Skip to main content
SA KASALUKUYAN Ebola sa DRC: Doctors Without Borders, pinalalaki ang pagtugon sa mabilis na nagbabagong anyo ng outbreak Magbasa pa
    SA KASALUKUYAN

    Huling binago noong Marso 25, 2026

    Nababahala ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa matinding paglala ng hidwaan sa Middle East, matapos salakayin ng mga puwersa ng US at ng Israel ang Iran, at ang kasunod na paghiganti ng Iran sa rehiyon. 

    Sa buong Middle East, ang paglala ng hidwaan ay nakapagpapatindi ng takot at kawalan ng seguridad na nararamdaman ng milyon-milyong tao. Kabilang rito ang mga nakatira sa Lebanon, Iran, at sa mga bansa sa Golpo. Patuloy ang pagbobomba sa mga lungsod at mga barangay, at kadalasa’y ang pinakanaaapektuhan ng mga ito ay ang mga matataong lugar, kung saan maraming nasasaktan o namamatay, at daan-daang libo ang napipilitang lumikas. Nananawagan ang Doctors Without Borders para sa proteksyon ng mga sibilyan, pati na rin ang mga ospital, mga pasilidad pangkalusugan, at iba pang mahahalagang imprastraktura.

    Ang mga pinakanaapektuhang bansa ay ang Iran at ang Lebanon, kung saan ang kasalukuyang mga labanan at mga airstrike ay nagtutulak sa mga taong lisanin ang kanilang mga tahanan at pinararami ang mga pangangailangang medikal at humanitarian. 

    Ang pagtindi ng hidwaan ay nakaaapekto sa mga pagkilos na humanitarian

    Ang mga tensyon sa rehiyon ay naglilikha ng  lalong nagiging mapanganib at nahahadlangang kapaligiran para sa pagkilos ng Doctors Without Borders sa buong Lebanon, Yemen, Iraq, Iran, Jordan, Palestine, at Syria bagama’t ang antas at uri ng mga epekto nito ay magkakaiba sa bawat bansa. Sa pangkalahatan, ang pagsasara ng mga airspace at ang pag-igting ng mga panganib sa seguridad ay nakahahadlang sa mga pagkilos ng staff, nakaaantala sa mga paglikas na medikal, at nakagagambala sa mga aktibidad. Kasabay nito, ang kawalan ng katatagan sa paligid ng Strait of Hormuz ay nakadadagdag sa mga suliranin sa lohistika at sa mga ruta para sa supply. Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga supply chain, nakadadagdag sa panganib ng kakulangan ng mga kritikal na medical supplies, pinatataas nito ang mga presyo ng fuel, at nagdudulot ng kumplikasyon sa transportasyong panghimpapawid o pandagat.

    Paano tumutugon ang Doctors Without Borders sa hidwaan? 

    Kumikilos ang mga team ng Doctors Without Borders sa buong rehiyon, at may mga emergency team na nakatalaga sa Lebanon at Iraq. Kabilang sa mga hakbang sa paghahanda ang contingency planning, masusing pagsubaybay sa sitwasyon, maagang paglalagay ng medical supplies, at pagpapadala ng mga mobile service upang tugunan ang mga dumaraming pangangailangan. Upang pagaanin ang epekto ng mga pagkagambala, iniba ang mga ruta at gumamit ng mga alternatibong daanan para sa mga supply. Sa kabila ng pagtaas ng gastusin, sinimulan na ang mga pagsisikap na makahanap ng ibang uri ng transportasyon upang matiyak na maipagpapatuloy ang mga medikal na aktibidad. Mula noong Pebrero 28, nakapagpadala na ang Doctors Without Borders ng 42 na tonelada ng medical supplies sa mga bansa sa Middle East, tulad ng Iraq, Iran, Lebanon, Palestine, Syria, at Yemen. 

    Lebanon

    Naglunsad ang Doctors Without Borders ng isang pambansang emergency response, kung saan sila’y naghahatid ng malawakang pamamahagi ng mga materyales para sa pagpapatayo ng mga masisilungan, tubig, at mahahalagang kagamitan sa daan-daang libong mga taong nawalan ng tirahan, habang ginagawa naming angkop ang aming mga aktibidad upang mapanatili ang aming pagbibigay ng pangangalaga at masuportahan ang mga pasilidad pangkalusugan na tumatanggap ng mga  sugatan sa digmaan. 

