Skip to main content

    Afghanistan: Tumutugon ang Doctors Without Borders sa mga paglindol sa Herat

    Afghanistan: Doctors Without Borders is responding to earthquakes in Herat

    Afghanistan, 2023. © MSF

    Sa kanlurang rehiyon, sinusuportahan ng Doctors Without Borders ang Herat Regional Hospital at pinangangasiwaan ang paediatric section nito. Kabilang rito ang triage, emergency room, inpatient therapeutic feeding centre (ITFC), paediatric ICU, intermediate care unit at ang ambulatory (outpatient) therapeutic feeding centre (ATFC).

    “Nang nangyari ang unang lindol kaninang umaga, humangos ang aming mga team upang ilipat lahat ng mga batang pasyente, na ang karamihan ay nasa kritikal na kondisyon, mula sa paediatric inpatient wards ng Herat Regional Hospital. Ang mga ward na ito ay pinapatakbo ng Doctors Without Borders, at ang paglipat sa mga pasyente ay pag-iingat lamang sakaling mapinsala ang gusali ng mga aftershock. Hindi naman naapektuhan ang pasilidad ng lindol,” sabi ni Lisa Macheiner, ang Project Coordinator ng Doctors Without Borders sa Herat.

    “Sa emergency room ng ospital, kasalukuyang inaasikaso ng Ministry of Public Health (MoPH) ang lahat ng mga dumadating na sugatan, at humihiling silang mabigyan ng supplementary medical supplies. Bilang tugon,nagpadala kami ng mass casualty kits na maaaring gamitin upang gumamot ng hanggang 400 na sugatang pasyente. Nagtalaga rin kami ng isang medical team sa emergency room ng ospital upang magbigay ng suporta kung kinakailangan. Habang patuloy ang search and rescue efforts sa mga apektadong lugar, sinusubaybayan namin ang sitwasyon at handa kaming gumawa ng mga pagbabago sa aming pagtugon ayon sa pangangailangan.”

    Bilang paghahanda sa maaaring karagdagang pangangailangan, nagtayo ang Doctors Without Borders ng limang tolda sa loob ng hospital compound na may kapasidad para sa hanggang 80 na pasyente.

     

    Susuportahan mo ba ang aming emergency response?

    Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency--tulad ng sa Afghanistan--sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.