Ulat ng mga Aktibidad 2022
Alamin ang mga datos kaugnay ng aming mga nagawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo noong 2022.
Suportahan ang aming mga team sa mahigit 70 na bansa. Magbigay na ngayon.
Habang unti-unti nang nakababangon ang mundo mula sa pagkakalugmok nito sa pagdurusa sanhi ng pandemya ng COVID-19, ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) ay nagsimula nang tumugon sa mga bagong emergency nitong 2022, habang nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagtulong sa mga komunidad na naaapektuhan ng mga matagal nang krisis.
Matapos ang buong puwersang pagsalakay sa Ukraine noong Pebrero, ang trahedya ng madugong digmaan ay naging normal na para sa milyon-milyong tao. Sa harap ng mapanganib at pabago-bagong sitwasyon, nagsumikap kaming tukuyin kung saan kami pinakamakakatulong, upang suportahan ang mga taong nasa delikadong kalagayan at magbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung saan ito kinakailangan.
Alamin ang mga datos kaugnay ng aming mga nagawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo noong 2022.
Suportahan ang aming ginagawa
Makatutulong ka sa aming mga aktibidad sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon.