Skip to main content
    trauma kid

    Surgery at Pangangalaga para sa Trauma

    Nagsasagawa kami ng surgery, o pag-oopera, at nagbibigay ng pangangalaga para sa trauma ng mga pasyenteng apektado ng mga alitan, o may kondisyong maaari nilang ikamatay, tulad ng noma, at iba pang mga pangangailangan.

    Surgical care para sa mga taong nasa delikadong sitwasyon  

    Sa kontekstong humanitarian, ang surgery at pangangalaga para sa trauma ay kadalasang iniuugnay sa armadong labanan. Ang aming mga team ay nagbibigay ng de-kalidad na surgical care at pangangalagang medikal sa mga pasyenteng naapektuhan ng alitan at karahasan, o kaya’y mga walang access sa mga sistema ng pangangalagang pangkalusugan. Pagkatapos ng trauma at ng mga sugat na iniwan ng digmaan, maaaring kailanganin ng mga pasyente ng karagdagang reconstructive surgery. Sa Jordan, nagpapatakbo kami ng  isang ospital na para lamang sa reconstructive surgery. Doo’y isinasaayos namin ang mga katawang napinsala ng pagsabog ng mga bomba, pamamaril, shrapnel, o sunog. Katuwang ang physiotherapy, nagsusumikap ang mga surgeon na ibalik ang kakayahan ng pasyenteng  makakilos at makapaglakad. 

    Pero hindi lang para rito ang binibigay naming surgical care, marami kaming natutugunang pangangailangang medikal. Kabilang rito ang mga caesarean section, reconstructive surgery para sa mga biktima ng sunog, at reconstructive surgery din para sa mga mayroong Noma disease.

    Pinakahuling Ulat

    Ibinahagi ng Hong Kong surgeon na si Ryan Ko ang kanyang karanasan sa pagtatrabaho sa Mocha, Yemen, mula Nobyembre 2020 hanggang Pebrero 2021, upang paunlarin ang kapasidad para sa surgery ng team sa bagong bukas na emergency surgical centre ng Doctors Without Borders:

    Sa ospital ng Doctors Without Borders, nakatrabaho ko ang apat na surgeon mula sa Yemen at siyam na medical doctors. Sa dami ng mga natatanggap naming mga pasyenteng may trauma, nagkaroon talaga ng sapat na karanasan ang mga kasama ko, at napabuti ang kanilang mga kasanayan sa trauma surgery habang tinuturuan ko sila.  

    Balita mula sa frontline

    Yemen: A surgeon from Hong Kong in a war trauma surgery hospital
    Yemen: A surgeon from Hong Kong in a war trauma surgery hospital
    Mocha is an ancient port city on the Red Sea. It’s near the conflict front line, so around 80% of our surgery cases are trauma related, such as gunsho...
    Trauma in Gaza: “Nothing can prepare you for this”
    Trauma in Gaza: “Nothing can prepare you for this”
    The last six months have been the most difficult I have experienced in my 15 years with Doctors Without Borders in Gaza. And that’s compared to the wa...
    Palestine: Burn injuries, a chronic health problem in Gaza
    Palestine: Burn injuries, a chronic health problem in Gaza
    In the Doctors Without Borders clinic in Khan Younis, in southern Gaza, four physiotherapists get ready for a busy day. They wear personal protective ...
    Noma in Nigeria: Ado and Ifeoma's stories
    Noma in Nigeria: Ado and Ifeoma's stories
    Three times a year, a group of surgical experts gather in the northern Nigerian city of Sokoto. Their aim is to perform life-changing operations for p...

    Trauma Surgery

    Nagpapatakbo ang Doctors Without Borders ng mga proyektong nagsasagawa ng mga surgery at nagbibigay ng pangangalaga para sa trauma, karamihan sa mga lugar kung saan may alitan o karahasan.

