Skip to main content

    Mga Natural na Kalamidad

    Ang mga natural na kalamidad na tulad ng mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan, tsunami, at iba pa ay maaaring magdulot ng nakapanlulumong epekto sa buong komunidad. Daan-daan o libo-libong tao ang maaaring masaktan, mawalan ng tirahan, at maging ng hanapbuhay. Maaari ring maantala ang pagkakaroon nila ng malinis na tubig, mga serbisyong pangkalusugan, at maayos na transportasyon.

    Mula sa mga pangyayaring nagdudulot ng malawakang pinsala hanggang sa mga lokal na sakuna, laging handang tumugon ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF). Kami’y may 50 taon ng karanasan sa pagresponde sa mga emergency, at marami kaming mga aid workers at supplies sa iba’t ibang bahagi ng mundo na maaari naming gamitin ayon sa pangangailangan.  

    In Manila and its surrounding areas, MSF teams are working to provide medical care

    Sa Maynila at sa mga nakapalibot na lugar dito, kumikilos ang MSF upang makapagbigay ng pangangalagang medikal at makapamahagi ng mga bagay na magagamit ng mga nasalanta ng tatlong bagyo at tropical storms noong Oktubre at Nobyembre 2009. Libo-libong tao ang nakatira sa mga binabahang lugar, katulad ng nasa larawan na malapit sa isang kanal sa silangan ng Maynila. Ang mga taong nakatira rito’y malapit sa peligro, nasa bahay man sila’t binabaha o nasa mga siksikang evacuation centers. © Benoit Finck/MSF

    Kagyat na Pagtugon 

    Noong ika-8 ng Nobyembre 2013, ang bagyong Haiyan, isa sa mga pinakamalakas at pinaka-mapinsalang bagyong naitala sa kasaysayan, ay nanalanta sa Pilipinas.  

    “Ang ganitong klase ng kalamidad ay walang kahalintulad sa Pilipinas. Ang epekto nito’y parang isang malakas na lindol na sinundan ng matataas na baha,” sabi ni Dr. Natasha Reyes, Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières' (MSF) emergency coordinator sa Pilipinas. 

    Isang araw matapos tumama ang bagyo sa lupa, nasa mismong pinangyarihan na ang MSF, at nag-oorganisa na ng relief efforts. Ito ang pinakamalaking emergency response ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa Pilipinas at sa rehiyon.  Ito ang mga nagawa o naipamahagi ng MSF:

    • 11,624 surgical interventions;
    • 29,188 na bakuna laban sa tetano, tigdas, polio at hepatitis
    • 27,044 mental healthcare at counselling sessions;
    • 2,445 na sanggol ang ipinanganak;

    Nagpamahagi rin kami ng: 

    • 71,979 relief kits;
    • 50,000 food packs;
    • at 14,473,500 na litro ng tubig ang naipamahagi. 

    Nagkaroon kami ng mobile clinics sa 133 na lugar at nagtayo kami ng isang semi-permanent na ospital. Tumulong din kaming ayusin ang pitong ospital. 

    Stories from the field: Ang Pagtugon sa Tatlong Disasters sa Central Sulawesi 

    Nang tamaan ng mapinsalang lindol at tsunami ang Central Sulawesi sa Indonesia, kasama si  Doctor. Rangi W. Sudrajat sa emergency response team na pinapunta ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières' (MSF) upang tumulong sa mga komunidad na naputulan ng koneksyon sa mundo dahil sa mga pinsalang dulot ng  kalamidad.   

    Ika-7 ng Oktubre noon, siyam na araw matapos alugin ang Central Sulawesi ng lindol na 7.5 ang magnitude, na sinundan pa ng paghampas  ng nakapaparalisang tsunami na anim na metro ang taas.  Umakyat na ang bilang ng mga namamatay sa 1,900, at patuloy pa ito sa pagtaas. Iyan ang balitang umaalingawngaw sa Makassar airport ilang sandali bago sumakay ng eroplano si Dr. Rangi papuntang Palu City. 

