Skip to main content

    Afghanistan: Mga nagtatamo ng pinsala at nawawalan ng tirahan, dumarami sa paglaganap ng karahasan sa bansa

    Emergency room of the MSF Kunduz Emergency Trauma Unit, a medic treats a patient who has suffered a complicated fracture of their upper and lower leg due to a bomb blast

    Ang emergency room ng Kunduz Emergency Trauma Unit, kung saan ginagamot ng medic ang pasyente na may complicated fracture sa paa dahil sa pagsabog. © Stig Walravens/MSF 

    “Ang paglala ng sitwasyon sa bansa ay umabot na sa punto kung saan  ang mga pasilidad na medikal  sa ilang siyudad ,tulad  ng Lashkar Gah at Kunduz, ay nasa frontlines, ” paliwanag ni Laura Bourjolly, Doctors Without Borders Afghanistan Humanitarian Affairs Manager. “Patuloy ang Doctors Without Borders staff sa paggamot sa mga pasyente sa lahat ng aming proyekto kahit sa gitna ng mga delikadong pangyayari , at naiangkop namin ang aming mga gawaing medikal upang makatugon sa mga pangangailangan.”

    Sa Lashkar Gah, kung saan sinusuportahan ng Doctors Without Borders ang Boost Hospital, mahigit isang linggo nang may matitinding sagupaan sa loob ng siyudad. Kaya naman tila tumigil ang buhay rito, habang binibigyang lunas ng healthcare staff ang mga nasasangkot sa medical, obstetric at surgical emergencies. Upang mabigyan ang mga pasyente ng atensyong medikal, ang staff ay nananatili sa ospital kahit na malapit ito sa mga sagupaang may kasamang shelling, mortar at rocket attacks, at airstrikes. Noong ika-9 ng Agosto, may naganap na pagsabog malapit sa emergency room. Sa kabutihang palad, wala namang nasawi. 

    Napakahirap matulog sa gitna ng ingay ng sagupaan, pero  pinananatili ng staff na bukas ang lahat ng bahagi ng ospital.  Nitong nakarang linggo, ang Doctors Without Borders team na nasa Boost ay maraming ginamot na mga nasugatan dahil sa sagupaan. Sa loob lang ng isang araw ay nagsagawa sila ng 20 operasyon. Ngayon, marami na ang lumikas mula sa siyudad. Kaya naman nitong nakaraang mga araw, malaki ang nabawas  sa bilang ng mga pasyenteng pumupunta sa ospital upang magpagamot.

    Kamakailan lang, sumiklab ang mga labanan sa Kunduz,at sa paligid nito. Sa pagtatapos ng nakaraang linggo, ang siyudad ay napunta sa kamay ng mga taga-IEA. Nang tumindi ang karahasan nitong Hulyo, ginawang trauma unit na may 25 kama ang opisina ng Doctors Without Borders. Dito pinangalagaan ng team ang mga taong nasaktan  dahil sa mga pagsabog at pamamaril. 

    Mula Agosto 1 hanggang 9, 127 na pasyente ang ginamot dahil sa mga tama ng bala, at dahil sa mga pagsabog. Kasama rito ang 27 bata na di lalampas sa 16 na taong gulang.

    Patuloy na nagbibigay ng pangangalaga ang Doctors Without Borders sa trauma unit ngunit ang mga serbisyo para sa outpatients ay inilipat na sa Kunduz Trauma Centre (KTC), na sinimulan nang itayo mula pa noong 2018. Patuloy rin ang pagsuporta ng Doctors Without Borders sa district advanced post sa Chahar Dara, isang stabilization unit sa distrito sa labas ng siyudad ng Kunduz, kung saan nagakaroon ng  126 pasyenteng biktima ng mga sagupaan sa pagitan ng Agosto 1 at 8.

    Sa isang bansang may mahinang sistemang pangkalusugan, ang karahasan ay lubhang nakasasagabal sa mga taong makatanggap ng pangangalagang pangkalusugan.  Sa mga lugar kung saan may matitinding labanan, masyadong mapanganib na lumabas ng bahay upang magpagamot ,at kadalasa’y ipinapagpaliban  nila ito hanggang umabot sa puntong malala na ang kanilang karamdaman. Habang lumalala ang karahasan, nakikita namin na bumababa ang bilang ng mga pasyente sa aming mga emergency rooms, COVID-19 treatment centre, o sa mga outpatient clinics. Sa Kandahar, kung saan may pinapatakbong proyekto ang Doctors Without Borders para sa mga pasyenteng may drug-resistant tuberculosis (DR-TB), binibigyan ang mga tao ng pagkakataong makakuha ng remote consultations at maraming gamot upang di nila kakailanganing tumawid sa mga frontline. Sa Lashkar Gah noong makalawa, umakyat ang bilang ng mga nagdadalang-tao na gustong makakuha ng pangangalaga nang kumalma na ang sitwasyon. Ang mga medical emergencies, kapanganakan at ang mga talamak na kondisyon ay di naman nawawala kahit sa panahon ng digmaan. 

