Counselling para sa mga adolescent sa mga liblib na lugar sa Indonesia
Adolescent individual counselling sa youth corner. © MSF
Si Stephanie Amalia, na mas kilala sa palayaw na Fani, ay isang counsellor at guro mula sa Depok, sa West Java, Indonesia. Nagsimula si Fani sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa Banten province noong Mayo 2018. Ang MSF ay mayroong mga proyektong pangkalusugan para sa mga kabataan sa Labuan at Carita, na bahagi ng Pandeglang Regency sa Banten.
"Ako ay counsellor para sa mga kabataan mula 10 hanggang 19 na taong gulang. Nakatuon ang proyekto sa adolescent health, at ito ay iba sa counsellors para sa mga bata at matatanda. Kadalasan, ang pagkakaiba ay nasa mga klase ng problema at mental health issues na hinaharap nila,” paliwanag ni Fani.
Stephanie Amalia, MSF Counsellor ng Adolescent Health Project sa Indonesia. © MSF
Nilalayon ng MSF programmes sa Indonesia na gawing madali ang pagkuha ng mga serbisyong medikal sa mga basic health facilities, makapagbigay ng pagsasanay sa mga health workers, at magbahagi sa mga komunidad ng mga kaalaman ukol sa kalusugan. Kinakausap ni Fani ang mga kabataang may suliranin. Nakikinig siya at nakikidama. Pinapalakas niya ang loob nila at binibigyan sila ng kakayahan na malampasan ang kanilang mga problema at makagawa ng mga pagbabago sa kanilang buhay. At kahit tapos na ang counselling, kinukumusta pa rin niya ang mga ito.
Noong una, marami ang nahirapang ilahad sa kanya ang kanilang kuwentong-buhay. Pero pagkatapos ng counselling, nagiging mas kumportable silang magbahagi, at karamihan ay nagiging positibo ang pananaw. Isang halimbawa nito ay ang isang dalagang nawalan ng anak. Nabalot siya ng matinding lungkot, pero sa tulong ng counselling, nakabangon din siya at nagpatuloy sa kanyang buhay.
Dahil siya’y lumaki at matagal nang nakatira sa isang malaking siyudad, naging isang nakawiwiling karanasan para kay Fami ang panahong itinigil niya sa Pandeglang. Tatlo’t kalahating oras lang ang layo mula sa Jakarta ng Labuan at Carita pero ibang-iba ang buhay rito. Sa pangunahing kalsada nito’y mayroong mga hotel, mga kainan, at mga tindahan, pero pagdaan sa mga lubak na kalsada at mga maliliit na gubat, makikita natin ang mga taong nakalugmok sa kahirapan.
"Bilang isang guro at counsellor, hindi ako nakaupo lang sa isang opisina o sa isang health facility. Sumasama rin ako sa mga komadrona ng MSF para makita ang kalagayan ng mga kabataang nagdadalang-tao," kuwento ni Fani. "Ibang-iba ang tinitirhan nilang lugar. Mahina ang signal ng telepono doon, at malayo sila sa pangunahing kalsada."
Sa mga nayon, may mga pasilidad na pangkalusugan na pinangangasiwaan lang ng isang nurse. Ang problema lang, dahil sa kanilang lokasyon, kinakailangang puntahan ng nurse ang mga residente. Dahil dito, madalas na walang taong naiiwan sa mga pasilidad.
Balik sa panahong bago nagkatelepono
Dahil hindi maaasahan ang signal ng telepono, kapag kailangan ni Fani o ng iba niyang mga kasamahan sa MSF na makausap ang nurse, kailangan nilang pumunta sa bawat bahay at ipagtanong kung nasaan siya. Minsan nga, sinasabihan pa nila ang mga tao na sabihin sa nurse na hinahanap siya ng MSF.
“Ang mga karanasan ko sa pagbisita sa mga nayon ay nagpaalala sa akin na malaking bansa ang Indonesia. Napakaraming pangangailangan ang kailangang punan.” Salamat na lang raw at may mga taong handang pumunta sa mga liblib na lugar.
Mga maliliit na pagbabago na nagdadala ng kasiyahan
Naniniwala si Fani na ang pagsilbi ng MSF sa mga kabataan ay nagdulot ng mga pagbabago. Tinulungan na ng MSF ang dalawang health clinics para makapagbigay na rin ng serbisyong pangkalusugan sa mga kabataan. “Nagsagawa na kami ng mga pagsasanay, at nagturo na rin kami. Sa 2021, ililipat namin ang pamamahala ng sistema sa mga klinika.”
“Ito’y tungkol sa capacity building ng mga kabataan at ng mga health staff na nakatrabaho namin. Pag-alis ng MSF, dapat ay makaya nilang gawin ito nang sila-sila lang.”
Ang adolescents' mother to mothers support group sa Carita. Nagtutulungan ang mga komadrona at ang counselor para sa mga kabataang nagdadalang-tao. © MSF
Pagsusuri sa sarili
Para kay Fani, ang ginawa lang naman niya ay makipag-usap at makinig. Pero dahil sa mga simpleng bagay na ito, nakatulong siya sa mga tao. Ang mga positibong pagbabago sa kanilang buhay ang nagbibigay kay Fani ng kasiyahan sa kanyang ginagawa.
"Nagpapasalamat talaga ako. Dahil dito, naisip ko na lahat ng problema ay may solusyon. Kailangan lang ng taong tutulong na buksan ang kanilang mga mata upang makita nila ang daan palabas sa problema."
Adolescent mental health education at a Senior High School. © MSF
Stephanie "Fani" Amalia is a counsellor-educator from Depok, in West Java, Indonesia. Fani started working with Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) in Banten province in May 2018. MSF runs youth health projects in the Labuan and Carita sub-districts of Pandeglang Regency in Banten.