    Pagdating niya sa Palu, napakaraming tao sa paliparan, pawang naghihintay ng eroplanong magdadala sa kanila palabas sa siyudad. May nakita siyang isang batang may benda sa ulo. Natutulog ang bata sa kandungan ng nanay niya. Abalang-abala ang mga tao sa paliparan,  may mga military aircraft na nakaparada sa kakaayos lang na runway. Tanaw mula sa loob ang mga labi ng ngayo’y pamilyar nang gumuhong air traffic control tower.  

    Image of Tsunami Central Sulawesi 2018

    Matinding pinsala sa Talise Subdistrict ng Mantikulore, Palu City, isa sa mga pinakaapektadong lugar ng lindol at tsunami na yumanig sa Central Sulawesi noong ika-28 ng Setyembre 2018. © Dirna Mayasari/MSF 

    Naputol na koneksyon sa mundo

    Nang sumunod na araw, si Dr. Rangi, ang nurse, at ang taong titingin sa water and sanitation ay sumama sa isang mobile clinic. Pumunta sila sa community health center sa nasalantang bayan ng Baluase sa Sigi, isa sa tatlong probinsiyang napinsala nang husto ng tatlong kalunos-lunos na pangyayari: lindol, tsunami, at liquefaction. Ayon sa namamahala ng community health center, dati raw, wala pang isang oras ay nakakarating na ang mga tao sa bayan nila. Pero ngayon, pagkatapos ang lindol, doble na ang haba ng oras ng biyahe para lang makarating sa kanila. 

     

    A sign reading "Need medical help" in Sigi

    Karatulang may mensahe: “Kailangan ng tulong medikal” sa lokal na wika ng Sigi. © Rangi W. Sudrajat/MSF

    Mula sa maliit na bintana ng kotse, kita ni Dr. Rangi ang matataas na damo sa paligid at ang bagong gawang kalsada. Tinabas ng militar ang damo at binuhusan ng buhangin ang lupa upang makagawa ng kalsada dahil sinara ng lindol ang lahat ng daan na maaaring maging koneksyon ng Sigi sa mundo. 

    Kahit saan siya tumingin, ang nakikita lang niya ay panay mga labi ng pagguho. Bumuka ang lupa, nagbagsakan ang mga bahay, wasak ang mga gusali. Mula sa kalayuan, parang walang nangyari sa gusali ng Puskesmas Baluase. Ngunit pag nilapitan, kitang-kita na ang sentro ng  pangkalusugan sa distrito, na nagsisilbi sa mahigit 15,000 katao, ay lubhang napinsala. 

    Pero may plano na ang MSF para maibalik ang mga serbisyong pangkalusugan sa lugar. Pagdating ng ika-15 ng Oktubre 2018, inilatag na ng MSF ang pundasyon para sa isang pansamantalang Puskesmas.  

    Habang abala ang logistics at water sanitation team sa pagsasaayos ng health centre, sinumulan na nina Dr. Rangi at ng kanyang medical team, kasama ang Puskesmas staff, ang kanilang pang-araw araw na mobile clinic activities sa 13 nayon sa  South Dolo District.

    Sa pagtatrabaho niya para sa MSF, marami nang naging karanasan si Dr. Rangi sa emergencies sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ngunit ang paggamot sa mga biktima ng isang napakalaking trahedyang nangyari sa kanyang sariling bayan ay isang kakaiba at makadurog-pusong karanasan. Napaka-personal ng epekto nito sa kanya. 

    Noong nangyari ito, ginawa niya kung ano ang karaniwan niyang ginagawa sa kanyang ibang misyon,. Nakipaglaro siya sa mga bata. 

    Pagpasok sa Disaster Zones

    Ang emergency teams ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ay mga dalubhasa sa mabilis na pagtasa ng sitwasyon at sa pag-organisa ng kagyat na pagtugon.  

