Ulat ng mga Aktibidad 2020
Alamin ang mga datos kaugnay ng aming mga nagawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo noong 2020.
Ang taong 2020 ay puno ng hamon para sa mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo, dahil sa iba’t ibang naranasan nilang antas ng sakit, kawalan, takot, at pagkakabukod dahil sa pandemya ng COVID-19 at mga kinahinatnan nito. Sa maraming mga bansa kung saan nagtatrabaho ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF)–at sa ibang lugar kung saan karaniwang kami’y hindi nakakapunta—ang pandemya ang nagpalala ng mga kasalukuyang isyu ng pangangalagang pangkalusugan na dala ng mga alitan, pagkawaln ng tirahan, at kahirapan.
Bagama’t kailangan naming isuspindi ang aming mga serbisyo sa ilang lugar, ang walang kapagurang paninindigan at pagsusumikap ng aming mga team ang nagpahintulot sa amin na tiyaking ang mga komunidad na aming binibigyan ng mga serbisyo ay may access sa pagpapaopera, pangangalaga para sa ina at sa kanyang anak, pagpapabakuna at pagpapagamot ng mga ibang impeksiyon at mga sakit na hindi nakahahawa.
Sa isa sa mga pinakamapanghamon na mga taon sa aming halos kalahating siglo ng pagbibigay-tulong, ang aming mga team ay nagtrabaho sa mahigit siyamnapung bansa upang tumugon sa COVID-19 at sa iba pang mga emergency, sa karahasan, at sa mga outbreak ng sakit, na ginawang mas kumplikado ng pandemya.