Skip to main content
    flood-affected people taking shelter in tents in the village of Johi, District Dadu, Sindh province, Pakistan. © MSF

    Baha sa Pakistan

    Dahil sa pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan, ang Pakistan ay dumanas ng malawakang pagkasira na nakaapekto sa 33 milyong tao.

    Mahigit tatlong buwan na mula noong sinalanta ng pagbaha ang Pakistan. Ito’y nagdulot ng matinding pinsala sa buong bansa at may pangmatagalang epekto sa mga apektadong komunidad. Kinakailangan ng mga taong lumikas mula sa kanilang mga tirahan at manatili sa mga kampo ng ilang buwan, nang walang maayos na tirahan at walang mapagkukunan ng mga pangunahing pangangailangan. Ngayong humupa na ang pagbaha sa ilang mga lugar at nagsisibalikan na ang mga tao sa kanilang mga tahanan, nakita nila ang malubhang pinsalang naidulot ng baha sa kanilang mga bahay at lupa, at maging sa mga imprastruktura. Ang mga taong walang kakayahan o di kaya’y wala nang pagnanais na bumalik ay nalalantad sa mga sakit na dala ng maruming tubig, mga vector-borne diseases, at pati na rin mga sakit na dulot ng kondisyon ng panahon sa taglamig. Matindi pa rin ang pangangailangan ng mga apektado ng pagbaha para sa pangangalagang pangkalusugan at malinis na inuming tubig.

    Susuportahan mo ba ang aming tugon sa krisis? 

    Maaari kang tumulong sa aming ginagawa sa Pakistan at sa ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.

    Balita

    Pakistan: Tumutugon sa emergency sa sariling tahanan
    Pakistan: Tumutugon sa emergency sa sariling tahanan
    Si Akeela, na isang outreach counsellor ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) mula pa noong 2020, ay nanirahan sa nayon ng Mir G...
    Pakistan: Flood emergency, matagal pa bago matapos
    Pakistan: Flood emergency, matagal pa bago matapos
    Nakababahala ang taas ng bilang ng mga pasyenteng may malaria at mga batang may malnutrisyon na nakikita ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Fr...
    pakistan floods msf emergency response map

    Ang Tugon ng Doctors Without Borders 

    • Mahigit 95,900 na mobile clinic patient consultations ang naisagawa sa Sindh, Balochistan at Khyber Pakhtunkhuwa.
    • Mahigit 44,800 kits na naglalaman ng mga pangunahing relief item, kasama na ang mga kagamitan para sa kalinisan at mga kasangkapan para kusina, mga kulambo at mga mosquito repellent, ang ipinamahagi sa mga apektadong pamilya sa Balochistan, Khyber Pakhtunkhuwa at Sindh.
    • Mahigit 465,494m3 litro na malinis na tubig na maiinom ang ibinigay sa Sindh, Balochistan at Khyber Pakhtunkhwa. 
    • Mahigit 23,707 na mga pasyente ang ginamot para sa malaria at 7,458 ang binigyang lunas para sa malnutrisyon sa aming mga mobile clinic sa Silangang Balochistan at Sindh.
    Tugon sa Sindh

    Sa Sindh, humupa na ang baha sa ilang mga lugar ngunit sa karamihan ay may tubig pa rin. Ang mga Doctors Without Borders emergency team ay nagpapatakbo ng anim na mobile clinic na bumibisita sa 24 na iba’t ibang lugar kada linggo sa mga distrito ng Sindh—sa Dadu, Jacobabad, Sukkur at Shahadat Kot. Sa huling pagtala ay nakapagbigay na kami ng pangangalagang medikal sa mahigit 33,780 na tao. Karamihan sa mga ito ay para sa mga sakit sa balat, malaria, mga impeksiyon ng respiratory tract at diarrhoea. 

    Sa bayan ng Hilagang Sindh at Johi, mataas ang bilang ng mga kaso ng malaria. Nitong nakaraang dalawang buwan, mahigit 12,100 na tao na ang ginamot ng aming mga team para sa malaria. Patuloy ang pagbibigay namin ng malinis na maiinom na tubig. Nakapagbigay na kami ng 4,148m3 na litro ng tubig. Ang aming mga team ay tumulong rin sa pamamahagi ng 562 hygiene kits sa mga residente ng mga liblib na lugar na apektado ng pagbaha. 

    Sa Hilagang Sindh naman, nakita namin ang mataas ang bilang ng mga batang may malnutrisyon. May 9,246 na batang hindi lalampas sa apat na taong gulang na malnourished. Sa mga ito, 2,535 ang may severe acute malnutrition at 2,243 ang may moderate acute malnutrition. 

    Sa Timog Sindh, ang aming mga team sa distrito ng Dadu ay nagbibigay ng pangangalagang medikal sa pamamagitan ng tatlong mobile clinic na bumibisita sa mahigit sa labing-isang lugar. Ang aming mga water and sanitation team ay nagbigay din ng mahigit 444,460m3 na litro na malinis na inuming tubig at namahagi ng mga 24,600 relief package sa mga apektadong komunidad. Sa distrito ng Sanghar, ang aming team ay nagbigay ng 5,120m3 na litro ng malinis na inuming tubig sa tatlong pinakanasalantang tehsil at namahagi ng 6,000 relief package na may kasamang mga tolda, mga gamit pangkusina, hygiene kit at mga kulambo. Ang mga team ay nagbibigay din ng antenatal at postnatal na pangangalagang pangkalusugan sa distrito. 

    Sa distrito ng Keamari Karachi, ang mga Doctors Without Borders team ay nagtatrabaho sa Karachi Tent City Camp kung saan nakapagtayo na sila ng mahigit 800 na masisilungan, nagbibigay ng mahigit sa 10,000 na litro na malinis na inuming tubig araw-araw, nagtayo ng 141 shower points at kubeta, at namahagi ng 1,350 relief packages na may kasamang 600 na kulambo, sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad pangkalusugan. 
     

    Tugon sa Balochistan

    Sa Silangang Balochistan, humupa na ang baha sa karamihan ng mga lugar ngunit malalim pa rin ang tubig sa pinakanasalantang distrito ng Sohbatpur at Jaffarabad, habang may mga hindi dumadaloy na tubig sa ilang mga lugar. Ang mga pamilyang nakatira malapit sa mga binahang lugar ay maaaring magkaroon ng mga sakit na dala ng maruming tubig,  at mga vector-borne disease. 

    Sa Silangang Balochistan, ang Doctors Without Borders ay may limang medical team sa mga distrito ng Naseerabad, Sohbatpur, Jaffarabad, Usta Muhammad at Jhal Magsi. Ang aming mga team ay nagbibigay ng outpatient primary healthcare sa mga taong apektado ng pagbaha. Bawat araw, ginagamot namin ang mahigit sa 1,000 na pasyente. Ang mga lugar na may tubig na hindi dumadaloy ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga taong may water- at vector-borne disease sa Silangang Balochistan. Ang aming mga team ay gumagamot ng napakaraming taong may malaria, mga batang may matinding malnutrisyon, at mga taong may respiratory tract infection, diarrhoea, sakit sa balat, at impeksiyon sa tainga. Ang Doctors Without Borders ay nakapagbigay na ng mahigit sa sampung milyong litro ng malinis na inuming tubig sa limang distrito ng Silangang Balochistan. 

    Nitong nakaraang dalawang buwan, ang mga Doctors Without Borders emergency team ay gumamot ng 11,533 na kaso ng malaria na may positivity ratio na mahigit limampung porsyento. Nakababahala na ang mga bilang na ito ay mataas kung ikukumpara sa mga bilang noong mga nakaraang taon. Mataas din ang bilang ng mga pasyenteng may malnutrisyon. Nakapaggamot na kami ng 3,965 na bata at mga nagdadalantao at nagpapasusong babae. 

    Noong Oktubre, ang mga Doctors Without Borders water and sanitation team ay nagtayo ng water filtration plant na may kapasidad na 270,000 na litro kada araw sa distrito ng Jaffarabad. Ang malinis na inuming tubig ay inihahatid ng mga water truck sa mga barangay na binaha at sa mga displaced person camp sa Silangang Balochistan. Ito’y nakatutulong na maiwasan ang pagkalat ng mga waterborne disease na hatid ng maruming tubig. Ang aming team ay nagbigay ng 13,050,000 na litro na malinis na inuming tubig sa limang distrito sa Silangang Balochistan. 

    Mula 2008, ang Doctors Without Borders ay nagtatrabaho sa DHQ Hospital sa Dera Murad Jamali bilang suporta sa Department of Health (DoH). Nitong mga nakaraang buwan, pinag-ibayo pa ng Doctors Without Borders ang suportang ito sa pamamagitan ng sa pagpapadala ng mga karagdagang eksperto sa larangang medikal at non-medical. Dinagdagan din namin ang kapasidad ng ospital, ang dating 40 na kama ay naging 69. Mula noong Setyembre, tumulong ang aming team sa 1,382 na pagpapaanak at tumanggap ng 1,142 na bata sa paediatric inpatient department. 

    Sa Kanlurang Balochistan, ang Doctors Without Borders ay nagbigay ng mahigit 735 na konsultasyong medikal sa Chaman, at mahigit 1,890 outpatient consultations sa Quetta, na karamiha’y para sa mga pasyenteng may respiratory infection o acute watery diarrhoea. Sa Quetta, ang mga Doctors Without Borders water and sanitation team ay nagbigay ng mahigit 2,190 na litro na malinis na inuming tubig. Namahagi na rin kami ng 740 relief kits na may kasamang hygiene items, kitchen tools at kulambo para sa mga apektadong pamilya. 

    Tugon sa Khyber Pakhtunkhwa

    Sa mga distrito ng Charsadda at Nowshera, humupa na ang baha. Nagsibalikan na ang mga tao sa kanilang mga tahanan at sinimulan na nila ang pagtataguyod muli ng kanilang mga bahay. Ngunit, ang mga pagkukunan ng tubig sa mga binahang distrito tulad ng Charsadda at Nowshera ay kontaminado pa rin at nagiging sanhi ng mga waterborne disease. Bilang pagtugon sa isyung ito, nililinisan at inaayos ng mga Doctors Without Borders water and sanitation team ang mga water sources na ito mula pa noong Oktubre.  

    Sa mga distrito ng Charsadda at Nowshera, apat na Doctors Without Borders mobile medical team ang nagbigay ng 9,000 outpatient primary healthcare consultations para sa respiratory tract infections, impeksiyon sa mata, acute diarrhoea, malalang sakit sa balat at sa mga talamak na sakit. Nagbigay na rin ang Doctors Without Borders ng mga medical item sa isang ospital sa Nowshera para sa isolation unit ng mga pasyenteng may dengue. Nagkabit ang mga Doctors Without Borders emergency water and sanitation team ng mga water filtration system, nagbigay ng 34m3 na litro na malinis na inuming tubig at naglinis ng limang daang balon sa mga barangay na binaha sa distrito ng Charsadda. Inaasahang 1,500 na balon ang malilinis sa pagsapit ng katapusan ng Marso 2023. Sa dalawang distrito, ang mga Doctors Without Borders team ay nakapamahagi na ng 11,386 na relief package, na may kasamang mga gamit pangkusina, hygiene items at 14,107 na kulambo para sa mga apektadong pamilya. 

    Ang mga Doctors Without Borders team sa iba’t ibang barangay sa distrito ng Dera Ismail Khan ay namamahagi rin ng 5,000 winter kits sa mga binahang komunidad. 
     

    an MSF staff examines temperature and assessment of a malnutrition child during a mobile clinic setup in the Ghulam Muhammad Lashari village of Thul town of Jacobabad District in the Sindh Province of Pakistan

    Sinusuri ng Doctors Without Borders staff ang temperatura at malnutrisyon sa isang mobile clinic sa probinsya ng Sindh. Pakistan, Oktubre 2022  © Asim Hafeez

    MSF staff and volunteers arranges Non Food Items (NFIs) kits for distribution

    Inaayos ng Doctors Without Borders staff at mga boluntaryo ang Non-Food Items (NFIs) kits na naipapamahagi, habang naghihintay ang mga taong apektado ng pagbaha sa pagdating ng mga NFIs sa isang barangay malapit sa Sanghar, sa probinsya ng Sindh. Pakistan, Nobyembre 2022 © Asim Hafeez

    An MSF’s Water and Sanitation Specialist – Umer is checking the water pipe fixings of the water filtration plant installed by MSF in district Jaffarabad, Eastern Balochistan.

    Sinisiyasat ng isang Doctors Without Borders Water and Sanitation Specialist ang water pipe fixings na ikinabit sa isang water filtration plant na itinayo ng Doctors Without Borders sa distrito ng Jaffarabad, sa Silangang Balochistan. Pakistan, Oktubre 2022 © Zahra Shoukat/MSF

    Nagsimula ang Doctors Without Borders na magtrabaho sa Pakistan noong 1986. Ngayo’y may 1,791 na national staff at 53 na international staff na kaming nagtatrabaho sa pitong proyekto sa Pakistan. Dito’y nagkaroon ang Doctors Without Borders ng malawakang pagtugon sa lindol noong 2005, pagbaha noong 2010 at 2016, outbreaks ng tigdas at dengue noong 2010 at 2013, at COVID-19 noong 2020-2021. Kamakailan lang, tumugon din kami sa pagbaha sa Dadu noong 2020.

    Suportahan ang aming pagtugong medikal

    Maaari kang tumulong sa aming ginagawa sa Pakistan at sa ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.