Ang Taong 2025 sa mga Larawan
Patuloy pa rin ang mga digmaan sa Gaza at Ukraine, tumindi ang karahasan sa Sudan, at milyon-milyong mga tao ang nawalan ng tirahan sa gitna ng mga lumalaking hadlang sa migrasyon at lumiliit na suportang humanitarian. Ang mga patong-patong na emergency ay nag-iwan sa maraming komunidad na walang natatanggap na pagtulong na lubha nilang kinakailangan, habang ang kawalan ng seguridad at ang mga puwang sa pagpopondo sa buong sektor na humanitarian ay nagtutulak sa aming gumawa ng mga mahihirap na desisyon kung saan at paano kami kikilos.
Sa kabila ng mga hamong ito, nananatili ang aming mga team na naninindigan sa pagbibigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal kung saan ito kinakailangan — sa mga lugar ng alitan, sa mga ruta ng migrasyon, o sa mga lugar na apektado ng mga outbreak ng sakit. Parehong makikita sa “This Year in Pictures” (Ang Taong Ito sa Mga Larawan) ang mga sandali ng pagkabigo at tagumpay ng katatagan ng aming mga staff at ng mga taong tinutulungan nila. Ang mga larawang ito ay nagpapaalala na ang pagiging saksi ay hindi lang pagdokumento ng pagdurusa—ito ri’y lumilikha ng koneksyon sa pagitan ng mga tao.
Sinamahan ni Aisha Ibrahim ang kanyang ina sa isang mobile clinic sa Atam na pinatatakbo ng Doctors Without Borders para sa mga refugee na tumatakas mula sa digmaan sa Sudan.
Renk county, South Sudan, Enero 2025. © Paula Casado Aguirregabiria/MSF
Tatlong araw pagkatapos pairalin ang ceasefire, nililinis ng mga kalalakihan ang mga labi ng pagguho sa loob ng Emirati Hospital sa Rafah. Pagkatapos ng 15 na buwan ng pakikidigma ng Israel sa Gaza, sinusubukan ng mga Palestinong nawalan ng tirahan na bumalik sa kanilang sariling bayan at muling itayo ang Rafah, na naiwang guho.
Gaza Strip, Palestine, Enero 2025. © MSF
Ito’y isang kuha mula sa himpapawid ng mga solar panel na ikinabit sa Zurmi General Hospital. Ang mga solar panel ay hindi lamang nakababawas sa pagsalalay ng ospital sa mga fuel at sa kanilang carbon footprint. Ito rin ay nakababawas sa ingay na maririnig sa paligid ng ospital, na makabubuti para sa mga pasyente at mga staff.
Zamfara state, Nigeria, Pebrero 2025. © Isaac Buay/MSF
Kinakausap ng isang health promotion team ng Doctors Without Borders ang mga taong nakatira sa barangay ng Mondumil, bilang bahagi ng isang estratehiya upang palakasin ang pangangalagang pangkalusugan para sa mga survivor ng karahasan.
Jiwaka province, Papua New Guinea, Pebrero 2025. © Sophie McNamara/MSF
Isang bagong silang na sanggol ang nakatatanggap ng pangangalaga sa neonatal intensive care unit ng Al-Salam Hospital.
Khamer, Yemen, Abril 2025. © Charlotte Sujobert/MSF
Ipinapakita ni Dr. Samar Ismaiel ang mga prosthetic na ginamit para sa mga pasyenteng nagpapagaling sa Reconstructive Surgery Hospital sa Amman.
Jordan, Abril 2025 © Chrysoula Patsou/MSF
Isang monasteryong itinayo sa mga haliging nasa tubig ng Lake Inle ang gumuho matapos ang 7.7 magnitude na paglindol noong Marso 28.
Shan state, Myanmar, Abril 2025.
Dala-dala ng isang pamilya ang kanilang mga pag-aari dahil napilitan silang iwan ang kanilang tahanan, sanhi ng mga kasalukuyang sagupaan sa paligid ng Tawila.
Darfur, Sudan, Abril 2025. © Jérôme Tubiana
Sinusuri nina Aminata Koroma (nasa kaliwa) at Momoh Sao (nasa gitna) ang 6 na buwang sanggol na si Ogar Boima, habang nagmamasid ang ina nito na si Fatmata Gbassay (nasa kanan) sa emergency room ng Mother and Child Hospital ng Doctors Without Borders sa distrito ng Kenema.
Sierra Leone, Mayo 2025. © Noor Ahmad Saleem/MSF
Isang babaeng pasyente ang nasa pagitan ng mga tolda na itinayo upang gamutin ang mga biktima at survivor ng karahasang sekswal at magbigay ng pangangalaga para sa mga isyu kaugnay ng kalusugan ng mga kababaihan sa Mugunga 3 health centre sa Goma.
North Kivu province, Democratic Republic of Congo, Hulyo 2025. © Jospin Mwisha
Si Ershadullah, isang refugee na Rohingya na tumakas mula sa Myanmar noong 2017, ay sumisilong sa ilalim ng isang payong habang malakas ang buhos ng ulan sa isang water point ng Doctors Without Borders sa refugee camp ng Kutupalong.
Cox’s Bazar, Bangladesh, Mayo 2025. © Ante Bussmann/MSF
Si Nadia Ishfaq Nahvi, isang mental health supervisor ng Doctors Without Borders ay nangongolekta at nagpepreserba ng mga bulaklak upang makalikha ng mga artistic collage. Ang pagbibigay ng atensyon sa kagandahan at sa pagpapanatili nito ay sumasalamin sa kanyang pamamaraan ng paggamot ng kanyang mga pasyente—nakikita niya ang halaga ng mga katangiang maaaring ipagwalang-bahala ng iba at tumutulong sa pagpapanatili at pagpapatatag ng anumang naroon na.
Kashmir, India, Mayo 2025. © Deepak Bhatia/MSF
Itinatago ni Amina (nasa kanan) ang kanyang pagtawa habang nakaupo siya sa tabi ng kanyang ina sa Bay Regional Hospital, kung saan siya ay regular na ginagawan ng check-up para sa sakit niyang type 1 diabetes.
Baidoa, Somalia, Hunyo 2025. © Hareth Mohammed/MSF
Sa mobile clinic na ito, isang staff ng Doctors Without Borders ang nagbibigay ng konsultasyon sa isang babaeng nawalan ng tirahan. Ang mga taong mula sa mga lugar na nasa frontline ay namamalagi ng ilang araw sa isang transit centre para sa mga internally displaced people (IDP) sa rehiyon ng Dnipropetrovsk, at pagkatapos ay lilikas sila papunta sa kanluran. Ang mga team ng Doctors Without Borders ay bumibisita roon ng dalawang beses sa isang linggo, at nagbibigay ng mga konsultasyon para sa mga talamak na sakit, mga sugat mula sa pakikidigma, at mga pangangailangan para sa kalusugang pangkaisipan.
Dnipro, Ukraine, Hulyo 2025. © Julien Dewarichet/MSF
Susuportahan mo ba ang aming emergency response?
Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.
Sa paediatric ward ng El Geneina Teaching Hospital, isinasali ang mga bata sa isang mental health support session kung saan gumagamit ng mga lobo at laruan, na nagbibigay ng mga bihirang sandali ng kaligayahan sa mga batang pasyente at sa kanilang mga pamilyang nawalan ng tirahan at nakararanas ng trauma mula sa digmaan.
El Geneina, West Darfur, Sudan, Hulyo 2025. © Moises Saman/Magnum Photos
Nagkakabit ng tangke ng tubig ang staff ng Doctors Without Borders at ang mga miyembro ng komunidad sa kampo ng TVET para sa mga taong nawalan ng tirahan sa Sheraro, sa rehiyon ng Tigray. Libo-libong mga tao ang nawalan ng tirahan at ang buhay sa rehiyon ay lubhang nagambala ng dalawang taong digmaan, na nagsimula noong Nobyembre 2020.
Tigray region, Ethiopia, Hulyo 2025. © Roza Bekele/MSF
Nagsasagawa ng kauterisasyon ang mga surgeon sa Rutshuru General Reference Hospital sa sugat ng isang kabataang nabaril.
Democratic Republic of Congo, Agosto 2025. © Sam Bradpiece/MSF
Habang nagaganap ang UN General Assembly, ang staff at mga tagasuporta ng Doctors Without Borders ay nagtipon-tipon sa harap ng UN Headquarters sa New York upang manawagan sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa na kumilos at wakasan ang paglipol ng lahi sa Gaza.
New York, USA, Setyembre 2025. © Jason DeCrow/The Associated Press
Tinitiyak ng staff ng Doctors Without Borders kung tama ang mga detalye kaugnay ng pamamahagi ng pagkain at mga hygiene kit sa Adré.
Chad, Setyembre 2025. © Léa Gillabert/MSF
Ipinapakita ni Rose Muthami ang kanyang mga peklat pagkatapos ng kanyang matagumpay na paggamot para sa mpox.
Mombasa, Kenya, Setyembre 2025. © Zainab Mohammed/MSF
Karga ng isang miyembro ng health promotion team ng Doctors Without Borders si Zahraa, isang batang nakatatanggap ng pangangalaga sa Al-Mahdi health centre sa Sadr City. Kasama sa trabaho ng team ang pag-angat ng kamalayan at ang pagsasagawa ng screening para sa tuberculosis sa mga pamilya sa komunidad.
Baghdad, Iraq, Setyembre 2025. © Deniz Fahmi/MSF
Sa labas ng Nasser Hospital, nagtipon-tipon ang mga tao, kabilang ang mga staff ng Doctors Without Borders upang magdasal habang ang labi ni Abed El Hameed Qaradaya ay ipinapasok sa ambulansya na magdadala sa kanya sa sementeryo kung saan siya ililibing. Si Abed, na 18 na taon nang staff member ng Doctors Without Borders at physiotherapy activity manager sa Gaza, ay pinatay kasabay ng isa pa niyang kasamahan sa Doctors Without Borders, si Omar Hayek. Sinalakay sila ng mga puwersang Israeli sa kalye kung saan naghihintay sila ng bus na magdadala sa kanila sa trabaho. Sina Omar at Abed ang ika-14 at ika-15 na staff ng Doctors Without Borders na nasawi sa Gaza mula noong Oktubre 2023.
Gaza Strip, Palestine, Oktubre 2025. © Nour Alsaqqa/MSF
Karga ni Bassel ang kanyang mga anak, sina Mohammed, siyam na buwan at Ibrahim, 2.5 na taong gulang, habang minamasahe ng kanyang asawa ang kanyang putol na binti upang mabigyan siya ng kaunting ginhawa mula sa phantom limb pain. Nakatira ang pamilya sa isang tolda sa Al-Mawasi, Khan Younis, matapos silang tumakas mula sa kanilang tahanan sa Rafah. Naputulan ng binti si Bassel matapos siyang mabaril ilang buwan pa lang ang nakararaan, habang sinusubukan niyang makakuha ng aid sa isang distribution point.
Gaza Strip, Palestine, Oktubre 2025. © Motasem Abu Aser/MSF
Dumadaan ang mga sasakyan ng Doctors Without Borders sa mga gumuhong lupa at maputik na kalsada upang makarating sa mga liblib na komunidad sa mga bundok ng Hidalgo.
Mexico, Oktubre 2025. © Carlos Aguilar/MSF
Isang grupo ng 27 na taong nalagay sa panganib sa dagat ang sinagip ng team ng Doctors Without Borders, at isinakay sa aming bagong search and rescue vessel, ang Oyvon. Kinaumagahan, lahat sila’y nakababa nang ligtas sa Lampedusa, Italy.
Mediterranean Sea, Nobyembre 2025. © MSF
Tumulong ngayon!
Ang inyong pagkabukas-palad ay nakakatulong sa amin na maipagpatuloy ang aming mahalagang gawain. Mag-donate ngayon at tulungan kaming magdala ng pag-asa sa mga nangangailangan.