    Nagtalaga ang mga team ng mga mobile clinic sa iba’ ibang mga rehiyon tulad ng Beirut, Mount Lebanon, Bekaa, Baalbek-Hermel, at Akkar upang makapagbigay ng mga konsultasyong medikal at psychological first aid. Ang aming mga mobile medical unit ay tumatakbo sa  23 na lugar, kasabay ng dalawang klinika. Kapag pinagsama-sama, nakapagsagawa na sila ng 21,821 na mga konsultasyong medikal, 4,465 na konsultasyon kaugnay ng sexual at reproductive health, at 17,700 na mga konsultasyon para sa kalusugang pangkaisipan.   

    Naglunsad din ang Doctors Without Borders ng lokal na telemedicine service. Sa serbisyong ito, nakatatanggap ang mga pasyente ng mga gamot sa pamamagitan ng ambulatory delivery system, at maaari pa silang kumuha ng kasunod na konsultasyon sa aming mga doktor sa telepono lamang. 

    Dagdag pa rito, ang mga team ng Doctors Without Borders ay nagbigay ng mga mass casualty kit sa ilang mga ospital sa Lebanon. Kabilang sa mga karagdagang hakbang na ginawa ay ang paghahatid ng tubig gamit ang aming mga trak, pamamahagi ng mga non-food item, at suporta para sa mga masisilungan na tumatanggap ng mga taong nawalan ng tirahan. Nakipag-ugnayan din kami sa mga awtoridad sa kalusugan upang makapagbigay kami ng karagdagang suporta kung kinakailangan. 

    Bagama't marami sa aming mga kasamahan ang personal na naapektuhan o nawalan ng tirahan, nananatiling naninindigan ang aming mga team na patuloy silang tutugon sa mga pangangailangan ng mga tao. 

    Iran

    Nananatiling handa ang mga klinika ng Doctors Without Borders na tumugon sa mga bago, at patuloy na nagbabagong mga emergency. Sa ngayon, ang mga programa ng Doctors Without Borders ay nakatuon sa pagsuporta sa mga mahihinang populasyon. Inaasahang magbubukas muli ang Doctors Without Borders ng isang klinikang may partikular na kadalubhasaan sa Tehran matapos itong makakuha ng awtorisasyon noong kalagitnaan ng Marso upang palakasin ang suporta sa mga lokal na sistemang pangkalusugan na tumutugon sa mga pangangailangang kaugnay ng hidwaan. Nagbigay na ang Doctors Without Borders ng mga pangunahing donasyon at handa itong magdagdag ng suporta kung kinakailangan. Ang mga pangunahing donasyon ay naihatid na sa pambansang emergency response, at handa kaming magbigay ng mas malaki kung kinakailangan. 

    Iraq

    Nakatuon ang Doctors Without Borders sa mga hakbang sa paghahanda, partikular na sa pagpaplano para sa posibleng pagdating ng mga tao mula sa Iran. Ang emergency contingency planning at ang paghahandang medikal ay binubuo upang makatugon agad sakaling kailangang lumikas.

    Syria

    Masusing pinag-aaralan ng mga team ng Doctors Without Borders ang sitwasyon at nagsasagawa sila ng mga pagtatasa sa mga hangganang malapit sa Homs at Rural Damascus upang maunawaan ang mga pangangailangan ng mga bumabalik mula sa Lebanon. Ang mga pagtatasang ito ay mahalaga upang matukoy ng Doctors Without Borders ang mga posibleng puwang sa pagtulong at makapaghanda para sa pag-aangkop o pagpapalaki ng mga pagkilos kapag lumala ang sitwasyon.

    Yemen

    Patuloy na kumikilos ang Doctors Without Borders habang masusi nilang sinusubaybayan ang nagbabagong sitwasyon at iniaangkop ang kanilang mga hakbang sa paghahanda. Pinapaigting ng mga team ang pagpaplano para sa anumang kaganapan, kabilang ang updating ng supply stock at pag-aaral ng mga plano para sa pagpapanatili sa ligtas na lugar at para sa paglikas. Bagama't walang agarang epekto na nakita sa ilang mga lugar, nananatiling mapagmasid ang Doctors Without Borders at handang tumugon sa anumang pagbabago. Kasabay nito, upang pagaanin ang epekto ng mga pagkagambala sa supply chain, gumamit ng mga alternatibong daanan para sa transportasyon sa kabila ng pagtaas ng gastusin, upang matiyak na maipagpapatuloy ang mga medikal na aktibidad.

    Palestine

    Ang mga team ng Doctors Without Borders ay nakatuon sa pagpapanatili ng mga aktibidad sa Gaza.

    Jordan

    Hindi pa nasisimulan ng Doctors Without Borders ang isang partikular na emergency response ngunit patuloy pa rin ang masusing pagsubaybay sa kasalukuyang nangyayari at maaaring gumawa ng mga karagdagang hakbang kung lumala ang sitwasyon.

    Sa ibang mga lugar

    Dagdag pa rito, ang mga team ng Doctors Without Borders ay ilang linggo nang nasa Kurdistan Region of Iraq (KRI) at Armenia, naghahanda ng mga pagtugon para sa iba’t ibang sitwasyon, kabilang rito ang pagkawala ng tirahan at mga pangyayaring nagdudulot ng maraming mga biktima. Ang aming mga emergency cell ay ginagamit upang matiyak ang mabilis na koordinasyon at pagtugon. Mula noong Pebrero 28, ang Doctors Without Borders ay nakapagpadala na ng 42 na tonelada ng medical supplies sa mga bansa sa Middle East, kabilang rito ang Iraq, Lebanon, Palestine, Syria, at Yemen. Ang isang team ng Doctors Without Borders ay kasalukuyang nakatalaga sa hangganan ng Iran sa Turkey upang tasahan ang mga pangangailangang humanitarian. Sa yugtong ito, wala pang pangunahing pangangailangan ang natutukoy.

    Latest Updates

    Lebanon: Hindi makakuha ang mga tao ng pangangalaga habang tumitindi ang mga pagsalakay ng mga Israeli
    Lebanon: Hindi makakuha ang mga tao ng pangangalaga habang tumitindi ang mga pagsalakay ng mga Israeli
    Beirut, Lebanon, Marso24,2026 –ApatnalinggongpinakahulingpagtindinglabanansaLebanon,angkasalukuyangpagbobombangIsraelat angkasunodnitongpuwersahangpag...
    Lebanon: Nahaharap ang mga pamilya sa kawalan ng katiyakan sa ilalim ng mga pagbobomba at mga bagong kautusan sa paglikas
    Lebanon: Nahaharap ang mga pamilya sa kawalan ng katiyakan sa ilalim ng mga pagbobomba at mga bagong kautusan sa paglikas
    Saloobngwalapangdalawanglinggo,mahigit800,000nataoangnapilitangiwan angkanilangmgatahananatmgabayansaLebanon,dahilsawalangpatidnapagbobombangmgaIsrael...
    Lebanon: Pinalalaki ng MSF ang pagtugon habang dumarami ang pagkawala ng mga tirahan sa buong bansa
    Lebanon: Pinalalaki ng MSF ang pagtugon habang dumarami ang pagkawala ng mga tirahan sa buong bansa
    Beirut, Marso7, 2026 –MabilisnaginawangangkopngmgateamngMédecins Sans Frontières (MSF)sabuongLebanonangkanilangmgaaktibidadupangmatugunanangmgaumuusbo...
    Umiigting na hidwaan sa buong rehiyon ng Middle East:  Ginagawang akma ng Médecins Sans Frontières ang mga programa nito at naghahanda sa pagpapalaki ng pagtugon sa mga umuusbong na pangangailangan
    Umiigting na hidwaan sa buong rehiyon ng Middle East: Ginagawang akma ng Médecins Sans Frontières ang mga programa nito at naghahanda sa pagpapalaki ng pagtugon sa mga umuusbong na pangangailangan
    Nananawaganang MSF parasaproteksyonngmgasibilyan,mgaospital,mgapasilidadpangkalusugan, atmgamahahalagangimprastrakturasalahat ngoras.

    Ang mga regular na aktibidad ng Doctors Without Borders sa Middle East 

    Ang Doctors Without Borders ay nagpapatakbo ng isang malawak na sistema ng mga medikal at humanitarian na mga aktibidad sa Middle East, nagbibigay ng mahahalagang pangangalagang pangkalusugan sa mga mahihinang populasyon na apektado ng hidwaan, kawalan ng tirahan, at limitadong mapagkukunan ng mga serbisyo. Sa buong rehiyon, ang aming mga team ay naghahatid ng iba’t ibang mga serbisyo tulad ng pangunahin at sekundaryang pangangalagang pangkalusugan, surgical care, maternal at mga paediatric service, suporta para sa kalusugang pangkaisipan, paggamot para sa mga talamak na sakit, at mga interbensyon kaugnay ng water and sanitation. Nagtatrabaho kami sa mga ospital, mga sentro para sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan, mga mobile clinic, at makikipagtulungan sa mga lokal na awtoridad pangkalusugan upang maabot ang mga komunidad na nangangailangan. 

