Skip to main content

    Sumama ang Doctors Without Borders sa mga noma survivor sa kanilang pagdiriwang sa pagsama ng kanilang sakit sa listahan ng WHO ng mga napabayaang tropical disease

    Doctors Without Borders counsellor from the mental health department, talks to a Noma survivor from Yobe state, before her surgery. Nigeria, May 2023. © Fabrice Caterini/Inediz

    Kausap ng isang Doctors Without Borders counsellor mula sa departamento ng kalusugang pangkaisipan ang isang Noma survivor mula sa estado ng Yobe, bago siya operahan. Nigeria, Mayo 2023. © Fabrice Caterini/Inediz

    Matapos ang pagpupulong sa Geneva noong Oktubre 12, ang Strategic and Technical Advisory Group para sa Neglected Tropical Diseases (STAG-NTD) ay dumating sa konklusyon na pasok ang noma sa lahat ng criteria upang maisali ito sa opisyal na listahan ng WHO. Ibinahagi ng grupo ang rekomendasyon sa WHO director-general, kung kaya’t pinagtibay na niya ito.

    Ikinalulugod namin ang desisyon ng WHO director-general, na nagkumpirma sa sinasabi ng Doctors Without Borders at medical community nang ilang taon na: na ang noma ay isang napabayaang tropical disease at karapat-dapat itong tumanggap ng atensyon at mapagkukunang-yaman. Umaasa kaming ang desisyong ito ay magtatawag ng atensyon sa sakit, padadaliin ang integrasyon ng mga aktibidad para sa pagpigil at paggamot ng noma sa mga dati nang programang pangkalusugan, at udyukan ang paglalaan ng kinakailangang mapagkukunang-yaman upang makatulong sa pagharap sa sakit na ito.
    Mark Sherlock, health programmes manager

    Ang noma ay isang sakit na mapipigilan at madali itong gamutin kung maaagapan. Kapag hindi ito ginamot, sinisira nito ang balat at buto ng mukha sa loob lamang ng ilang linggo, at nauuwi ito sa kamatayan ng mga 90% ng mga nakakuha ng impeksyon. Ang 10% na nabuhay ay kailangang humarap sa matinding sakit, pagkasira ng hitsura at social stigma. Ang sakit na ito ay pinakaraniwan sa mga batang malnourished o nakompromiso na ang mga immune system

    Ang lead sponsor country para sa kahilingan na isali ang noma sa mga NTD ay ang Nigeria. Noong Enero 2023, nagbigay ang Nigerian Ministry of Health ng pakete sa WHO na may kasamang opisyal na request letter, letters of endorsement mula sa 31 na bansa, at mga tinipong ebidensiya na nagpapakita na angkop ang noma sa criteria para masali sa listahan. Sinuportahan ng Doctors Without Borders ang Nigeria sa pagbibigay ng ebidensiyang medikal, batay sa ilang taong pagsasaliksik at hango sa karanasan ng Doctors Without Borders sa paggamot ng mga survivor ng noma, sa pag-asang ang pagsama sa listahan ng NTD ay magdadala ng karagdagang atensyon, mas maagang diagnosis at masasandigang pagsasaliksik.

    Sinuportahan ng Doctors Without Borders ang Sokoto Noma Hospital ng Nigerian Ministry of Health sa Northwest Nigeria mula 2014 kung saan ang mga team nito ay nagsasagawa ng reconstructive surgery, nagbibigay ng nutritional support, mental health support at nagdaos ng outreach activities. Mula 2014, ang mga surgical team ng Doctors Without Borders sa Sokoto ay nakapagsagawa ng 1,203 na operasyon sa 837 na pasyente.

    The outreach team of the Noma Hospital in Sokoto, Nigeria, is showing leaflets to check if someone identifies a noma case in the area. Nigeria, May 2023. © Fabrice Caterini/Inediz

    Ang outreach team ng Noma Hospital sa Sokoto, Nigeria, ay nagsimula noong Enero 2017 ng active case finding sa estado ng Sokoto. Ngayon, dito sa nayon ng Sayinna, nagpapakita ang team ng mga leaflet upang malaman kung may kaso ng noma sa lugar. Nigeria, Mayo 2023. © Fabrice Caterini/Inediz

    Ag pagsama sa listahan ng NTD ng WHO ay mahalagang hakbang, ngunit hindi lang ito ang kailangang gawin. Balak naming ibuhos ang aming mga pagsusumikap sa pagpapakilos ng mga mapagkukunang-yaman at bumuo ng mga strategic alliances sa pandaigdigang komunidad upang mapadali ang programming at pananaliksik upang iangat ang kamalayan ukol sa noma, bawasan ang mga namamatay dahil dito at pabutihin ang kondisyon ng pamumuhay ng mga pasyente at mga survivor.
    Mark Sherlock, health programmes manager

    Balak ng Doctors Without Borders na tuunan ang pagsasaliksik, na lawakan ang mga pakikipag-ugnayan nito sa mga akademikong institusyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo at tuklasin kung ano ang mga sanhi ng noma. Isa pang mahalagang hakbang ay ang isama ang noma surveillance systems sa trabahong medikal ng Doctors Without Borders. “Sa mga bansang endemic, balak ng Doctors Without Borders na ipakilala ang team para sa noma sa pamamagitan ng pagsama nito sa dati ng mga programa ng Doctors Without Borders, gaya ng malnutrition screening at mga kampanya para sa pagbabakuna, kung saan ang layunin ay maagang pagtuklas at agarang paggamot,” sabi ni Sherlock.  

    Ipagpapatuloy ng Doctors Without Borders ang kanilang adbokasiya para sa noma. Ang tatlong taon nitong kampanya ay nakatanggap ng malakas na suporta mula sa mga survivor ng sakit, na nagpahiram ng kanilang mga boses upang maiparating ang simple ngunit mahalagang mensahe: na ang noma ay madaling pigilan at madaling gamutin na sakit, na dapat ay wala na ito sa mundo


    Sinuportahan ng Doctors Without Borders ang Sokoto Noma Hospital ng Nigerian Ministry of Health mula 2014, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng reconstructive surgery, sa pagbibigay ng nutritional support, mental health support at pagdadaos ng outreach activities. Mula 2014, ang mga surgical team ng Doctors Without Borders ay nagsasagawa ng 1,260 na mga surgery sa 882 na mga pasyente. Ang lahat ng mga serbisyo sa Sokoto Noma Hospital ay ibinibigay nang libre.

    Categories