Isang nawawalang henerasyon: panganib at desperasyon sa kampo ng Al-Hol sa Syria
Batang tumatakbo sa kalye sa Al Hol camp, northeastern Syria, kung saan nagtitipon ang mga pamilyang kaalyado ng ISIS. Mahirap ang buhay dito. Syria, 2022. © Florent Vergnes
Amsterdam/Al-Hol, Syria, 7 Nobyembre 2022 – Ang pagkamatay ng dalawang batang lalaki habang naghihintay na maaprubahan ang emergency medical care para sa kanila ay dalawa lamang sa mga trahedyang kasama sa bagong ulat na inilabas ng Médecins Sans Frontières (MSF) na naglalantad ng kalupitan ng matagal ng pagkapiit ng mahigit sa 50,000 na tao, kung saan ang karamihan ay mga bata, sa Al-Hol, Northeast Syria. Ang kanilang mga kuwento at ang mga sinapit ng marami pang ibang tulad nila ay isinadokumento sa “Between two fires: danger and desperation in Syria’s Al-Hol camp” (Sa pagitan ng dalawang apoy: panganib at desperasyon sa kampo ng Al-Hol sa Syria).
Noong Pebrero 2021, isang pitong taong gulang na batang lalaki ang isinugod sa klinika ng MSF sa Al-Hol dahil sa tinamo niyang second-degree burns sa kanyang mukha at mga braso. Ang magliligtas sa kanyang pangangalagang medikal ay makukuha sa isang lugar na isang oras lang ang layo, ngunit inabot ng dalawang araw bago inaprubahan ng mga awtoridad ng kampo ang kanyang paglipat. Papunta pa lamang sa ospital ay namatay na siya na ang kasama lang ay isang armadong guwardiya dahil ihiniwalay siya sa kanyang inang naghihirap ang kalooban.
Matapos ang ilang buwan, noong Mayo ng taon ding iyon, isang limang taong gulang na batang lalaki naman ang nabangga ng isang trak. Isinugod din siya sa maliit na klinika ng MSF. Inirekomenda ng MSF staff na dalhin agad ang bata sa ospital para sa isang emergency surgery. Ngunit, kahit na mahalagang mabilis na mailipat ang bata, inabot ng ilang oras ang pag-apruba nito. Habang papunta sa ospital ay binawian siya ng buhay, walang malay at nag-iisa.
Inside Al-Hol camp, northeastern Syria
Al-Hol Camp, Eastern Al- Hasakah Governorate, Northeastern Syria. © Syria, 2020. MSF
Sa loob ng Al Hol Camp, Eastern Al-Hasakah Governorate, Northeastern Syria. Syria, 2020. © Ricardo Garcia Vilanova
Babae sa palengke ng Al Hol camp sa northeastern Syria. Syria, 2022. © Florent Vergnes
Sila ay dalawa lamang sa 79 na batang namatay sa Al-Hol detention camp sa Syria nitong nakaraang taon. Noong 2021, 35% ng namatay sa kampo sa Al-Hol ay mga batang hindi hihigit ang edad sa 16.
“Marami na tayong nakita at narinig na mga nakapanlulumong kuwento mula sa Al-Hol detention camp sa Syria, tulad ng kuwento ng mga batang namatay dahil sa matagal na pagpapaliban ng kanilang pagtanggap ng kinakailangang pangangalagang medikal, at mga kuwento ng mga batang lalaking pagdating sa edad na 11 ay sapilitang inihiwalay sa kanilang mga ina at hindi na nakitang m uli,” sabi ni Martine Flokstra, ang Operations Manager ng Médecins Sans Frontières (MSF) sa Syria.
Para sa mga bata at sa kanilang mga tagapangalaga sa Al-Hol, kung sila man ay may paraang makakuha ng pangalagang medikal, itoy madalas na nakakatakot na karanasan. Ang mga batang nangangailangan ng paggamot sa ospital, na isang oras ang layo mula sa kampo, ay sinasamahan ng mga armadong guwardiya. Karamihan sa kanila ay walang kasamang tagapangalaga, dahil hindi pinahihintulutan ang mga matatanda na samahan ang kanilang mga inaalagaang bata. Ang Al-Hol ay mistulang malaking panlabas na kulungan kung saan karamihan sa mga nakapiit ay mga bata. Malaking bilang sa kanila ang doon na ipinanganak, at napagkaitan sila ng kanilang pagkabata sapagkat itinakda sila sa isang buhay na puno ng karahasan at pananamantala. Sila’y di nabibigyan ng edukasyon at limitado ang nakukuha nilang suportang medikal. Wala silang maaninag na pag-asa.Martine Flokstra, Operations Manager
Ang kampo ay ginawa upang makapagbigay ng ligtas na pansamantalang matitirhan at ng mga serbisyong humanitarian sa mga sibilyan na nawalan ng tahanan dahil sa alitan sa Syria at sa Iraq. Ngunit ang katuturan at gamit ng Al-Hol ay matagal nang nag-iba.Pagkatapos mailipat doon ang mga tao mula sa Islamic State (IS) controlled territories noong Disyembre 2018, ito’y naging isang hindi ligtas at hindi malinis na kulungan.
