Skip to main content

    Palestine: ‘Isang taong walang pumupunta rito. Napakahirap ng aming sitwasyon.’

    Yasmin Jamal Mahmoud Abu Mustafa, MSF’s community health worker, talks to some beneficiaries in an MSF mobile clinic in Masafer Yatta, Hebron.©MSF/Katharina Lange

    Yasmin Jamal Mahmoud Abu Mustafa, MSF’s community health worker, talks to some beneficiaries in an MSF mobile clinic in Masafer Yatta, Hebron. © Katharina Lange/MSF

    Mahigit sa kalahati ng West Bank ay itinakda bilang Area C. Ibig sabihin, nasa ilalim sila ng direct Israeli civil and military control. Isa sa mga implikasyon nito ang pagkakaroon ng balakid sa pagkuha ng healthcare ng humigit-kumulang 300,000 Palestinians na nakatira sa mga maliliit na komunidad. Mahigit sa 1/3 sa kanila ang nakasalalay sa mobile clinics para sa mga kinakailangang serbisyong pangkalusugan.  

    Hindi kaya ng mga nakatira rito na makapunta sa pinakamalapit na klinika dahil sa gagastusin para sa mahabang paglalakbay, lalo pa’t wala namang pampublikong transportasyon. Hindi rin nakakarating ang mga ambulansiya rito dahil sa masamang kondisyon ng mga dadaanang kalsada. Para sa mga kaso na kailangang palaging malapit sa serbisyong medikal (halimbawa, ang mga buntis), kailangan nilang mamalagi nang matagal sa lugar na may pagamutan. 

    Some patients reaching MSF’s mobile clinics in Masafer Yatta (Hebron) have to reach with their donkeys as there is lack of transportation means. ©MSF/Katharina Lange

    Some patients reaching MSF’s mobile clinics in Masafer Yatta (Hebron) have to reach with their donkeys as there is lack of transportation means. © Katharina Lange/MSF

    Ang Masafer Yatta, na isang Hebron governorate, ay isang Area C zone kung saan matagal nang walang serbisyong medikal. Napilitan ang mga pambansang organisasyon na nagpapatakbo ng mobile clinic na tumigil sa iba’t ibang kadahilanan, tulad ng kakulangan ng pondo at mas mahigpit na mga batas para sa mga local na NGO. Ang mas nagpapahirap pa sa sitwasyon ay ang mga kagyat na pangangailangan na dala ng pandemya.  

    Sinimulan na naman ng Doctors Without Borders/Mèdecins Sans Frontiéres (MSF) ang pagbisita sa mga komunidad upang magbigay ng pangunahing serbisyong pangkalusugan. Kasama rito ang general outpatient consultations (na nakatuon sa mga bata at mga pasyenteng may mga palagian ngunit di nakahahawang sakit), at mga gawaing ukol sa reproductive health at mental health. Nagsasagawa rin sila ng nutritional screening at mga basic tests. Kapag kailangan ng pasyente ng  karagdagang tests  dahil sa malubha ang kanyang kalagayan, ililipat siya sa pinakamalapit na ospital sa bayan ng  Yatta. 

    MSF’S Tonadella Karim talks to Mohammad Issa (67) who visited an MSF mobile clinic to get medication for him and his wife, both suffering chronic diseases. ©MSF/Katharina Lange

    MSF’S Tonadella Karim talks to Mohammad Issa, 67, who visited an MSF mobile clinic to get medication for him and his wife, both suffering chronic diseases. © Katharina Lange/MSF

    Mula noong Nobyembre, bumibisita ang MSF sa tatlong lugar: Dkaika, Djinba at Khirbet Al Fakheit. Nitong nakaraang linggo lang ay may nadagdag na isa pang lugar, ang Um Guss. Ang bawat team ay may  doktor,  nurse, komadrona, medical health specialist, at  health promoter. Halos 300 konsultasyon na ang nagawa mula noong nagsimula ang mga pagbisita ng MSF.

