Besieged, Attacked, Starved (Kinubkob, Sinalakay, Ginutom)
Binalangkas ng Besieged, Attacked, Starved, (Kinubkob, Sinalakay, Ginutom) ang desperadong sitwasyon ng mga sibilyan sa loob at sa paligid ng El Fasher at Zamzam, Sudan, isang krisis na humihingi ng agarang atensyon at pagtugon.
Besieged, Attacked, Starved (Kinubkob, Sinalakay, Ginutom): Malawakang Pagmamalupit sa El Fasher at sa Zamzam, Sudan
Simula noong tumindi ang mga labanan sa pagitan ng Rapid Support Forces (RSF) at ng Sudanese Armed Forces (SAF), na sinusuportahan ng Joint Forces, noong Abril at Mayo 2024 sa El Fasher, North Darfur, naiipit ang mga sibilyan sa gitna nila. Tuloy-tuloy at walang pinipiling lugar ang binobomba ng mga nagdidigmaang partido, maging ang mga lugar kung saan nakatira ang mga sibilyan. Dagdag pa rito, sistematikong pinupuntirya ng RSF at ng kanilang mga kaalyado ang mga komunidad na kinabibilangan ng mga hindi Arabo, partikular na ang mga Zaghawa. Kabilang sa mga karahasang ito ay ang shelling, pagnanakaw, malawakang pagpatay, karahasang sekswal, mga pagdukot, at ang kamakailan lang na pagsalakay sa kampo ng Zamzam para sa mga internally displaced people (IDP).
Ang pangangalagang pangkalusugan ay gumuho dahil sa paulit-ulit na pagsalakay sa mga pasilidad medikal, at napilitan ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) na wakasan ang mga aktibidad nito sa mga kampo ng El Fasher at Zamzam. Ang mga komunidad na kinabibilangan ng mga hindi Arabo ay walang mapagkukunan ng pagkain, tubig, o pangangalagang medikal, kung kaya’t lumalaganap ang pagkagutom. Nagbabala ang Doctors Without Borders ukol sa mga nagaganap na karahasang batay sa etnisidad at nananawagan sa mga partidong sangkot sa digmaan at sa mga kumikilos sa pandaigdigang komunidad, kabilang rito ang mga ahensya ng United Nations (UN), na gumawa ng mga kagyat na hakbang upang protektahan ang mga sibilyan, ipatupad ang UN Security Council Resolution 2736, at maglunsad ng isang malaking pagtugong humanitarian.
Basahin ang ulat
Besieged, Attacked, Starved (Kinubkob, Sinalakay, Ginutom): Malawakang Pagmamalupit sa El Fasher at sa Zamzam, Sudan
Suportahan ang aming ginagawa
Sa pamamagitan ng inyong tulong, patuloy kaming makakatulong sa mga nangangailangan.