    Ang aming mga surgeon ay nagtatrabaho sa mga lugar na may karahasang karaniwan sa mga siyudad, at mga alitang di ganoon katindi. Sa mga lugar na ito, mahirap makakuha ng access sa mga istrukturang pangkalusugan, at ang ilan sa mga ito ay bumaba na ang kapasidad. Ang mga pasyente ay inooperahan dahil sa natamo nilang pinsala mula sa pamamaril, pagsaksak, mga dinanas na torture, pisikal na pang-aabuso, o kaya’y dahil sa mga aksidente, kabilang na ang pagkasunog.

    Paggamot sa mga lubhang nasaktan pagkatapos lumala ang sitwasyon sa Gaza,  Palestine

    Nagbibigay kami ng medikal at sikolohikal na tulong sa mga taong apektado ng kasalukuyang di pagkakasundo sa West Bank at Gaza, Palestine. Sa Gaza, ang lokal na sistema para sa pangangalagang pangkalusugan ay nasasagad na, lalo pa’t ito ay kulang sa pondo, at malalim ang naging epekto ng labinlimang taong blockade.

    Para naman sa mga apektado ng sunog at trauma ang isang multi-disciplinary approach o pamamaraan na gumagamit ng iba’t ibang disiplina. Maaaring kasali rito ang surgical care, physiotherapy, occupational therapy, health education, at psychosocial support. Nagsimula na rin kaming magpatakbo nh mga mobile clinic upang tugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga komunidad sa Masafer Yatta, na humaharap ngayon sa demolisyon ng kanilang mga tirahan at ang lumalaking posibilidad ng puwersahang paglipat.  

    Pagsasagawa ng trauma surgery sa mga digmaang nalimutan na ng mundo 

    Para sa mga sibilyan na nasa conflict zone, o sa mismong lugar ng sagupaan, ang mga pagsabog ng bomba ay hindi lamang nangyayari sa mga indibidwal—nangyayari ang mga ito sa mga pamilya at sa mga komunidad. Unang sinimulan ng Doctors Without Borders ang proyekto ng trauma surgery sa Tal Abyad hospital sa Syria, bilang isang pagtugong humanitarian sa pagkubkob sa Raqqa. 

    Ang pagtugon sa trauma ng Doctors Without Borders sa hilagang bahagi ng Syria—kagaya ng proyekto namin sa timog, at sa iba pa sa Yemen at Iraq –ay nakatuon sa paggamot ng  mga sugat na natamo mula sa mga pagsabog at mga pinsalang dulot ng mga  high-velocity projectile. Makikita rito ang pagiging sopistikado at ang laki ng mga military resources ng mga taong nasa likod ng mga alitang ito. Ang mga  gagawin para sa kanila’y nangangailangan ng kadalubhasaan sa mga teknikal na aspeto gaya ng resuscitation, critical care, pangangalaga sa mga sugat na natamo sa sunog, at ang paggamot ng mga kumplikadong abdominal, vascular at orthopaedic injury.

    Reconstructive Surgery

    Bago magbukas ang isang surgical programme, may mga kailangan munang paglaanan ng medical at logistics resources, tulad ng sterile na lugar para sa operasyon, kuwalipikadong personnel, at kapasidad para sa post-operative care. 

    Sa pamamagitan ng reconstructive surgery, naaayos ang mga depektong nariyan na mula noong ipinanganak ka, mga depektong dala ng sakit, at mga depektong dahil sa pagkapinsala. Ang paraan kung paano ito ginagawa ay iba sa cosmetic surgery sapagkat ito’y ginagawa para sa mga medikal na dahilan. Ang Doctors Without Borders ay isang pandaigdigang medikal na organisasyon na kumikilos sa mahigit 70 na bansa. May mga proyekto ang organisasyon sa mga lugar kung saan makakatulong ang ganitong uri ng surgery upang masuportahan ang komunidad.

    Nitong nakaraang labinlimang taon, ang Middle East ang ground zero o pinagsisimulan ng mga alitan sa Iraq, Syria, Lebanon, Yemen, at Palestine. Nang nagsimula ang digmaan sa Iraq noong 2003, marami ang nagtamo ng mga kapinsalaan na nakapagbago sa kanilang pamumuhay. Madalas ay hindi sila nabigyang-lunas, kaya’t lumalala ang kanilang kondisyon. 