    “Isang taong walang pumupunta rito, kaya’t kinailangang pumunta ang mga tao  sa Yatta para makakuha ng healthcare services,” paliwanag ni Mohamad Ayoub Hamad, isang community leader sa Khirbet al Fakheit, kung  saan  nagsasagawa ang MSF ng mobile medical activities. “Napakahirap ng sitwasyon, lalo na para sa mga nagdadalang-tao. Kung ang pamilya’y walang sariling sasakyan, malaking problema,” dagdag niya. 

    May mga partikular na hamong  hinaharap ang mga babaeng nakatira roon sa pagkamit ng healthcare. Ang mga lalaki’y laging pumupunta sa karatig-bayan, ang Yatta, para bumili at magbenta ng mga produkto, kaya’t maaari silang magpatingin sa doktor habang nandoon. Pero ang mga babae’y buong araw na nagtatrabaho sa mga bukid. Dahil wala silang kahalinhinan, marami ang napapabayaan ang kanilang sarili at hinihintay pang lumubha ang kanilang kondisyon bago kumonsulta sa doktor. Dagdag pa rito ang kakulangan ng pampublikong transportasyon sa Masafer Yatta. Ang mga kotse na pagmamay-ari ng ilang pamilya ay itinuturing na illegal dahil di nakarehistro ang mga ito at maaaring makumpiska kahit kailan. 

    Ang isang babaeng pasyenteng tawagin na lang nating “Rasha” ay pumunta sa mobile clinic sa Khirbet Al Fakheit lulan ng isang buriko. “Ibang-iba na ngayon. Linggo-linggo  ay may bumibisitang doktor at nakakakuha kami ng mga gamot. Dati, kapag may kailangan ako o ang mga anak ko, maglilibot pa ako at magtatanong sa mga kapitbahay kung meron sila no’n,” paliwanag niya. Noong nakaraang linggo, pina-check-up niya ang dalawang anak niya. Ngunit may problema pa rin. “Kapos kami sa pera, lalo na pag ganitong wala pa kaming mabebentang keso o gatas.” 

    Rasha (fake name to protect patient’s anonimity) can see a difference since MSF mobile clinics started in the area where she lives. In absence of public transportation, she came to the clinic by donkey.©MSF/Katharina Lange

    Rasha (name changed) can see a difference since MSF mobile clinics started in the area where she lives. In absence of public transportation, she came to the clinic by donkey. © Katharina Lange/MSF

    May isa pang balakid ang pangangalagang pangkalusugan dito. Hindi pinapayagan ang mga taga-Area C na magtayo ng mga istrukturang permanente o semi-permanent nang walang permiso mula sa mga opisyales na Israeli, na bihirang-bihira naman nilang ibinibigay. Kahit ang mga simpleng istrukturang gamit ng MSF para sa mobile clinics, tulad ng nasa Khirbet Al Fakheit, ay pinagbabantaang gigibain. Mula pa noong 2012, may demolition order na ang paaralan at ang katabi nitong klinika. Ibig sabihin,puwede itong gibain kahit kailan.  

    “Umaasa kaming ang mga pambansang organisasyon o ang Palestinian Ministry of Health ay magkakaroon na ng kapasidad at pondo upang muling makapagbigay ng serbisyo sa mga lugar na tulad ng Masafer Yatta,” sabi ni  Katharina Lange, Hebron project coordinator para sa MSF. 
     

    MSF sa Palestinian Territories

    Nagsimulang magtrabaho ang MSF sa mga Occupied Palestinian Territories noong 1989, at ang pinagtutuunan noon ay ang pagbibigay ng primary healthcare sa Gaza. Noong 1996, nagbukas ng mga mobile clinics sa ilang lugar sa Hebron (C and H2). Pagkatapos ng isang dekada, pinasa ang mga gawaing ito sa  ibang  organisasyon. Bukod sa mga  medical activities sa Hebron, ang MSF ay may mental health programmes sa Hebron at Nablus, sa West Bank. Sa Gaza naman, ang MSF ay nagpapatakbo ng mga inpatient department at mga klinika para sa paggamot ng mga pasyenteng may trauma o burns. Nagsasagawa rin kami ng plastic at orthopaedic surgery para masara ang malalaking sugat at simulan ang proseso ng pagpapagaling ng nasirang buto. Nagbibigay rin kami ng physiotherapy, health education at psychosocial support.

    Categories