Skip to main content

    Indonesia: Pagkatapos ng apat na taon, ang mapapanatiling proyekto ng Doctors Without Borders para sa kalusugan ng mga kabataan ay inihabilin na sa mga komunidad

    Training on adolescent reproductive health

    Ang proyekto ng Doctors Without Borders sa Indonesia para sa kalusugan ng mga kabataan ay nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad ng targeted health services gaya ng health promotion at education sessions at pagpapaunlad din ng kanilang kakayahang makamit ang mga ito. Isa sa mga aspeto ng proyekto ang pagtataguyod ng kapasidad, at ang mga health worker ay binigyan ng mga pagsasanay sa usapin ng adolescent sexual reproductive health. 21/4/2022 © MSF 

    Nakatuon ang programa sa pagtataguyod ng ugnayan sa pagitan ng lokal na komunidad at ng mga tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan, gayon din sa pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng mga health center, at ng mga paaralang pampubliko at pribado. Ang pangunahing layunin ay ang mapabti ang kalidad ng targeted health services gaya ng health promotion at education sessions at pagpapaunlad din ng kanilang kakayahang makamit ang mga ito. Bilang bahagi ng proyekto, sinuportahan ng team ang lokal na staff ng mga health center sa pagpapatakbo ng Adolescent Friendly Health Services (AFCS) at nagsagawa ng capacity building sa pamamagitan ng pagtuturo o paggabay (mentorship) at pagsasanay. Ngayong paalis na ang Doctors Without Borders, ang mga komunidad na ang magiging responsable para sa pagpapatakbo ng mga gawain. 

    Bagama’t may mga nabago sa aming adolescent health activities upang iangkop ang mga ito sa pagtugon sa tsunami noong 2018, at kamakailan lang, para sa pandemya ng COVID-19, ipinagmamalaki namin ang mga nagawa ng aming team, at pinananabikan na naming makita kung paano ipagpapatuloy ng komunidad ang proyektong ito. May mga kailangan pang gawin para sa adolescent health sa Indonesia, pero kami sa Doctors Without Borders ay dumating na sa punto kung kailan maaari na naming ibaling ang aming atensyon sa ibang pangangailangan.
    Walter Lorenzi, Head of Mission

    Ang mga sistemang pangkalusugan ay kadalasang idinisenyo upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga nakatatanda ngunit hindi laging sapat ang mga ito upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga kabataan, lalo na ang mga kabilang sa mga vulnerable o mahihina at marginalised groups o mga grupong nasa laylayan ng lipunan. Kabilang sa mga pangangailangang ito ang mg akaalaman ukol sa sexual and reproductive health, HIV, addiction, mental health at mga sakit na hindi nakahahawa.

    Naniniwala ang Doctors Without Borders sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga kabataan, kinakailangan silang isangko sa isang makabuluhang paraan, at ito’y ginawa sa Indonesia sa pamamagitan ng isang peer-based approach. Halimbawa, sinuportahan ng Doctors Without Borders ang pagpapatayo ng pitong community youth corners sa Banten. Ang lahat ng ito’y pinangangasiwaan at pinatatakbo ng mga adolescent health volunteer at sinusuporthan ng mga awtoridad sa komunidad. Ang mga youth corner na ito ay madalas pinupuntahan ng mahigit 4,000 kabataan kung saan natututo sila tungkol sa musika, pagpipinta, at sports, at nakakagamit ng  mga silid-aklatan. Ito rin ang mga lugar kung saan maaring makipag-ugnayan ang mga kabataan sa mga tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan.

    AH project in Indonesia 1

    Ang proyekto ng Doctors Without Borders sa Indonesia para sa kalusugan ng mga kabataan ay nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad ng targeted health services gaya ng health promotion at education sessions at pagpapaunlad din ng kanilang kakayahang makamit ang mga ito. Sa probinsiya ng DKI ay Jakarta, itinayo ng Doctors Without Borders ang Posyandu Remaja (adolescent integrated health clinic) at UKS (school health unit) programme sa mga informal school noong 2020. Bagamat naantala ito dahil sa COVID-19, nagawang ituloy ng team ang pagkilos noong 2022.

    Sa larawang ito, ginagabayan ng isang doktor mula sa Doctors Without Borders ang isang kabataang kumukuha ng blood pressure.  21/8/2022 © MSF

    Adolescent Health project activities in school

    Ang adolescent health project sa Banten at DKI Jakarta ay nakatuon sa pagtataguyod ng ugnayan sa pagitan ng lokal na komunidad sa mga tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan, gayon din sa pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng mga health center, at ng mga paaralang pampubliko at pribado. Ito ang isa sa mga aktibidad sa paaralan. Sinusuri ng isang estudyante mula sa State Junior High School 2 ng Rangkasbitung Sub-district, Lebak District, probinsiya ng Banten ang kalusugan ng kanyang kapwa kabataan. 09/12/2022 © Sania Elizabeth/MSF

    adolescent health project in community

    Si Siskha Ekawati, isang komadrona mula sa Rangkasbitung health centre, ay nagpapaliwanag na ang mga kabataang nabigyan ng pagsasanay ay nagkaroon ng kumpyansa sa kanilang mga sarili matapos silang maging bahagi ng mga diskusyon tungkol sa adolescent health project. 09/12/2022 © Sania Elizabeth/MSF

    Ayon kay Siswidi Yatnila, ang pinuno ng barangay ng Rangkasbitung Barat, Rangkasbitung sub-district, Lebak district, probinsiya ng Banten,

    “Nakinabang tayo sa pakikisangkot ng Doctors Without Borders. Halimbawa, naging mas malakas ang loob ng mga kabataan na magsalita sa harap ng mga maraming tao. Bagamat winakasan na ang proyekto ng Doctors Without Borders, patuloy naming patatakbuhin iyon katuwang ang iba’t ibang grupo tulad ng mga komadrona sa barangay, komadrona mula sa puskesmas (community health clinics), at iba pang awtoridad.”

    Binanggit din ni Siswidi na nangako ang sub-district sa barangay na patuloy nilang susuportahan ang mga gawain sa hinaharap.

    Ang tagumpay

    Sa pagitan ng 2018 at ng pagtatapos ng 2022, sinuportahan ng Doctors Without Borders ang anim na community health clinics, pati na rin ang mga may isinasangguni, nagbigay ng suportang logistical sa pamamagitan ng simpleng rehabilitation work, at pamamahagi ng gamot at iba pang supplies. Mahigit 2,240 na kabataan ang nakinabang sa counselling services. 1,271 na kabataan ang sumailalim sa screening sa komunidad at isinangguni sa mga klinika para sa karagdagang paggamot, at mahigit 720 health education sessions ang isinagawa at nagpaabot ng mga mensahe sa 45,000 na kabataan. Sa mga sesyong iyon, 62 porsyento ang pinamunuan ng Doctors Without Borders-supported health volunteers (cadres).

    Ang pinakamahalagang elemento ng proyektong ito ay ang partisipasyon ng mga kabataan mismo, pati na rin ng mga komunidad na sumusuporta sa kanila. Ibinahagi ni Rita Rahmawati, isang estudyante ng High School 1 Jawilan, ang kanyang mga naiisip.

    "Madaming benipisyo sa pagiging bahagi ng Doctors Without Borders team, at marami akong natutunan. Binigyan kami ng pagsasanay tungkol sa counselling  at ngayon, maaari na akong magbigay ng peer counselling. Laging masaya at kapana-panabik ang aming mga aktibidad."

    Categories