    Isa lang ang nagdadalang-tao naming pasyente sa ospital, pero ng sumunod na araw, nang humupa na ang mga sagupaan, sampung nagdadalang-tao ang nakarating sa amin. Kaya namam sigurado kaming may mga nangangailangan talaga ng tulong. Lubos kaming nag-aalala na napipilitan ang mga kababaihan na manganak sa kani-kanilang mga tahanan kung saan walang makakapagbigay ng tulong medikal sakaling makaranas sila ng kumplikasyon sa panganganak.
    Sarah Leahy, Project Coordinator

    Dahil din sa mga sagupaan sa pagitan ng mga di-nagkakasundong partido, daan-daang libong tao ang napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan. Ang iba sa kanila’y lumikas na sa siyudad kung saan nakatira sila sa mga informal settlements at wala silang paraang makakuha ng pagkain, maayos na tirahan, at pangangalagang medikal. Nitong buwan ng Hulyo sa Kunduz, nagbukas ang Doctors Without Borders ng maliit na klinika para sa pagbibigay ng  outpatient consultations sa mga kababaihan at mga batang nawalan ng tirahan sa  Sar Dawra.  

    On 6 July MSF set up a temporary clinic for people displaced by heavy fighting around Kunduz city. The clinic team carried out over 3,400 consultations during the first 12 days. The project is run by a nine-person team, including doctors, nurses and a health promoter. © Prue Coakley/MSF

    Noong ika-6 ng Hulyo nagtayo ang July nagbukas ang Doctors Without Borders ng pansamantalang klinika para sa mga taong nawalan ng tirahan dahil sa labanan sa paligid ng Kunduz city. Ang clinic team ay nagsagawa ng mahigit 3,400 na konsultasyion sa unang 12 na araw. Ang prokyekto ay may siyam na tao sa team, kasama ang mga doktor, nars at health promoter. © Prue Coakley/MSF

    The clinic team carried out over 3,400 consultations during the first 12 days. The project is run by a nine-person team, including doctors, nurses and a health promoter. © Prue Coakley/MSF

    Ang clinic team ay nagsagawa ng mahigit 3,400 na konsultasyion sa unang 12 na araw. Ang prokyekto ay may siyam na tao sa team, kasama ang mga doktor, nars at health promoter. © Prue Coakley/MSF

    In June, heavy fighting around Kunduz city forced thousands of people from their homes. 400 families sought shelter at an informal settlement where MSF teams began providing 12,000 litres of clean drinking water a day. © Prue Coakley/MSF

    Noong Hunyo, libu-libo ang napilitang lumikas dahil sa karahasan sa Kunduz. 400 na pamilya ang nakatisa sa informal settlement, kung saan nagbigay ang Doctors Without Borders ng 12,000 litres ng malinis na tubig kada araw. © Prue Coakley/MSF 

    Sinimulan din ang pagbibigay sa mga tao ng malinis na tubig na maiinom.  Ang klinika ay nakatutulong sa mga 300 na pasyente kada araw. Noong unang bahagi ng Agosto, ipinasa na ng Doctors Without Borders ang mga aktibidad nila sa ibang organisasyon upang kanilang mapagtuunan ang trauma care. Sa siyudad ng Kandahar, nagtayo ang Doctors Without Borders ng pansamantalang klinika na nagbibigay ng pangangalagang medikal sa mga batang wala pang limang taong gulang sa kampo ng Haji, isang informal settlement kung saan kasalukuyang naninirahan ang 500 taong nawalan ng tahanan. Inaayos din namin ang water points, at tinitiyak ang pagkakaroon ng palikuran at liguan. Mula pa noong nakaraang linggo, ika-28 ng Hulyo, mahigit 170 na bata ang nagamot. Karamihan sa kanilang mga sakit ay respiratory illnesses, diarrhea at anemia.

    Sa pagpapatuloy ng alitan, at sa pagputok ng karahasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ginagawa ng Doctors Without Borders ang lahat upang maging angkop ang mga proyekto nito sa pagtugon sa mga nagbabagong pangangailangan. Pero hinaharap ng medical staff sa Afghanistan ang mga labanan na nagaganap sa mga kalye sa paligid ng mga pasilidad medikal, ang kakulangan ng panahon para makapagpahinga, at ang palagiang pag-aalala sa kanilang mga pamilya.

    Ngayong pumapasok na ang mga sagupaan sa mga siyudad, tuloy pa rin pagbibigay-serbisyo ng mga ospital. Ngunit palaging nariyan ang banta ng pagiging nasa maling lugar, tulad ng nakita natin kahapon sa Lashkar Gah. Lahat ng gumaganang pasilidad ay dapat igalang.