Skip to main content

    Kinokondena ng MSF ang brutal at sinadyang pagpatay sa dalawang empleyado nila sa Burkina Faso

    MSF flag. © Valérie Batselaere/MSF

    Noong umaga ng Pebrero 8, isang sasakyan ng Doctors Without Borders, na may pangalang malinaw na tumutukoy rito bilang pag-aari ng organisasyon, lulan ang isang medical team ng apat na katao ay pinuntirya ng mga armadong kalalakihan. Habang binabaybay nila ang daan sa pagitan ng Dédougou at Tougan ay pinagbabaril ang mga pasahero. Dalawang empleyado ang namatay habang nakatakas naman ang iba. 

    Ang dalawang biktima ay parehong taga-Burkina Faso. Ang isa ay kinuha bilang drayber ng Doctors Without Borders noong Hulyo 2021, at ang isa nama’y logistics supervisor mula noong Hunyo 2020.  Pumanaw sila sa edad na 39 at 35, ayon sa pagkakabanggit. 

    "Ang pagpaslang na ito ay aming ikinabigla at ikinagalit. Isa itong sinadyang pagsalakay sa isang team na kilala bilang humanitarian, habang ginagawa nila ang trabahong medikal," paliwanag ni Dr Isabelle Defourny, presidente ng Doctors Without Borders. "Prayoridad namin ang pagbibigay ng suporta sa aming mga kasamahang nakatakas, at maging sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay. Kakausapin din namin ang lahat ng mga apektado upang maintindihan ang nangyari."
    Dr Isabelle Defourny, President of MSF

    Sinuspinde ng Doctors Without Borders ang lahat ng mga aktibidad ng organisasyon sa rehiyon ng Boucle du Mouhoun habang di pa nila lubusang nauunawaan ang trahedyang ito.

    Sa unang pagkakataon, hinaharap ng Burkina Faso ang isang krisis na politikal, krisis sa seguridad, at krisis na humanitarian, na nagiging sanhi ng pagkawala ng tirahan ng halos dalawang milyong tao pagkatapos ng mga insidente ng karahasan at tunggalian sa pagitan ng mga armadong grupo at mga puwersa ng gobyerno. 

    Mula Hulyo hanggang Disyembre 2022, ang mga Doctors Without Borders team sa Burkina Faso, na nagtatrabaho sa apat na rehiyon sa bansa, ay nagbigay ng halos 400,000 primary health consultations at tumulong sa pagpapaanak ng halos 4,300 babae.  

    Categories