    Iran

    Nagpapatakbo ang Doctors Without Borders ng mga proyekto sa South Tehran, Mashhad, at sa probinsiya ng Kerman, nang nakatuon sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan para sa mga populasyong nasa laylayan ng lipunan, partikular na para sa mga refugee na Afghan na nahaharap sa mga balakid sa pagkuha ng mga serbisyong pangkalusugan. Kabilang sa mga aktibidad ang mga konsultasyong medikal at pagkonsulta sa komadrona, pagsagawa ng screening at paggamot para sa mga nakahahawang sakit tulad ng hepatitis C, suporta para sa kalusugang pangkaisipan, at paggamot ng mga talamak na sakit.  

    Jordan

    Sa Amman-Jordan, ang matagal nang naitatag na Reconstructive Surgery Programme ay nagbibigay ng complex surgical care, rehabilitasyon, at suporta para sa kalusugang pangkaisipan ng mga pasyenteng nagtamo ng pinsala dahil sa digmaan sa buong rehiyon.

    Iraq

    Nagpapatakbo ang Doctors Without Borders ng mga proyekto sa Mosul at Baghdad, naghahatid ng mga serbisyo tulad ng maternity care, paediatrics, neonatology, mga outpatient consultation, suporta para sa kalusugang pangkaisipan at para sa tuberculosis, at mga serbisyo para sa kalusugan ng mga kababaihan.

    Lebanon

    Ang mga aktibidad ng Doctors Without Borders ay isinasagawa sa ilang mga rehiyon, kabilang ang Beirut, Tripoli, Baalbek-Hermel, Saida, South Lebanon, at Nabatiyeh, sa pamamagitan ng mga standalone clinic, mga mobile medical unit, at pagbibigay ng suporta sa mga sentro para sa pangunahing pangangalagang pangaklusugan at sa mga hospital ward. 

    Palestine

    Ang Doctors Without Borders ay nagbibigay ng surgical care, paggamot sa mga sugat, maternity at mga paediatric service, suporta para sa kalusugang pangkaisipan, at namamahagi ng tubig sa buong Gaza at sa West Bank, sumusuporta sa mga ospital, mga field hospital, at sa mga pasilidad para sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan. 

    Syria

    Ang Syria ay isa sa mga bansang may pinakamalaking operational footprint ng Doctors Without Borders sa rehiyon, kung saan may mga aktibidad na isinasagawa sa 11 sa 14 na mga governorate sa bansa. Pinatatakbo o sinusuportahan ng Doctors Without Borders ang 10 na ospital at 21 na klinika, pati na rin ang mga mobile clinic at mga proyekto kung saan katuwang nito ang Ministry of Health. Kabilang sa mga serbisyo ang emergency at pangunahing pangangalagang pangkalusugan, pangangalaga para sa mga ina at bagong panganak na sanggol, paggamot sa mga talamak na sakit, mga programa para sa nutrisyon, mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan, at mga aktibidad kaugnay ng water and sanitation. Kabilang rin sa pagtugon ang rehabilitasyon ng mga pasilidad pangkalusugan, pagpapatibay ng kapasidad ng mga medical staff, at pamamahagi ng humanitarian relief sa mga komunidad na nawalan ng tirahan. 

    Yemen

    Sa Yemen, kumikilos ang Doctors Without Borders sa ilang mga governorate. May mga proyekto ang organisasyon sa Al-Qanawiss at Ad-Dahi (Hodeida), Al-Qaida (Ibb), sa lungsod ng Hajjah at Abs (Hajjah), pati na rin mga karagdagang aktibidad sa Aden, Taiz (kasama ang Mocha, Mafraq al-Mocha, at Khawkha), Amran (Khamer), at Saada (Haydan). Nagpapatakbo at sinusuportahan ng Doctors Without Borders ang ilang ospital at mga sentro para sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan, pati na rin ang mga aktibidad para sa emergency response sa ilang mga lugar. Ang aming mga team ay nagbibigay ng mahahalagang serbisyong medikal tulad ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan; emergency care, surgical care, maternal and child health, paggamot sa malnutrisyon, kalusugang pangkaisipan at psychiatric care, habang pinananatili ang kapasidad para sa kahandaan sa mga emergency, kung saan may mga sinanay na mga response team sa anim na governorate na handang tumugon sa mga insidenteng maraming mga biktima, sa mga outbreak ng sakit, at sa kasagsagan ng malnutrisyon. 

    Susuportahan mo ba ang aming trabahong kaugnay ng emergency response?

    Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon.