Skip to main content

    Lindol sa Haiti

    A house destroyed by the earthquake on the morning of August 14 near the MSF sexual and reproductive health project in Port-à-Piment, in Haiti's Sud department.

    Bahay na nasira noong lindol noong ika-14 ng Agosto, malapit sa proyekto ng Doctors Without Borders sa Port-à-Piment, sa Sud department ng Haiti. © Souchet Hippolyte/MSF

    Ang provisional death toll ay hindi bababa sa 724, ayon sa Office for Civil Protection ng Haiti, at mahigit 2800 na tao ang nasaktan (batay sa tala hanggang Agosto 15).  Ang mga bilang na ito ay inaasahang magbabago  sa mga darating na oras o araw,habang marami sa mga munisipalidad sa mga  apektadong lugar ay nananatiling nakabukod mula sa ibang bahagi ng bansa.

    Sa mga istruktura naman, 7,369 na bahay ang nawasak at 4,852 naman ang nagtamo ng pinsala sa tatlong pinakanaapektuhan na probinsiya (Sud, Grand ’Anse at Nippes) ayon sa  Office for Civil Protection ng Haiti (tala hanggang Agosto 15). Maraming pampublikong gusali tulad ng mga ospital, paaralan, otel, simbahan, at mga pribadong kumpanya ang  nasira o gumuho.  May ilang ospital na nasira, may gumuho. May mga ospital na kinailangang ilipat ang kanilang mga pasyente. Nasasagad na ang ilang mga pasilidad, at nakararanas na ang mga ito ng kakulangan ng medical equipment at ng gamot.  

    Noong Agosto 14, muling niyanig ang Haiti ng mga aftershocks at pagguho ng lupa , na naging sanhi ng karagdagang pinsala.

    Ang isa pang inaalala ng lahat ay ang paparating na bagyong Grace, na inaasahang tatama sa Haiti sa Lunes, ika-16 ng Agosto 2021. Ayon sa mga datos ukol sa panahon, inaasahang bubuhos ang 10-18 cm.ng ulan sa isla,at maaaring umabot ito sa 25 cm. sa ilang lugar. Ang probinsiya ng Sud-Est, at ang tatlong probinsiyang pinakanaapektuhan ng lindol ay nasa dadaanan ng bagyo.

    An MSF emergency team travels from Port-au-Prince to Grand Anse in helicopter with medical and humanitarian supplies.

    Ang emergency team ng Doctors Without Borders ay lumpiad mula Port-au-Prince papuntang Grand Anse sakay ang isang helicopter kasama ang medical at humanitarian supplies. © MSF

    Tugon ng Doctors Without Borders sa Mga Probinsiya ng Grand’Anse, Nippes at Sud 

    Sa mga unang oras pagkatapos ng lindol, nagsimula na sa pagtulong sa mga nasaktan sa probinsiya ng Sud ang Doctors Without Borders team na nakabase sa Port-à-Piment, at ang isang emergency medical team mula sa Port-au-Prince. Nagtamo rin ng pinsala ang ospital sa Port-à-Piment kung saan nagpapatakbo ang Doctors Without Borders ng sexual and reproductive health (SRH) project. Ang mga pasyente mula rito, na karamiha’y nangangailangan ng maternity services, ay inilipat sa isang tolda kung saan patuloy silang binibigyan ng pangangalaga ng Doctors Without Borders. Sa Port-à-Piment, ginagamot din ng Doctors Without Borders ang mga nasaktan dahil sa lindol.

    Sa Port-Salut, ang Doctors Without Borders team ay tumanggap ng di bababa sa 16 na pasyenteng sugatan, o di kaya’y nabalian. Kasama rito ang mga pasyenteng isinangguni mula sa Port-à-Piment at Les Cayes. Ang Doctors Without Borders at ang mga katuwang nito ay nagbibigay ng pangangalaga sa mga nasugatan, at ng surgical at follow-up care. 

    Sa Les Cayes, isang Doctors Without Borders team ang nagbibigay ng suporta sa pamamagitan ng paglaan ng medical supplies at human resources sa general hospital. 

    Nagsasagawa ang Doctors Without Borders ng pagtatasa sa mas liblib na pook, ang Les Anglais. Dinadala rin nila ang mga pasyente mula sa Les Anglais sa  Port-a-Piment at sa ibang mga lugar. Sa ngayon, hindi pa makapagbiyahe nang dire-diretso hanggang sa Les Anglais. Kailangan pang magpalipat-lipat ang pasyente ng sasakyan, kaya’t nagiging mas mahirap ang biyahe. 

    May isang team na dumating noong Agosto 15 sa Nippes. Doo’y binisita nila ang Sainte-Thérèse hospital sa Miragoane, na nakatanggap ng 59 na sugatan. Nagbigay ang Doctors Without Borders ng mga donasyon, at nagpadala rin sila ng isang surgeon at isang nars na makapagbibigay ng suportang medikal. May isa pang team na nagtatasa ng sitwasyon sa Baradères at Petit Trou sa Nippes, na naiulat na lubhang naapektuhan. 

    Nagpadala rin ang Doctors Without Borders ng emergency supplies (first aid kits, mga tolda para sa emergency clinics, mga kagamitan para sa blood transfusion at plastering, at mga gamot) mula sa Port-au-Prince hanggang sa Sud. May mga daan, tulad ng daan mula Les Cayes papuntang Jérémie, na nagtamo ng matinding pinsala, kung kaya't mas mahirap ang pagpadala ng tulong. May isang team ng Doctors Without Borders, kasama ang dalawang surgeon at isang operating room nurse, na nakapagdala ng medical supplies sa Jeremie noong ika-15 ng Agosto, at nagsimulang magtrabaho sa ospital sa bayan.

    Balak ng Doctors Without Borders na palakasin pa ang kanilang pagtulong sa susunod na araw sa pamamagitan ng pagpapadala ng mas maraming medical teams na may kasamang mga surgeons. Naghahanda ang Doctors Without Borders na magpadala ng medical at emergency supplies mula sa ibang bansa. Isa sa panggagalingan nito ang Brussels, kung saan dalawang cargo planes ang inaasahang lilipad patungong Haiti.

    Blood collection in Port-au-Prince

    Mabilis tumugon ang mga volunteer sa panawagan ng Doctors Without Borders para sa mga donasyon ng dugo noong ika-14 ng Agosto, para makatulong sa mga nasugatan noong lindol. © MSF

    Sa Port-au-Prince

    Ang aming trauma hospital sa Tabarre ay nagagamit din para sa paggamot ng mga nasaktan. Noong Agosto 14, 6 na nasaktan mula sa timog ang tinanggap sa pasilidad na ito.

    Upang maagapan ang maaaring kakulangan ng dugong maisasalin sa mangangailangan nito, naglunsad ang Doctors Without Borders ng blood collection campaign sa Turgeau noong Agosto 14, sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad. Noong Agosto 15, nagsimula ang Doctors Without Borders sa pagbigay ng stabilization care sa isang bagong emergency centre sa pamayanang Turgeau sa Port-au-Prince

    Mahigit 30 taon na ang Doctors Without Borders sa Haiti. Patuloy ang aming mga regular na ginagawa, at kasama rito ang aming pagbibigay serbisyo sa Tabarre Hospital sa Port-au-Prince, kung saan ginagamot ng Doctors Without Borders ang mga lubhang nasunog na pasyente, at mga taong may mga sakit na nakamamatay. Nagbibigay rin ang Doctors Without Borders ng maternal at sexual and reproductive health care sa Port-a-Piment, na nasa Sud province.  Amin ding ginagamot ang mga biktima ng sexual at gender-based violence sa Port-au-Prince at Gonaïves. Pagkatapos ng mahigit 15 na taon, napilitan ang Doctors Without Borders na isara ang emergency center nito sa Martissant, Port-au-Prince, pagkatapos ng pamamaril ng isang armadong grupo sa pasilidad noong Hunyo 26, na naglagay sa medical staff at mga pasyente sa panganib. Noong simula rin ng taong ito, napilitan ang Doctors Without Borders na ilipat ang burns hospital nito sa Tabarre mula sa Drouillard dahil sa banta sa seguridad.

    Categories