    Naiwan ang mga tao nang di sila nakakagalaw. Ang iba sa kanila’y nakahiga lamang, di makakain o makapagsalita. Ang mga biktima ng pagsabog ng bomba, mga nabaril, mga nahagip ng shrapnel, at mga nasunog ay nangangailangan ng mga napakapartikular na operasyon; kailangan ng mga espesyalista sa orthopaedic, maxillofacial (para sa mga pinsala sa leeg, sa mukha, at sa panga), at plastic surgery.

    Mobile Surgery

    Upang makapagbigay ng surgical services kung saan ito pinakakailangan, kahit pa ito’y isang lugar kung saan walang malapit na angkop na pasilidad, gumagamit ang Doctors Without Borders ng iba’t ibang solusyon, gaya ng pagtatayo ng isang 'inflatable' surgical tent. Sopistikado, madaling dalhin, at sterile, maaari itong ilipat at itayo a loob ng 48 hanggang 72 na oras sa mga lugar ng digmaan o sa mga apektado ng natural na kalamidad. Kamakailan lang, nilikha ng aming mga team ang MUST, isang mobile operating room na nasa loob ng isang trailer. Sa paggamit nito’y mas mabilis nakakapunta ang mga team sa mga lugar kung saan sila kinakailangan.

    Caesarean Sections

    Noong 2021, higit sa 12,000 na sanggol ang ipinanganak sa pamamagitan ng mga Caesarean section na isinagawa ng aming mga team. Nakatuon kami sa pagtulong sa mga inang nakararanas ng mga kumplikasyon sa pagbubuntis, na maaari nilang ikamatay. Ang Caesarean section ay ginagawa para sa mga babaeng nakararanas ng  pre-eclampsia (alta-presyon na kaugnay ng pagbubuntis), obstructed labour (kapag hindi makalabas ang sanggol), o kapag ang sanggol ay nasa breech position (una ang paa).

    Post-Operative Care

    Ang post-operative care, o pangangalaga sa pasyente pagkatapos niyang maoperahan, ay importanteng bahagi ng surgery –upang mapigilan at mabigyang-lunas ang mga impeksyon, upang masubaybayan ang paghilom ng sugat, at upang maiwasan ang mga kumplikasyon. Ang post-operative care ay mahalaga para sa aming mga surgical projects. Nagsasagawa rin kami ng physiotherapy upang matulunagn ang pasyenteng maibalik sa dati ang kanyang kakayahang gumalaw. 

    RSP Amman

    Sa tapat ng Amman RSP hospital sa Jordan. © MSF

    Noong simula ng Setyembre 2015, opisyal na binuksan ng Doctors Without Borders ang pinaunlad na reconstructive surgery hospital sa Amman, Jordan. Ang serbisyo mula sa ospital na ito ay maaaring makuha ng sino man sa rehiyon na nasaktan dahil sa digmaan, ngunit walang access sa specialised surgical care sa kanilang mga sariling bansa. Ang proyektong ito ay sinimulan noong 2006, bilang pagtugon sa kawalan ng ganitong klase ng pangangalaga para sa mga biktima ng digmaan sa Iraq. Mula noon ay pinalawak ang proyekto upang tumanggap na rin ng mga pasyente mula sa Gaza, Yemen, at Syria. 

    Ang mga surgeon sa aming reconstructive surgery hospital sa Amman ay nag-oopera sa mga biktima ng digmaan sa Middle East na may mga tinamong sugat mula sa pagsabog ng mga bomba, pamamaril, shrapnel at sunog. Ang pagsasaliksik at pagsubok sa mga bagong pamamaraan ay mahalagang bahagi ng programa ng aming ospital. 

    Noong binuksan namin ang ospital na ito, walang nag-akalang tatagal kami nang sampung taon. Ngunit pagkatapos tumanggap ng 4,500 na pasyente at magsagawa ng mahigit 11,000 na surgical interventions,malinaw na marami pa kaming gagawin para sa susunod na sampung taon, at hindi sapat ang isang ospital para gawin ang lahat ng nararapat.
    Marc Schakal, RSP head of mission

    Bukod sa orthopaedic, maxillofacial o plastic, at burns surgery, nakikinabang rin ang mga pasyente sa binibigay naming physiotherapy at mental health counselling.

    MSB127624

    Sa entrance ng Amman RSP hospital sa Jordan. © MSF

    MSB127692

    Sa Amman RSP hospital, sa Physiotherapy ward. © MSF

    MSF258281

    Nagsasagawa ang isang Doctors Without Borders team ng plastic reconstructive surgery sa isang anim na taong gulang na batang lalaki sa Doctors Without Borders' Bardnesville Junction Hospital, sa Monrovia, Liberia, nung Enero 2019. Kailangan siyang maoperahan dahil nasunog ang kanyang mukha, ilang taon na ang nakararaan. © MSF

    MSB127694

    Sa Amman RSP hospital, sa Physiotherapy ward. © MSF

    Noma, isang sakit na di nabibigyan ng sapat na atensyon sa Nigeria

    Ang noma ay isang sakit na di nabibigyan ng sapat na atensyon sa Nigeria. Naaapektuhan nito ang mga pinakamahinang populasyon, lalo na ang mga mahihirap na limitado ang access sa pangangalagang pangkalusugan. Ang mga pagsusumikap ng Doctors Without Borders ay mahalaga sa paggamot at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga apektado ng nakapanlulumong sakit na ito.

    Ang ospital para sa noma ay nagbibigay ng libreng paggamot sa mga pasyente, na kadalasa’y nakatira sa mga liblib na pook at limitado ang access sa pangangalagang pangkalusugan.Nagsasagawa rin ang ospital ng mga outreach program upang iangat ang kamalayan ng mga tao tungkol sa sakit at paano pipigilan ito.

    Ang aming mga mental health team ay nagbibigay rin ng suportang sikolohikal sa mga pasyente at kanilang mga pamilya pagkatapos ng operasyon. Sa tulong nila, di lang ang pisikal na anyo ang naaayos ng Doctors Without Borders, napapabuti rin nila ang pag-iisip ng mga pasyenteng apektado ng noma.

    MSF248186

    Si Fatima, na nagbago ang pisikal na anyo dahil sa pagkakaroon ng noma noong bata pa siya, habang nagpapahinga sa bahay. Madalas siyang mag-isa lamang at di gaanong makagalaw dahil sa pananakit ng dibdib. Nagkakilala sila ng asawa niyang si Dahiri sa ospital para sa noma sa Sokoto, kung saan pareho silang dumaan sa reconstructive facial surgery. Ilang buwan pagkatapos naming makuha ang larawang ito, namatay si Fatima sa panganganak. © Claire Jeantet - Fabrice Caterini/INEDIZ

    MSF248174.jpg

    Ang mga may sakit na Noma ay nagkakaroon ng severe facial disfigurements, o pagkawala sa ayos ng mukha, na nagiging dahilan upang mahirapan ang taong kumain, magsalita, makakita, at huminga. Bukod pa rito, kailangan pa nilang harapin ang social stigma na ibinubunga ng kahindik-hindik na pinsala sa kanilang mukha. © MSF

    Ang pagtulong sa isang bata at sa kanyang pamilya na malampasan ang mga negatibong emosyon na dala ng disfigurement ay mahalagang bahagi ng counselling.
    Thomas Hoare, clinical psychologist

    Tinulungan din ng aming team ang mga batang pasyente na magkaroon ng kasanayan sa pakikihalubilo sa ibang tao, dahil ang mga may noma ay kadalasang tinatalikuran ng lipunan.

    Suportahan kami

    Tulungan kaming makapagbigay ng pinakamahusay na surgical at medical care sa aming mga pasyenteng nasa gitna ng mga alitan at karahasan, o mga walang access sa gumaganang sistema ng pangangalagang pangkalusugan.