    Nakaimbak na sa mga bodega sa iba’t ibang lugar sa mundo ang medical at logistical supplies, at nakapakete na ang mga ito upang madaling maipamahagi.  

    Nasa hanay namin ang mga staff na hindi tatangging iwan ang anumang pinagkakaabalahan nila para tumulong sa kahit saang bahagi ng mundo. Dahil dito,  nakakapunta kami agad kung saan kami kinakailangan. Alam naming hindi makapaghihintay ang mga ganitong sitwasyon.  

    Stories from the field: Pagkatapos ng Malawakang Pananalanta ng Bagyong Goni at Ulysses sa Pilipinas 

    Sa unang araw ng Nobyembre, hinagupit ang Pilipinas ng isa sa pinakamalakas na bagyo ng 2020. Ang bagyong Goni, na kilala sa Pilipinas bilang bagyong Rolly, ay nagdulot ng matinding pinsala sa rehiyon ng Bikol, partikular na sa mga probinsiya ng Catanduanes at Albay, na may layong  300 kilometro sa timog silangan ng Maynila. Bago tumama sa lupa, itinala ang Goni bilang category 5 – ang pinakamataas na antas – na bagyo. 

    Outreach activities and health assessments in Philippines,

    Mga kuha mula sa outreach activities at health assessments sa isla ng San Miguel sa probinsiya ng Catanduanes sa Pilipinas, kasunod ng pagtama sa lupa ng mga bagyong Goni at Ulysses. Bagama’t kitang-kita ang matinding pinsala sa mga kabahayan, kakaunti ang namatay. © MSF

    Outreach activities and health assessments in Philippines.

    Mga kuha mula sa outreach activities at health assessments sa isla ng San Miguel sa probinsiya ng Catanduanes sa Pilipinas, kasunod ng pagtama sa lupa ng mga bagyong Goni at Ulysses. Bagama’t kitang-kita ang matinding pinsala sa mga kabahayan, kakaunti ang namatay. © MSF

    Pagkalipas ng tatlong linggo, wala pa ring kuryente ang malaking bahagi ng Albay at Catanduanes, at di pa rin maaasahan ang cellular coverage at internet connection. Dahil sa pinsalang dala ng bagyong Goni, nagpadala ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières' (MSF) ng assessment teams sa dalawang probinsiya. 

    Ngunit di pa nagtatagal ay humarap na ang mga MSF teams sa panibagong hamon. Tumama sa lupa ang bagyong Ulysses noong Nobyembre 11 at 12, kaya’t kinailangang ipagpaliban ang assessment at ang pagtugon ng MSF. “Kailangan naming tumigil at hintaying makadaan na ang Ulysses. Ang mga pinakaapektado ay ang mga lugar sa hilaga ng Maynila,” paliwanag ni Jean-Luc Anglade,  ang head of mission ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières' (MSF) sa Pilipinas. 

    “Una naming binisita ang bayan ng Guinobatan, kung saan nagdala ang bagyo ng lahar. Ito ang kauna-unahang beses  na naranasan ng mga kasalukuyang residente ng San Francisco at Travesia na bahain ng lahar. Habang tinitingnan namin ang isa sa mga nasalantang lugar at naglalakad kami sa  ibabaw ng malalaking bato, sinabi sa aming may bahay dati sa mismong kinatatayuan namin. Nakakabagabag iyon,” kuwento ni Dr. Rey Anicete,  ang emergency team leader ng MSF sa Albay. 

    Nagpamigay ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa dalawang evacuation centers ng jerry cans na paglalagyan ng tubig na maiinom, at ng mga COVID-19 prevention kits.  Ang bawat kit ay naglalaman ng dalawang masks na puwdeng labhan, hand sanitiser, at isang face shield. May plano ring magsagawa ng pagsasanay sa infection prevention and control (IPC) kaugnay ng COVID-19, kasabay ng pagbibigay ng personal protective equipment (PPE) sa staff ng mga evacuation centres. 

    Families have to stay at evacuation centres where MSF provides jerry cans, and PPE to prevent outbreaks of COVID-19 in the centres.

    Kailangan munang manatili ng mga pamilya sa  evacuation centres kung saan namimigay ang MSF ng jerry cans at ng PPE upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa centres. © MSF

    “Mula pa noong Marso, matindi na ang epekto ng COVID-19 sa buhay ng mga Pilipino. At sa isang evacuation centre, lubhang mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan at pag-obserba ng social distancing upang di magkaroon ng outbreak. Parehong mahalaga ang papel na ginagampanan ng health staff at ng evacuees upang maisakatuparan ang mga IPC goals,” sabi ni Allen Borja, isang MSF IPC nurse sa Albay. 

    Samantala, sa Catanduanes, isang probinsiya na nasa isang isla, 6 sa 11 na munisipalidad ang nagtamo ng malubhang pinsala nang tumawid dito ang bagyong Goni. Ang islang ito ang pinaka-nasalanta ng bagyo, napakaraming nasirang tirahan at pagkukunan ng pagkakakitaan. Sa kabutihang-palad,  nakabalik agad ang mga tao sa kanilang mga bahay at nakapagsimula na sa pagkumpuni at pag-ayos ng mga nasira. 

    “Noong Nobyembre 24, inilunsad ng MSF sa munisipalidad ng San Miguel ang kanilang tugon sa kalamidad.  Kasama ang mga health workers mula sa Municipal Health Offices, namahagi ang  isang doktor at isang nurse mula sa MSF ng medical supplies para sa mga pinaka-apektadong barangay. Namigay kami ng aqua tabs para sa water purification at jerry cans para may mapaglagyan ng tubig  ang humigit -kumulang 2,500 na  pamilya,” “ kuwento ni Dr. Hana Badando, emergency team leader sa Virac, Catanduanes. 

    Ang Paggamot sa Nasugatan 

    Isa sa aming prayoridad ang alamin kung ilan ang nasaktan at kung naapektuhan ng kalamidad ang kapasidad ng lugar para makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan. Kung ang mga nasugatan o nabalian ng buto ay di magamot at mabigyan ng tamang  post-operative care, maaaring magkaroon sila ng impeksyon.  

    Magpapadala ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ng mga medical units na magsasagawa ng surgical procedures,  magbibigay ng  post-operative care at ng physiotherapy. Isa pang maaaring gawin ay ang pagbubukas ng mobile hospitals, tulad ng inflatable hospital, na angkop gamitin pagkatapos ng lindol dahil sa posibilidad ng aftershocks. 

    Binibigyan din ng prayoridad ang pagbabalik ng mga serbisyong pangkalusugan at ang pamamahagi ng mga relief items. Pero mahalagang tandaan na di lang mga pinsala sa katawan ang dapat pagtuunan. Kailangan din ang mental health support upang makabangon agad ang mga tao. 

    Central Sulawesi: Ang Pasilidad ng MSF Para sa Kalusugan ay patuloy na Nagsisilbi sa mga Nasalantang Komunidad 

    Anim na buwan pagkatapos tamaan ang Central Sulawesi ng tatlong kalunos-lunos na pangyayari: lindol, tsunami at liquefaction, ang pansamantalang pasilidad na pangkalusugan na itinayo ng MSF sa Dolo Selatan Sub-District ay patuloy na nagsisilbi sa mga nasalantang komunidad. Dahil ang health centre ng Baluase ay lubhang napinsala dahil sa mga nabanggit na trahedya, 12 na nayon ang nawalan ng access sa pangangalagang medikal. 

    Bukod sa pagbibigay ng medikal na serbisyo at mobile health care services, ang MSF, sa pakikipagtulungan sa mga namumuno ng Baluase health centre at ng Sigi District health agency, ay nagdesisyong magtayo ng pansamantalang centre na may outpatient, maternity at emergency department , at water at toilet facilities.  

    Ayon kay Dr. Adelide Krisnawati Borman o Dr. Krisna, ang namumuno sa Baluase Health Centre, sa South Dolo Sub-district, Central Sulawesi, “ Nang dumating ang MSF upang tingnan ang kondisyon ng Community Health Centre pagkatapos ng lindol,nakita nilang lubha itong napinsala. Ni hindi kami makapasok sa loob. Nagtayo ang MSF ng pansamantalang istuktura para sa amin. Inabot lang sila ng isa hanggang dalawang linggo, tapos  lumipat na kami at mula rito’y nakakapaghatid na kami ng serbisyo.” 

    Temporary health centre built by MSF

    Binigyang-diin ni  Dr. Krisna na ang lahat ng kinakailangang pasilidad ay makikita sa  pansamantalang Baluase centre na itinayo ng MSF. Mayroon itong outpatient, maternity, at emergency departments, pati na rin mga water and toilet facilities. Makikita sa larawang ito ang isa sa mga kuwarto na ginagamit para sa inpatients. © Eka Nickmatulhuda 

    Ayon kay Dr.Krisna , ang  health centre na  ito ay ginagamit ng labindalawang nayon. Araw-araw, tumatanggap dito ng mga 20 hanggang 30 na outpatients, at 5 to 10 inpatients. Mula Nobyembre 2018, noong nagsimula ang pagbibigay ng pasilidad ng serbisyong medikal, nakatanggap sila ng mahigit 3,000 pasyente.  

    Binigyang-diin ni Dr. Krisna  na ang lahat ng kinakailangang pasilidad ay makikita sa  pansamantalang Baluase centre na itinayo ng MSF. Mayroon itong outpatient, maternity, at emergency departments, pati na rin mga water at toilet facilities. Dagdag pa niya, nakakabigay sila ng serbisyong pangkalusugan araw-araw , nagsasagawa ng outpatient care, at nagbukas din ng polyclinic para sa mga bata. “May pharmacy, obstetrics, emergency, at inpatients room. Mayroon din kaming paminggalan kung saan maaari kaming magluto. May palikuran din. Nakatulong talaga ang pansamantalang istrukturang itinayo ng MSF. Nagpapasalamat kami. Kapaki-pakinabang ito para sa amin, at sa lahat ng tao rito.” 

    Image of the pharmacy where the patients can get their medicines after consulting the doctor. 

    Ang pasilidad ay meron ding pharmacy kung saan maaaring kunin ng mga pasyente ang kanilang gamot pagkatapos ng kanilang konsultasyon. © Eka Nickmatulhuda 

    Sabi ni Dr. Krisna, natutuwa ang staff na tuloy-tuloy ang kanilang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan gamit ang pansamantalang health centre. Noong una raw, hindi nila inaasahang magiging ganoon kaayos ang pagkakagawa ng istruktura. Pero wala pang isang buwan pagkatapos ng konstruksyon nito’y nakapagsimula agad sila sa pagbibigay ng serbisyong medikal. “Malamang, magagamit pa namin ito nang isa pang taon,”  sabi ni Dr. Krisna. 

    Pagtutulungan para sa Pambansang Relief Efforts

    Ang tugon ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières' (MSF) sa kalamidad ay binuo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga kumikilos para sa buong bansa, habang binibigyang-halaga ang mga stratehiya at gawaing lokal, at isinasaalang-alang ang mga limitasyon sa panahon, kalidad at kaangkupan ng naibibigay na tulong ng pandaigdigang komunidad. 

    Patuloy naming pinag-aaralan ang halagang naidadagdag ng tulong na naibibigay namin, at lagi naming kinukuwestiyon kung angkop pa ang presensiya namin sa lugar. Layunin naming ibalik ang pamamahala ng mga gawaing medikal sa mga lokal na awtoridad o sa mga katuwang na organisasyon kapag hindi na nila kailangan ang aming suporta.