“Ang mga miyembro ng Global Coalition against IS, pati na rin ang ibang mga bansang may mga mamamayan na nananatiling nakapiit sa Al-Hol at sa ibang mga detention facility at sa mga kampo sa Northeast Syria, ay may pagkukulang sa kanilang mga mamamayan,” sabi ni Martine Flokstra.
- Ano ang dapat mo'ng malaman tungkol sa Al-Hol camp, northeast Syria?
- Noong 2021, 35% ng mga tao na namatay sa kampo ng Al-Hol ay mga batang wala pang 16 na taong gulang. Kabilang rito ang mga batang namatay matapos masagasaan ng mga trak na may dalang tubig, mga nahulog sa maruming tubig, at mga naging biktima ng karahasan. Kasabay ng mga panganib sa kampo, marami ring ulat tungkol sa mga batang lalaki na malapit nang maging tinedyer na pinupuwersang ihiwalay sa kanilang mga ina o tagapangalaga sa ‘The Annex’. Kakaunti o walang impormasyon kung saan sila dinadala o anong ginagawa sa kanila.
- 64% ng populasyon ng Al-Hol ay mga bata, habang 50% ng populasyon ng kampo ay wala pang 12 taong gulang.
- Ang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Al-Hol ay may koneksyon sa krimen, at dito iniuugnay ang 38% ng mga kamatayan sa kampo. Dadag sa 85 na kamatayang may koneksyon sa krimen, mayroon ding iniulat na 30 tangkang pagpatay sa loob ng kampo.
- Ang Al Hol ay maituturing nang isang panlabas na kulungan, kung saan ang mga tao’y tinanggalan na ng kanilang mga karapatan at inilalantad sila sa buhay na puno ng karahasan at walang seguridad. Karamihan sa mga taong ito’y mga batang wala namang ginawa para magtamo ng ganitong kapalaran. Itinatayang may halos 60 na bansang may mga mamamayan sa Al-Hol at iba pang mga detention camp sa Syria (Roj). Kabilang rito ang UK, Australia, China, Spain, France, Switzerland, Tajikistan, Turkey, Sweden at Malaysia. Matapos ang ilang pagbabalik at repatriation, ang kabuuang populasyon ng kampo ngayon ay mga 53,000. 11,000 sa kanila ay mga foreign national na tinitipon sa isang nakahiwalay na bahagi ng kampong tinatawag na ‘The Annex’.
- Mula noong Oktubre 2020, sa 53,000 na taong nakapiit doon, mahigit 1,300 na pamilyang Syrian ang lumisan na sa kampo upang bumalik sa kanilang pinanggalingan, pero mahaba ang mga waiting list para rito at ang proseso para makakuha ng permisong umalis ay hindi malinaw. Samantala, ayon sa bilang nitong Agosto 2022, itinatayang 3,000 Iraqis ang nakabalik na sa Iraq sa pamamagitan ng repatriation.
“Kailangan nilang tuparin ang kanilang responsibilidad at tukuyin ang mga alternatibong solusyon para sa mga taong nakapiit sa kampo. Sa halip, ay ipinagpapaliban nila o tinatanggihan ang repatriation ang kanilang mga mamamayan. Sa ilang mga kaso, umabot pa sila sa puntong tinatanggalan nila ng citizenship ang ibang mga mamamayan, kung kaya’t sila’y itinuturing na stateless.”
“Kahit na talamak na ang karahasan at mga mapanganib na kondisyon sa Al-Hol, at mahigit tatlong taon na mula noong inilikas ang mahigit sa 50,000 na tao roon, walang pagsusumikap na isara ang kampo. Wala pa ring panmatagalang alternatibo upang wakasan ang hindi makatwiran at walang kasiguraduhang pagkakakakulong. Habang tumatagal ang pamamalagi ng mga tao sa Al-Hol, mas lumalala ang sitwasyon, at naiiwan ang isang henerasyong malamang ay pagsasamantalahan, at sila’y walang pagkakataong mamuhay nang walang karahasan," pahayag ni Martine Flokstra.
Matapos ang 11 na taon ng digmaan, 14.6 milyong tao ang nangangailangan ng humanitarian assistance sa Syria. Ang bansang ito ang may pinakamaraming internally displaced people (IDPs) sa buong mundo. 6.9 milyon ang IDPs dito, at karamihan sa kanila’y mga kababaihan at mga bata. Marami ang ilang ulit nang nakaranas ng displacement, at kasalukuyang namumuhay sa mga kondisyong walang katiyakan. Kumikilos ang Doctors Without Borders sa mga bahagi ng Syria kung saan maaari, ngunit ang kasalukuyang kakulangan ng seguridad at ang mga pagbabawal ay lubhang nakakasagabal sa aming makapagbigay ng humanitarian assistance na makatutugon nang naaangkop sa tindi ng mga pangangailangan. Paulit-ulit na kaming humihingi ng pahintulot na kumilos sa mga lugar na kontrolado ng pamahalaan ng Syria, ngunit di pa rin kami pinapayagan. Sa mga lugar na napapasok namin, gaya ng northwest at northeast Syria, nagpapatakbo kami ng, at nagbibigay ng suporta sa mga ospital at mga health centre, at nagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng mga mobile clinic.