zaatari refugee camp. Sa transition area ng kampo, ang Doctors Without Borders teams ay nagsasagawa rin ng screening araw-araw para sa mga asymptomatic na pasyente ( mga kumpirmadong kaso, at mga taong nakasalamuha nang malapitan ng mga nagpositibo). Ang mga pasyenteng nangangailangan ng atensiyong medikal ay inililipat sa aming COVID- 19 treatment centre.
Dahil mababa ang bilang ng mga taong may symptomatic COVID-19 (mild at moderate), pinag-uusapan na namin ng mga awtoridad ang pagsasara ng pasilidad pangkalusugan sa kalagitnaan ng Pebrero. Mananatiling nakaantabay ang Doctors Without Borders teams kung sakaling may biglaang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa kampo. Samantala, patuloy ang pagsuporta namin sa pagtatasang medikal ng mga taong kumpirmadong may COVID-19.
LEBANON
Sa Bekaa Valley, patuloy ang paggamot ng mga pasyenteng may COVID-19 sa ospital ng Doctors Without Borders sa Bar Elias. Puno lagi ang ICU ng ospital. Sinusuportahan pa rin ng Doctors Without Borders ang ICU ward sa Elias Hraoui Governmental Hospital sa Zahle sa pamamagitan ng triage at screening ng mga bata. Ang mga batang pinaghihinalaang may COVID-19 ay sumasailalim sa screening sa isang nakatakdang lugar. Sila rin ay nakatatanggap ng karampatang pangangalaga, at inililipat sa mga COVID-19 referral hospitals o isolation centres.
Sa Siblin, sa timog ng Lebanon, nakikipagtulungan kami sa UNRWA 2021 (UN Relief and Works Agency for Palestinian Refugees) sa isang training centre na ginawang isolation site. Wawakasan namin ang aming pagsuporta sa katapusan ng Abril, ngunit mananatiling bukas ang centre.
Binabakunahan ng Doctors Without Borders medical mobile teams ang mga matatanda at frontline healthcare workers sa isang nursing home sa Tripoli. © Mohamad Cheblak/MSF
Patuloy ang pagsuporta ng Medical Response Team ng Doctors Without Borders sa stratehiya ng Ministry of Public Health (MoPH) sa testing. Noong ika-19 ng Marso, ang Doctors Without Borders ay nakipagtulungan sa MoPH, at sinimulan ang pagbabakuna sa mga matatanda at sa mga healthcare workers sa nursing homes. Galing sa MSF ang mga taong nagbakuna (na pinili ayon sa pamantayan ng MoPH), samantalang ang MoPH naman ang nagbigay ng bakuna.
Nagsasagawa rin ang Doctors Without Borders ng health education sessions, kung saan nagbibigay sila ng impormasyon tungkol sa pagbabakuna kontra COVID-19 at kung paano magrehistro para mabakunahan.
LIBYA
Sa Libya, patuloy naming sinusuportahan ang Ministry of Health sa isang COVID-19 testing site sa Tripoli at nagbibigay rin kami sa mga medical at healthcare staff ng pagsasanay kaugnay ng COVID-19. Patuloy rin naming pinagtitibay ang mga hakbang para sa IPC sa mga detention centre (sa Tripoli, Zliten, Zintan) sa abot ng aming makakaya kahit na di makatao ang mga kondisyon doon.
PALESTINE
Sa West Bank, may pinatatakbong hotline ang Doctors Without Borders na ginagamit para sa remote counselling ng mga mental health patients at ang kanilang mga pamilya, medical staff, at iba pang first responders na apektado ng COVID-19 outbreak. Nagsasagawa kami ng COVID-19 health promotion at mental health promotion activities sa mga apektadong komunidad. Sa Nablus, sinusuportahan namin ang Palestinian Red Crescent Society Hospital sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga human resources, medical at logistic supplies. Sa Hebron, tumutulong kami sa pagpapatupad ng IPC measures at triage sa Dura hospital, sinusuportahan namin ang intensive care unit at sinusuportahan din namin ang water and sanitation services.
Kausap ng Doctors Without Borders community health worker na si Yasmin Jamal Mahmoud Abu Mustafa ang ilang beneficiaries ng isang Doctors Without Borders mobile clinic sa Masafer Yatta, Hebron (Palestine) © MSF/Katharina Lange
Dagdag pa rito, nagbigay kami ng pagsasanay para sa staff ng Al- Mohtassab Hospital ukol sa hygiene, water and sanitation. Nagsagawa rin kami ng pagsasanay tungkol sa basic life support at first aid sa ilang pasilidad para sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan sa loob at labas ng Hebron.
SYRIA
(Hilagang silangan) Bilang bahagi ng COVID-19 humanitarian task force na pinamumunuan ng local health authorities, may ambag ang Doctors Without Borders sa tugon sa COVID-19. Nakikipagtulungan ang Doctors Without Borders sa Kurdish Red Crescent upang makapagbigay ng pangangalagang medikal sa mga taong pinaghihinalaan at kumpirmadong may COVID-19 sa tanging ospital na nakalaan para sa COVID-19 sa Washokani, malapit sa siyudad ng Hassakeh. Ang mga inilabas na sa ospital, kayang bumukod sa bahay, at di-gaanong malala ang sakit ay binibigyan ng hygiene materials, edukasyong pangkalusugan, at pagkilala sa maaaring mahawa sa kanilang sambahayan. Inaalok din sila ng payo kung paano protektahan ang kanilang mga sarili, kinakausap ang kanilang mga kasama sa bahay, at regular na sinusuri ang kanilang kalusugan sa loob ng isang buwan. Dinagdagan namin ang aming suporta sa Raqqa nang nakatuon sa proteksiyon ng mga healthcare workers, pagpapatupad ng IPC sa mga pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan, pagpapabuti ng triage at pangangalaga sa mga pasyenteng naghihintay ng resulta ng kanilang test, at pagbahagi ng mga aral na natutunan sa aming pagtugon sa Washokani kasama ang mga organisasyon sa Raqqa. Ang polymerase chain reaction testing ay limitado pa rin sa rehiyon, at wala pang mapagkukunan nito. Bumagsak na ang karaniwang bilang ng mga sumasailalim sa testing araw-araw, kaya’t mahirap makita kung gaano na kalaganap ang sakit.
(Al Hol Camp): Sa kampo, patuloy ang aming mga teams sa pakikiugnay sa 1,900 na taong sinasabing pnaka-nanganganib na mahawa at magkaroon ng mga malalang sintomas. Sinusuportahan namin sila batay sa kanilang mga indibidwal na pangangailangan. Marami sa mga taong ito ay mayroong di-nakakahawang mga sakit tulad ng diabetes, hypertension, hika at sakit sa puso.
(Hilagang kanluran): Patuloy ang Doctors Without Borders sa pagbibigay ng pangangalaga sa mga pasyenteng may moderate at severe na sintomas sa 30-bed COVID-19 treatment centre sa Idlib National Hospital. Nagtatrabaho kami sa tatlong kakabukas lang na COVID-19 treatment centres sa rehiyon. Isa doon ay may 31 kama, ang sa Afrin ay may 34 at 28 naman sa Al-Bab. Sa mga centres, ginagamot namin ang mga pasyenteng may mild, moderate at severe na sintomas. Binibigyan namin ng oxygen support ang mga pasyenteng nangangailangan no’n. Sa mga kampo kung saan kami nagtatrabaho sa hilagang kanlurang Syria, ang mga teams namin ay nagpapalaganap ng impormayson tungkol sa COVID-19 at namimigay ng mga hygiene kits sa mga pamilya.YEMEN
Patuloy na nagpapatupad ang Doctors Without Borders teams ng IPC measures, nagsasagawa ng screening at triage, at nagkikilala ng mga potential na kaso ng COVID-19 sa Al-Salakhana at Ad-Dahi, mga ospital ng Hodeidah governorate, at maging sa General Rural Hospital ng Dhi As Sufal, sa Ibb governorate.
Pinapatakbo ng medical staff ng Doctors Without Borders ang isang intensive care unit (ICU) para sa mga may COVID-19 na kritikal ang kondisyon, Al Gamhouria hospital, Aden © Athmar Mohammed/MSF
Sa Aden, sinuportahan ng Doctors Without Borders ang 22 May hospital sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga PPE at pagsasanay sa medical staff sa pangangasiwa ng triage para sa COVID-19 suspect cases at para sa IPC measures. Ang aming COVID-19 treatment unit sa Khamer (Amran Governorate), na gumagamot ng mga pasyenteng may respiratory infections at pinaghihinalaang may moderate na COVID-19, ay tumatanggap pa rin ng mga pasyente.
Sa Haydan (Saada Governate), niliitan namin ang kapasidad ng COVID-19 treatment unit sa dalawang kama na lang dahil sa mababang bilang ng mga nagpapagamot. Sa Lahj governorate, ang Doctors Without Borders teams ay nagbibigay ng pagsasanay sa mga medical teams sa distrito ng Yafa'a para sa pangangasiwa ng triage, pagbubukod at pagsangguni ng mga pasyenteng may COVID-19. Isinasangguni sa treatment centres sa Lahj o Aden ang mga malalang kaso, samantalang sa bahay lang oobserbahan ang mga mild na kaso.
Sa Abyan governorate, ang Doctors Without Borders ay nagbigay ng pagsasanay para sa COVID-19 centre health staff. Kasama sa mga tinuturo ang triage, diagnosis, medico-therapy, physiotherapy at ICU care ng mga kritikal na kaso.
Sa Abs Hospital at Al-Ghomouri Hospital sa Hajja governorate, nagpapatuloy ang Doctors Without Borders sa screening at pagsasangguni sa pinaghihinalaang may COVID-19. Sa siyudad ng Hajja, sinusuportahan ng Doctors Without Borders ang mga sinasangguni mula sa Al-Ghomouri Hospital para sa Al-Rahadi isolation centre.
- Africa
BURKINA FASO
Nagtatrabaho pa rin ang Doctors Without Borders sa COVID-19 treatment centre sa Ouagadougou. Kasama sa mga gawain doon ay ang mga outpatient follow-up, pagmamatyag, contact tracing at mga aktibidad na nagpapataas ng kamalayan ukol sa kalamidad. Sa Bobo-Dioulasso, ang pangalawang pinakamalaking siyudad sa bansa, nagsimula kami ng isang proyekto upang suportahan ang mga local health authorities sa isa sa mga community treatment centres sa siyudad. Ito’y tumagal ng anim na linggo at nagwakas noong katapusan ng Pebrero, pero naiwan sa kanila ang oxygen machine para sa mga pasyenteng nangangailangan nito.
Sa aming pakikisangkot sa iba’t ibang bahagi ng bansa, nakatutok din kami sa epidemiological situation, lalo pa’t lubos pa ring nakababahala sa hilaga, gitnang hilaga, at silangang bahagi ng bansa kung saan naroon ang maraming taong nawalan ng tirahan. Ginawa naming angkop ang triage at IPC measures sa mga pasilidad pangkalusugan na sinusuportahan namin. Nagtayo rin kami ng mga isolation units at nagbigay ng pagsasanay sa mga staff sa pagpigil at paggamot. Sa aming mga proyekto, ang teams namin ay nagsasagawa pa rin ng awareness sessions sa mga komunidad.
CAMEROON
Ang bilang ng mga taong may COVID-19 ay umaakyat dahil sa pangalawang bugso ng pandemya. Nakikipag-usap kami sa Ministry of Health kung paano kami makakatulong sa pambansang tugon ng Yaoundé.
DEMOCRATIC REPUBLIC OF CONGO (DRC)
Sa lahat ng aming proyekto sa DRC, tinatrabaho ng aming mga teams ang pagtaas ng kamalayan, health promotion at ang pagpapatupad ng preventive measures, tulad ng pagbigay ng mga masks, pagtatayo ng handwashing stations, pagsasaayos ng triage at isolation areas, at contact tracing.
Ang paggamot ng tigdas sa Bosobolo, North Ubangi © Franck Ngonga/MSF
Nang tinamaan ang Kinshasa ng pangalawang bugso noong Disyembre at kinulang ng mga kama ang ICU sa kabisera, sinimulan naming suportahan ang Cliniques Universitaires de Kinshasa (CUK) –o ang Kinshasa University clinics – noong Enero 2021 upang gamutin ang mga kasong moderate at severe sa 40-bed COVID unit sa CUK. Ang Hospital Kinshasa na suportado ng Doctors Without Borders at nakalaan para sa mga pasyenteng may HIV/AIDS, ay nilagyan na rin ng mga tolda para sa pagbukod ng mga taong pinaghihinalaan o kumpirmadong kaso ng COVID-19. Ganito rin ang ginawa sa probinsya ng Kasai, sa Kananga, kung saan ang Doctors Without Borders ay sumusuporta sa General Hospital sa pamamagitan ng pagbibigay ng triage at donasyon sa mga ospital at health centres ayon sa kanilang pangangailangan.
ETHIOPIA
Sa rehiyon ng Gambella, sa dalawang kampo para sa mga refugee na South Sudanese (Kule at Tierkidi), nagtayo ang Doctors Without Borders ng 20-bed COVID-19 isolation centre at isa pang may sampung kama naman. Samantala, sa bayan Gambella, may team na sumusuporta sa COVID-19 triage at pansamantalang isolation centre sa Gambella Hospital.
Nagbukas ng klinika ang Doctors Without Borders sa Pagak reception centre noong Pebrero 2021, matapos umalis ang refugee agency ng Ethiopia, ang ARRA.
Mula pa noong Mayo, ang isang team sa Addis Ababa ay nagbibigay na ng mental health support sa mahigit 5,000 na migrante na galing sa Saudi Arabia, Kuwait at Lebanon at inilagay sa tatlong COVID-19 quarantine centres sa kabisera. Sinusuportahan ng Doctors Without Borders ang medical at non-medical staff ng Ministry of Health na nagtatrabaho sa quarantine centres sa pamamagitan ng pagsasanay sa kanila sa pangangailangan ng mga migrante para sa kalusugan ng kaisipan.
Sinusuportahan ng aming teams ang regional health authorities sa kanilang isolation at treatment centres, at health education sa iba’t ibang lokasyon ng proyekto sa rehiyon ng Amhara at Somali. Binibigyan din namin ng halaga ang paghahanda para sa lahat ng aming proyekto upang maitakda ang preventive at hygiene measures.
ESWATINI
Malaki ang ibinaba ng bilang ng mga kaso ng COVID -19 sa bansang ito. Ang mga pasyenteng may comorbidities ay binibisita sa kanilang mga bahay upang tiyakin na patuloy silang pinangangalagaan. Dagdag pa rito, ang home-based care team ay nagsanay sa kritikal na pangangalaga upang makapaghanda para sa tingin na marami’y padating na pangatlong bugso.
IVORY COAST
Noong Enero, binigyang pahintulot ng bansang ito ang ilang mga bakuna kontra COVID-19 (Pfizer, Moderna at Astra Zeneca). Isang kampanya para sa pagbabakuna ang inilunsad noong Marso, at layunin nila ang makapagbakuna ng 500,00 na tao sa Abidjan, kung saan naitala ang mahigit 95 porsiyento ng mga positibong kaso ng COVID-19. Bilang pagsuporta sa kampanyang ito, sinimulang muli ng Doctors Without Borders ang telemedicine project, sa pakikipagtulungan ng isang lokal na NGO. Ang team, na nasa isang testing centre sa Abidjan, ay tumutulong sa pagtukoy ng mga sakit na maaaring magdulot ng kumplikasyon kapag sinabayan ng bakuna kontra COVID.
KENYA
Ang bansang ito’y nakararanas ng matinding ikatlong bugso. Bagama’t nakakabahala ang kakulangan nila ng kapasidad para sa testing, at tila ang bansa ay di handa para sa panibagong bugso, maraming pasilidad dito para sa pagbubukod.
Si Jerusha Muthonisits, 35, ay matiyagang naghihintay katabi ang ibang mga pasyente sa waiting area ng Kabuguri dispensary.
MALAWI
Matapos maabot ang rurok ng dami ng mga kaso noong Pebrero, bumaba namang muli ang bilang nito. Sa ngayon, ang Doctors Without Borders ay magbibigay pa rin ng oxygen at suportang teknikal sa Queen Elizabeth Hospital sa Blantyre, pero ang pagbubukas ng karagdagang 40-bed COVID-19 ward ay hindi na kinakailangan. Ang mga health workers sa bansa ay kasalukuyang binabakunahan.
MALI
Sa Bamako, winakasan namin ang pagsuporta sa inpatient care facility Ministry of Health noong Pebrero dahil sa pagbaba ng mga bilang ng mga kaso. Patuloy pa rin kami sa pagpapatibay ng mga outpatient activities, tulad ng pagpapabuti ng daloy ng pasyente at triage areas sa health centres, pangangamusta sa mga pasyenteng nasa bahay na, at ang pagtaas ng kaalaman.
MOZAMBIQUE
Ang mga kaso ng COVID-19 sa Mozambique ay dumoble noong Enero.
Sa Mavalane Hospital sa Maputo, nagtayo kami ng dalawang tolda na maaaring tumanggap ng 16 na tao na may moderate o severe na sintomas. Naglagay din kami ng GeneXpert machines upang mapabuti ang testing at pagsusuri, nagbigay ng suportang teknikal para isaayos ang bagong COVID-19 treatment centre at nagsagawa ng pagsasanay ng mga frontline health workers tungkol sa IPC.Sa Montepuez, hindi naipatupad ang COVID-19 contingency plan dahil sa cholera outbreaks. Nagbigay ang Doctors Without Borders ng mga kagamitang panlinis at sinuportahan namin ang ospital sa pamamagitan ng pagtatalaga ng pre-triage point at pagpapatayo ng tatlong health centres. May mga plano ring magbukas ng isang COVID-19 treatment centre kung saan ang health staff ay bibigyan namin ng pagsasanay.
Pamimigay ng relief items sa Mueda © MSF
Sa Beira, tinutulungan namin ang Ministry of Health (MoH) sa triage ng dalawang pasilidad pangkalusugan at ng Central Hospital. Sinusuportahan din namin ang isolation centre sa pamamagitan ng pagbibigay ng 20 kama at pagbibigay ng pagsasanay sa MoH frontline health workers tungkol sa IPC at case management. Ang kapasidad ng health staff ay dinagdagan din namin ng isang doktor, limang nars, anim na health promoters at 14 cleaners.
NIGER
Sinuportahan ng Doctors Without Borders ang logistics at human resources sa Lamorde ospital sa Niamey, kung saan ginagamot ang mga taong may moderate na kaso. Sinusuportahan din namin ang health centres sa Magaria, Dungass at Tillaberim sa pamamagitan ng mga aktibidad kaugnay ng water at sanitation, pamamahagi ng masks, pag-organisa ng triage ng mga pasyente at pagtulong sa investigation and response team. Pinagpatuloy din namin ang epidemiological surveillance at community awareness. Sa Diffa at Agadez, naglaan kami ng mga isolation centres sa aming mga pasilidad.
NIGERIA
Patuloy naming sinusuportahan ang health promotion at binibigyan namin ang mga lokal na nanunungkulan, mga ospital, at healthcare centres ng suportang teknikal, pagsasanay para sa staff at IPC sa lahat ng proyekto. Ang aming teams ay naglaan ng mga isolation units sa Gwoza at Pulka kung saan ang mga pinaghihinalaan at kompirmadong kaso ng COVID-19 ay ginagamot. Ang kapasidad ng isolation unit ay limang kama na lang para sa bawat pasilidad. Sa Ngala, kung saan ang mga kaso ay nakumpirma sa kauna-unahang pagkakataon noong kalagitnaan ng Pebrero, pinaunlad namin ang epidemiological surveillance at nagsimula rin kaming magsagawa ng mga aktibidad para sa IPC at health promotion. Sa Ebonyi State, sinusuportahan namin ang Ministry of Health (MoH) at ang Nigerian Centre for Disease Control (CDC) sa kanilang testing na ginagawa sa kauna-unahang COVID-19 testing centre sa estado. Sa kasalukuyan, sinusuportahan din namin ang muling pagbubukas ng pasilidad ng MoH na may 25 na kama bilang paghahanda sa ikalawang bugso ng COVID-19 sa estado.
Sa Sokoto, sinuportahan din namin ang MoH sa pagsasaayos ng isang 32-bed isolation treatment centre. Kasama ang mga lokal na opisyal, nagsagawa din kami ng community awareness campaign tungkol sa COVID-19. Umabot ito sa 370 na pamayanan. Nagkaroon din kami ng health promotion, naglagay ng water points, at namigay ng sabon sa mga komunidad sa Benue at Zamfara.
SENEGAL
Sa pagtatapos ng Setyembre 2020, ang pagbaba ng bilang ng mga nahahawa sa sakit at maging ng kalubhaan ng mga kaso, pinasya ng Doctors Without Borders na wakasan na ang pakikisangkot namin sa pagtugon sa COVID-19. TInapos na namin ang aming proyekto sa Dakar, sa distrito ng Guediawaye (isang suburb sa hilaga ng rehiyon ng Dakar), at sa Hospital of Dalal Jamm. Lahat ng aming aktibidad ay inihabilin na namin sa Ministry of Health. Ngunit noong nagsimula ang Disyembre 2020, tumaas na naman ang bilang ng mga positibong kaso at mga namamatay dahil sa COVID-19. Kaya naman patuloy ang pagsubaybay ng Doctors Without Borders sa sitwasyon, at kasalukuyang nakikipag-usap sa mga health authorities.
SIERRA LEONE
Ang Doctors Without Borders ay isa sa mga haligi ng case management and surveillance sa National Emergency Operations Centre (EOC) at district level EOCs sa Kenema, Tonkolili at Bombali Districts. Patuloy ding nakikipagtulungan ang isang epidemiologist ng Doctors Without Borders sa Ministry of Health and Sanitation (MOHS) sa paglikha ng mga estratehiya para sa surveillance, IPC at testing.
Sinusuri ng Doctors Without Borders doktor na si Marianella Rodríguez ang isang pasyente sa intensive care unit ng Hangha Hospital, Kenema District, Sierra Leone © Peter Bräunig
Mula Hulyo hanggang Disyembre 2020, sa pakikipagtulungan ng district health management team, Western Area Urban, nagtrabaho kami kasama ng sampung community health workers mula sa Thompson Bay wharf sa Freetown, isang komunidad ng mga informal settlers. Nag-organisa kami ng health promotion at namigay ng mga hygiene kits. Sa pagdaan ng mga buwan, iniulat ng district medical team ang pagtaas ng bilang ng mga taong pumupunta sa klinika, isang magandang indikasyon na may epekto sa kanila ang aming mga mensahe. Itinigil namin ang mga aktibidad para sa health promotion sa katapusan ng Disyembre 2020, at ipinasa na namin ang mga gawain sa community healthcare workers at District health management team. Patuloy naming susubaybayan ang sitwasyon sa Freetown kaugnay ng COVID-19, at maaari kaming tumugon kung kinakailangan.
SOMALIA AND SOMALILAND
Dahil sa stigma na nakapalibot sa COVID-19, ang mga taong may sakit ay nag-aalangang pumunta sa health centres dahil natatakot silang maging biktima ng diskriminasyon. Ang kapasidad para sa testing ay lubhang mababa dahil sa kakulangan ng testing kits at ng pondo.
Sa Somaliland, binibigyan namin ng pagsasanay ang mga miyembro ng Rapid Response Teams ng Ministry of Health tungkol sa pagpigil sa COVID-19. Dahil sa IPC measures para sa pagpigil ng pagkalat ng virus, ang mga regular na aktibidad tulad ng pagbabakuna at programang pangnutrisyon ay apektado.
SOUTH AFRICA
Sa pagtatapos ng Pebrero, tinapos na rin namin ang aming mga aktibidad sa Ngwelezana Tertiary Hospital sa probinsya ng KwaZulu-Natal, kung saan ang aming team ng mga doktor at nars ay nagtrabaho sa 113-bed COVID-19 field hospital. Dahil sa ipinagpapalagay na pagdating ng bagong bugso, ang aming teams sa buong bansa ay naghahanda sa mga lugar na lubhang tinamaan. Ginagawa namin ito batay sa aming mga karanasan at nakatuon sa pangangalaga sa loob ng ospital.
SOUTH SUDAN
Patuloy ang pagsuporta ng Doctors Without Borders sa Ministry of Health (MoH) sa Juba Teaching Hospital sa pamamagitan ng pagbibigay ng WATSAN materials at pagsasanay sa IPC. Patuloy din naming sinusuportahan ang National Public Health Laboratory (NPHL) – ang pangunahing testing facility sa bansa. Kasama na rito ang pag-ukol ng isang Doctors Without Borders Laboratory Supervisor. Nakikipag-usap din ang Doctors Without Borders sa MoH sa posibleng suportang teknikal para sa bodega ng NPHL upang tulungang matiyak ang mas mabuti at mas mahusay na stock management para sa COVID-19 testing.
Kasama ng Doctors Without Borders physiotherapists na si Birgit Schönharting ang limang taong gulang na si Anyar, na ginagamot para sa kagat ng ahas sa Agok. © Damaris Giuliana
Sa labas ng Juba, natapos na ang Doctors Without Borders testing facility sa Lankien, kaya’t apat na ang Doctors Without Borders testing facilities (ang iba’y nasa Agok, Bentiu at Malakal Protection of Civilian sites) na makakatulong sa 23 pasilidad sa buong bansa.
Sa lahat ng aming proyekto sa buong bansa, patuloy naming binubukod at ginagamot ang mga pasyenteng pinaghihinalaan o kumpirmadong may COVID-19, kahit na nanatiling mababa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso. Sinusuportahan din namin at pinapatupad ang mga hakbang sa pagpigil sa pagkalat ng sakit. Kasama na rito ang screening, pagpapatibay ng IFC, pagpapataas ng kamalayan, health promotion, at mga pagsasanay.
SUDAN
Nakatanggap ang Doctors Without Borders ng pahintulot na magsagawa ng seroprevalence survey sa Omdurman. Pinag-uusapan namin ng Ministry of Health (MoH) ang pagsisimula ng home-based support system para sa mga pasyenteng may COVID-19 sa lugar ding iyon.
Sinusuportahan namin ang apat na pangunahing pampublikong ospital sa Khartoum upang paunlarin ang kanilang screening, triage system at isolation areas. Ang layunin ay maprotektahan o mabuksang muli ang mga serbisyong makakasagip ng buhay, at maibalik ang kumpiyansa ng mga health workers.
Nagbibigay ng suporta ang Doctors Without Borders teams sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay, pagpapatibay ng IPC measures, at pagbibigay ng linggo -linggong donasyon ng PPE. Nagbigay rin kami ng pagsasanay sa staff ng sampung pangunahing healthcare centres, nagbigay ng IPC items at suportang teknika, na nagpapatuloy sa iba’t ibang pasilidad sa Khartoum. Sinusuportahan din namin ang MoH sa pangangasiwa ng mga isolation centre sa mga estado ng East Darfur at South Kordofan.
TANZANIA
Ang Doctors Without Borders ang tanging tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa Nduta refugee camp, kung saan may 70,000 Burundian refugees. Mahigit 250 Doctors Without Borders staff ang binigyan ng pagsasanay sa COVID-19 preparedness and response measures upang sila’y makatugon nang maayos kung magkaroon man ng outbreak. Ang aming teams ay patuloy na nagoorganisa ng mga ehersisyo ng mga maaaring maganap, upang masubukan ang kapasidad nila sa mabilis na pagtugon sa sitwasyon. Nananatili rin ang aming mga istruktura paras sa triage sa apat na health posts, kasama na roon ang 100 kama sa pangunahing ospital. Ang aming mga community health educators sa Nduta camp ay regular na namamahagi ng impormasyon tungkol sa kalinisan at best health practices. Tuloy-tuloy rin ang screening ng temperature sa triage ng main camp gate at pinananatili rin namin ang handwashing points.
ZIMBABWE
Mula pa noong Pebrero, sinusuportahan namin ang Parirenyatwa Hospital Isolation Centre, ang main referral site ng bansa para sa COVID-19 na nasa Harare – upang tulungan silang maghanda para sa susunod na potensyal na bugso ng COVID-19. Pinauunlad namin ang IPC measures at ang daloy ng mag pasyente. Hinaharap din namin ang mga kakulangan sa PPE, gamot at medical supplies. Dagdag pa rito, naghanap din at nagtalaga ang Doctors Without Borders ng medical staff para suportahan ang ospital. Ang suporta ay batay sa needs assessment na isinagawa at kabilang rito ang pagdadagdag sa kapasidad ng ospital na pangasiwaan ang mga tinanggap sa ospital na kaso ng COVID-19. Naghahanda rin ang Doctors Without Borders ng suporta para sa ikalawang COVID-19 isolation centre, ang Wilkins Hospital sa Harare.
- Americas
BRAZIL
Habang ang Brazil ay nagiging sentro na ng COVID-19 sa mundo, nakatuon ang Doctors Without Borders teams sa hilagang bahagi ng bansa, dahil matagal nang kulang doon ng material at human healthcare resources.
Sa kalagitnaan ng Marso, nagsimula kami ng aktibidad sa kabisera ng Rondonia ng Porto Velho, sa pagbibigay ng suportang medikal at pagsasanay sa limang emergency care units. Dito namamalagi ng matagal ang mga pasyenteng moderate at kritikal dahil hindi na sila puwedeng tanggapin sa mga siksikang ospital.
Ang pagtugon ng Doctors Without Borders sa COVID-19 sa Ji-Paraná – Rondônia © Diego Baravelli
Noong Marso, nagsimula kami ng aktibidad sa pangalawang lungsod ng estado, ang Ji-Paraná, kung saan ang lokal na pasilidad para sa COVID-19 na 75 kama ay siksikan, kulang sa staff at nangangailangan ng supply. Sa Roraima, nagbigay kami ng pagsasanay sa health professionals sa Pacaraima at Caracaraí upang mapabuti ang pangangalaga sa mga pasyente.
Patuloy kaming nagbibigay ng suporta para sa kalusugan ng kaisipan ng mga propesyonal sa pinakamalaking pampublikong ospital at sa isang emergency care unit sa Manaus, Amazonas.
BOLIVIA
Nagtasa ang aming team ng mga pangangailangan sa rehiyon ng Beni, isang Amazonia-basin area sa hilagang silangan ng bansa. Ang aming mga aktibidad ay nakatuon sa pagsasanay tungkol sa IPC measures at medical training sa anim na COVID-19 centres na nagbibigay serbisyo sa limang munisipalidad. Nagbigay rin ang Doctors Without Borders ng PPE at mga gamot.
HONDURAS
Sa Tegucigalpa, ang Doctors Without Borders ay nagsimulang magsagawa ng mga aktibidad kaugnay ng COVID-19 dahil sa pagdami ng mga bilang ng mga kaso sa siyudad. Ang mga aktibidad na ito ay may tatlong magkakaibang yugto at ang layunin nito ay suportahan ang sistemang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangkalahatang pangangalaga sa mga komunidad, primary health centres at ospitals.
Kinakausap ng nars mula sa Doctors Without Borders ang mga migrante tungkol sa pag-iwas sa iba’t ibang sakit na maaaring kumapit sa kanila habang sila ay nasa ruta.
Sa komunidad, tumutulong ang Doctors Without Borders sa limang health centres sa pamamagitang ng isang mobile team kung saan kabilang ang isang nars, isang sikolohista, at health promoters. Sila ay nagbibigay ng psychosocial support sa komunidad sa pamamagitan ng psychoeducation at individual telephone psychological support. Dagdag pa rito, pinagtitibay rin ng, Doctors Without Borders ang biosecurity measures sa health centres. Sa mga ospital naman, nagbibigay kami ng psychosocial support sa dalawang ospital na may COVID-19 units. Ang psychological at social support na ito ay para sa mga pasyente at kanilang mga pamilya. Pinagtitibay rin ng Doctors Without Borders ang mga aktibidad para sa health promotion sa mga ospital. Sa pangatlong yugto, magbibigay kami ng dalawang ambulansya (na may nakaukol na mga drayber at nars) sa anim na triage centres ng siyudad. Malaki ang maitutulong ng mga ambulansya sa sistemang pangkalusugan sa pamamagitan ng paglilipat ng mga pasyente sa mga ospital at isolation areas.
MEXICO
Sa kasagsagan ng mga kaso noong Pebrero at Marso, tumugon ang mga teams ng Doctors Without Borders sa pamamagitan ng isang home based-care intervention sa Iguala. Tumutulong din kami sa pangungumusta sa mga pasyenteng nasa tahanan dahil hindi sila tinanggap sa mga ospital kahit na maaari silang magkaroon ng kumplikasyon.
Isama namin ang aming tugon sa COVID-19 sa aming regular na migrant project at sa mga mobile clinics namin sa estado ng Guerrero. Mula Enero 2021, nasaksihan namin ang pagtaas ng bilang ng mga migranteng tumatakas mula sa karahasan, extortion, at mga sitwasyong puno ng hamon sa kanilang mga bansa sa Northern Triangle of Central America (NTCA).
Winakasan na ng team na sumusuporta sa migrant shelters para sa COVID-19 preparations ang kanilang mga aktibidad noong Pebrero at inihabilin na ang mga ito sa regular team.
Ang team na nasa Tenosique at ang mga aktibidad sa La 72 shelter ay nagpatuloy sa isang shelter sa Salto de Agua (Chiapas), na tumatanggap ng 150 hanggang 200 migrante kada araw.
Sa General Hospital sa Reynosa, tumulong ang ibang staff namin sa pangangalaga ng mga pasyenteng may COVID-19 (mild at moderate). Ang aktibidad na ito’y nakumpleto noong katapusan ng Marso. Ang mga teams sa Reynosa at Matamoros ay patuloy na sumusubaybay sa sitwasyon ng COVID-19 sa dalawang siyudad at nagsasagawa ng mga aktibidad para sa health promotion.
PERU
Naging brutal ang bagong bugso sa Peru. Punong-puno ang mga ospital, at napuspos na ang mga medical staff. Sa kasalukuyan, ginagamot namin ang mga hindi kritikal na kaso sa isang isolation centre sa hilagang Lima. Sinusuportahan din namin ang intensive care unit sa Huacho Hospital, at nagsasagawa rin kami ng community outreach upang mapadali ang maagang pagkilala sa mga pasyenteng may COVID-19.
VENEZUELA
Kabilang sa plano ng pagtugon ng Doctors Without Borders sa pandemya ang pagbibigay ng mga medical supplies, paghahanap ng staff, pagpapatibay ng triage, diagnosis, treatment, infection control at peri-hospital system services sa mga proyekto sa Amazonas, Anzoátegui, Bolívar, Sucre, Táchira at Caracas. Sinusuportahan din ng Doctors Without Borders ang staff recruitment, treatment at peri-hospital system services sa Vargas Hospital ng Caracas, kung saan mayroon kaming 24 na kama (kasama ang apat na para sa ICU).
Dahil sa bagong variant ng COVID-19 mula sa Brazil, malaki ang itinaas ng bilang ng mga kaso sa Caracas nitong mga nakaraang linggo. Umabot na sa kanilang hangganan ang kapasidad ng mga pampubliko at pribadong ospital, at 100 porsyento na ang occupancy rate ng mga kamang nakalaan para sa mga pasyenteng may COVID-19. Pinag-aaralan pa ng team kung dadagdagan ang mga kamang nasa iba’t ibang istruktura ng siyudad at pinag-iisipan din namin ang pasibilidad ng bagong emergency intervention. Dinagdagan na rin namin ang aming pakikisangkot sa estado ng Boliva.
Ang pangangalagang pangkalusugan sa mga nanganganib na komunidad sa Anzoátegui state, Venezuela © Matias Delacroix
Paano tumutugon ang MSF sa COVID-19?
Walang Patent, Walang Monopolyo sa Pandemya
Habang ang mga maunlad na bansa ay nakakamit ang makabuluhang mga hajbang sa pagbabakuna ng populasyon sa COVID-19, ang umuunlad na bansa ay nakakaranas ng isang nakakatakot na pagtaas ng mga impeksyon at pagkamatay mula sa COVID-19. Ang mga sistema ng pangangalaga ng kalusugan sa Brazil at sa India ay hirap na hirap na. Ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay hindi rin ligtas habang ang mga bagong pagtaas ng impeksyon sa COVID-19 ay naiuulat. Ngayon lang nasaksihan ng buong mundo ang ganitong kalaking mga numero.
Pinoprotektahan ng mga bakuna ang mga mahihina ang katawan, ngunit hindi sapat ang dami nito upang matugunan ang mga pangangailangan ng pasilidad ng COVAX (COVID-19 Vaccines Global Access) at ng mga umuunlad na bansa na nais na mabakunahan ang kanilang populasyon nang maaga. Ang Indonesia at ang Pilipinas, dalawang bansa sa rehiyon na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga impeksyon, ay nagkaroon ng mabagal na simula sa kanilang mga programa sa pagbabakuna dahil sa mga isyu sa pag-access.
Binabakunahan ng medical mobile teams ng Doctors Without Borders ang mga may edad at mga frontline healthcare workers sa isang nursing home sa Tripoli, Lebanon. © Mohamad Cheblak/MSF
Dahil dito, ang Doctors Without Borders, sa pamamagitan ng Access Campaign, ay aktibong nagtataguyod para sa pagtanggal ng mga hadlang sa teknolohiya at intellectual property (IP) upang malayang makagawa ng mga bakuna, gamot, at iba pang mga produkto at kasangkapan pangkalusugan na kinakailangan upang labanan ang pandemyang ito.
Nasaksihan mismo ng Doctors Without Borders na hinaharangan ng mga bansang Norway, EU, UK, Canada, at Japan ang negosasyon sa panukalang luwagan ang mga hadlang sa IP upang mapalawak ang bilang ng mga pabrikante sa iba't ibang mga rehiyon upang matugunan ang mga pangangailangan sa mga umuunlad na bansa, at magamit ang mga potensyal na paggamot sa lahat ng mga bansa. Sa wakas ay sumang-ayon na ang US nung Mayo 2021 upang lumahok sa negosasyon, at maaaring kumbinsihin ang iba na sumunod.
Ito ang unang hakbang. Ang mga bansang kasapi tulad ng US ay haharap sa matinding presyon ng industriya ng parmasyutiko na ibawas ang panukalang waiver sa World Trade Organization. Dapat aktibong sumali ang mga gobyerno sa negosasyon upang matiyak na ang waiver ay nalalapat hindi lamang sa mga bakuna ngunit para din sa lahat ng mga kaugnay na teknolohiya ng COVID-19.
Mga hamon ng pagtugon sa COVID-19
Sinimulan ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ang mga unang gawain na bahagi ng tugon sa pandemyang dulot ng COVID-19 noong Enero 2020, sa pamamagitan ng pag-aangkop ng mga kasalukuyang ginagawa at paglulunsad ng mga bagong gawain sa iba’t ibang bansa. Nagtakda kami ng mga resources para sa mga proyektong nakatuon sa pagsugpo ng COVID-19. Habang pinapanatili namin ang mga dati nang programa para sa mga kinakailangang pangangalagang pangkalusugan, sinusuportahan din namin ang mga ministro ng kalusugan sa paghahanda o pagharap sa pandemya. Ang suportang ito’y kadalasang ibinibigay sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga tauhan sa infection prevention and control (IPC), health promotion at organisation of healthcare services.
Bagama’t may mga proyektong nakatuon lamang sa COVID-19, karamihan sa mga gawaing may kaugnayan sa pandemya ay isinama namin sa mga kasalukuyang mga proyekto. Ang mga gawain namin ay inaayon namin sa konteksto: ang sitwasyong epidemiological sa lugar, ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga tao doon, at ang aming mga resources. Mahirap ikuwento ang aming mga karanasan sa buong daigdig, dahil iba-iba ang epekto ng pandemya sa bawat bansa. Kaya naman iba-iba rin ang aming stratehiya sa bawat bansa, at minsan, kahit sa bawat proyekto.
Isinusulong namin na ang lahat ng tao ay may paraang makakuha ng kanilang mga pangangailangang medikal. at dapat na makuha nila ito sa mababang halaga. Para labanan ang bagong virus at sakit, kailangan ng mga bagong gamot, tests, at bakuna. Mahalaga na hindi gamitin ang pandemya para makinabang ang ilang negosyante. Halimbawa, dapat ay maaaring makakuha ng bakuna ang sinumang tao sa mundo. Ang matataas na presyo at pagkontrol ng mga monopolyo ay mauuwi lamang sa pagrarasyon ng bakuna, at ang di pagbibigay nito sa lahat ng tao, na magpapatagal ng pandemya.
Kailangang gumawa ng mga hakbang ang mga pamahalaan, mga pharmaceutical corporations, at research organisations para matiyak na ang mga kagamitang medikal na kailangang-kailangan para sa COVID-19 ay madaling makukuha ng sinuman sa murang halaga. Para sa karagdagang kaalaman ukol sa mga ginagawa ng MSF para sugpuin ang COVID-19: Responding to COVID-19: MSF Global Accountability Report.
- Ano ang COVID-19?
Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng isang bagong coronavirus na kilala bilang SARS-CoV-2, dahil sa pagkakapareho nito sa virus na sanhi ng SARS. Noong ika -11 ng Marso, idineklara ng WHO na ang pandaigdigang pagkalat ng bagong sakit na ito ay isang pandemya. Pagsapit ng Pebrero 4, higit sa isang milyong katao na ang namatay sa COVID-19. Mayroon na'ng higit sa 104.4 milyong mga kaso ng coronavirus sa buong mundo.
- Paano naipapasa ang coronavirus?
Maaaring maipasa ng tao ang coronavirus sa ibang tao. Posibleng makahawa ang isang tao kahit di siya kinakitaan ng sintomas. Dahil dito, mas mahirap na makakuha ng maayos na larawan kung paano ito kumakalat.
Ayon sa WHO, ang coronavirus ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng mga maliliit na patak mula sa ilong o bibig na kumakalat kapag ang tao’y umubo o huminga. Maaaring kapitan ang mga tao ng COVID-19 kapag humawak sila sa gamit na nabahiran na ng virus, at pagkatapos ay hinawakan nila ang kanilang mata, ilong o bibig. Maaari ring mahawa ang isang tao kapag nalanghap niya ang mga maliliit na patak na mula sa ubo o hininga ng may coronavirus. Inirerekomenda ng WHO na magpanatili ng distansyang mahigit sa tatlong talampakan mula sa may sakit.
- Gaano ka-delikado ang coronavirus?
Ayon sa pinakabagong datos, 80 porsyento ng mga taong kinakapitan ng coronavirus ay makararanas lamang ng mild o moderate na anyo ng sakit. Tinatayang mga 15 porsyento ang malulubhang kaso at kakailanganing magpa-ospital. Mga limang porsyento naman ang magiging kritikal ang kondisyon. Maaaring kaya ng mga sopistikadong sistema ng pangangalagang pangkalusugan ang mga nasa kritikal na kondisyon, pero maaari pa rin itong madaig sa dami ng mga taong kailangang ma-ospital.
Ang mataas na antas ng supportive at intensive care na kinakailangan para sa mga pasyenteng may COVID-19 ay isang malaking hamon kahit na sa mga pinakamodernong sistema ng pangangalagang pangkalusugan. Nag-aalala ang MSF sa mga posibleng kahihinatnan ng mga bansang may mahihina o marurupok na sistema ng pangangalagang pangkalusugan.
Ang virus na ito ay mas delikado sa mga matatanda at sa mga taong may ibang sakit. Sa ngayon, hindi masyadong naapektuhan ang mga bata. Iba-iba ang mortality rate nito sa iba’t ibang lugar.
Ang mga panukala para sa kalusugang pampubliko tulad ng isolation, quarantine, at social distancing ay ipinapatupad para malimitahan ang hawaan sa komunidad, mabawasan ang bilang ng mga bagong kaso at mga pasyenteng may malalang kondisyon, maprotektahan ang mga madaling mahawaan ng sakit at magamit nang mabuti ang health resources.
- Paano ko maiiwasan ang pagkahawa?
Mahalagang protektahan mo ang iyong sarili at ang ibang tao. Tulad ng ibang coronavirus, lumalabas na ang maliliit na patak ang pangunahing tagapagdala ng sakit. Dumadaan ang virus sa bibig o ilong upang pumasok sa katawan ng tao. Ito’y ay maaring mangyari kapag nasinghot mo ang mga patak, o di kaya’y may hinawakan kang gamit na nabahiran ng virus at pagkatapos ay hinawakan mo ang iyong mata, ilong o bibig.
Ang pagsunod sa mga simpleng panukala tulad ng paghuhugas ng kamay at pagsunod sa tamang etiketa kapag umuubo o bumabahin ay epektibo para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Napakahalagang panatiliing malinis ang ating mga kamay, kaya’t lagi itong hugasan gamit ang tubig at sabon. Gumamit ng sapat ng sabon at tiyaking ang lahat ng bahagi ng kamay ay nahugasan. Ang paghuhugas ng kamay ay dapat tumagal ng hindi bababa sa 20 segundo. Kung wala ka namang nakikitang dumi sa iyong kamay, maaari na ring gumamit na lang ng alcohol-based gel.
Kung may sakit ka, mamalagi na lang sa bahay at iwasan ang pakikihalubilo sa ibang tao. Kung uubo ka o babahin, takpan mo ang iyong bibig at ilong ng tissue, o ng kabila ng iyong siko. Itapon agad ang mga ginamit na tissue at maghugas ng kamay.
Ang social distancing ay ipinapayo sa mga lugar na may community transmission o hawaan sa komunidad. Umiwas sa mga mataong lugar at mga malalaking pagtitipon, at dumistansya sa mga tao.
Dahil sa kakulangan ng mga masks, guwantes at PPE, ang mga pangangailangan ng health care staff ay dapat bigyang prayoridad.