Lindol sa Afghanistan: Nagpadala ang Doctors Without Borders ng teams sa mga pinaka-apektadong lugar
© iAko M. Randrianarivelo/Mira Photo
Kasunod ng lindol na yumanig sa mga probinsiya ng Khost at Paktika sa Afghanistan noong gabi ng Hunyo 21 hanggang Hunyo 22, nagpadala ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) ng mga team na kinabibilangan ng mga medical at logistical staff sa mga lugar kung saan pinakamalubha ang pinsala. Daan-daang tao ang ipinagpapalagay na nasawi, mahigit isang libo ang nasugatan, at maraming tirahan ang nawasak o di kaya’y nagkandasira.
Sa Bermal sa probinsiya ng Paktika, nagtayo ang Doctors Without Borders ng klinikang bukas 24 oras. Sa klinikang ito, kung saan may walong kama, inaalagaan ang mga pasyente hanggang nasa tamang kondisyon na sila upang maisangguni sa ibang pasilidad para sa karagdagang paggamot. Sinusuportahan din namin ang mga outpatient activities, at meron kaming psychological counsellor na nagbibigay ng psychological first aid sa mga survivor. May surgical staff at komadrona ring umalis mula sa Khost noong Sabado upang magbigay ng karagdagang suporta sa team.
Ang mga pasilidad pangkalusugan sa Gayan at Bermal ay binigyan ng mga donasyon ng medical supplies at mga tolda,at naghahanap din kami ng mga solusyon upang matiyak na ang mga tao’y may tubig na ligtas inumin, at na malilinisan nang mabuti ang mga pasilidad pangkalusugan.
“Sa mga unang araw pagkatapos ng isang lindol, ang mga trauma injuries tulad ng mga baling buto at mga sugat ang pinakamalaking problema, pero ngayon, ang mga pangunahing inaaalala na namin ay ang dehydration at diarrhea, sanhi ng kakulangan ng malinis na tubig," sabi ni José Mas, Emergency Coordinator ng Doctors Without Borders.