Ulat ng mga Aktibidad 2021
Alamin ang mga datos kaugnay ng aming mga nagawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo noong 2022.
Mula noong itinatag ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) limampung taon na ang nakararaan, layunin naming ibsan ang pagdurusa ng mga tao, at bigyan ng pangangalagang medikal ang mga pinakanangangailangan nito. At ganoon din naman noong taong 2021. Sa kabila ng maraming hamong dala ng pandemya ng COVID-19, ginampanan ng aming mga team ang kanilang tungkulin sa mahigit pitumpung bansa sa ilan sa pinakamahirap marating na rehiyon sa mundo.
Bagama’t nakuha ng COVID-19 ang atensyon at mga mapagkukunang-yaman ng maraming mayayamang bansa, ang mga tuwiran at di-tuwirang epekto nito ay naramdaman sa mga lugar kung saan mahihina ang sistemang pangkalusugan. Ginamit namin ang aming kadalubhasaan sa pagharap sa epidemya upang suportahan ang mga bansang nahihirapan sa pagpigil sa COVID-19, at tumulong rin kami sa pagharap sa ibang mga krisis sa kalusugan.
Alamin ang mga datos kaugnay ng aming mga nagawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo noong 2021.
Mag-subscribe para sa pinakabagong ulat
Tumanggap ng regular na email tungkol sa aming gawain.