Skip to main content

    Iraq: Doctors Without Borders nagbibigay ng pangangalaga matapos ang operasyon ng mga pasyenteng nangangailangan nito sa Baghdad

    A teenage patient receives physiotherapy in Doctors Without Borders' Baghdad Medical Rehabilitation Centre. Iraq, 2019. © Nabil Salih/MSF

    Tumatanggap ng physiotherapy ang isang batang pasyente sa BMRC ng Doctors Without Borders. Nasaktan si Kadhim noong Oktubre 27 noong natamaan ang kanyang binti ng isang tear gas cannister sa gitna ng mga protesta sa Baghdad. Iraq, 2019. © Nabil Salih/MSF

    “Dahil nagbago na ang konteksto ng karahasan mula noong nagbukas ang BMRC noong 2017 at 17% na lang ng aming mga pasyente ngayon ang narito dahil sa karahasan, ang paglipat ng post-operative care na aming binibigay sa inpatient department ng mga ospital na pinapatakbo ng gobyerno ang inaasahang susunod naming hakbang,” sabi ni Hani Almalihi, Head of Mission sa Baghdad.

    Isinara ang inpatient department (IDP) sa BMRC, samantalang pinanatili naman ang out-patient department, kung saan nagbibigay pa rin sa mga pasyente ng mga libreng serbisyong medikal tulad ng physiotherapy, pangangalaga ng mga nars, at mga konsultasyon para sa kalusugang pangkaisipan. At sa tulong ng Medical City Orthopedic Hospital sa Baghdad, sinimulan na namin ang decentralization.

    Nagsagawa kami ng mga pagsasanay at nagkaroon ng mga diskusyon kasama ang staff ng ospital ukol sa kahalagahan ng physiotherapy sa post-surgical care. Sa pamamagitan ng pagbahagi ng aming kaalaman at karanasan, at ng pagtulong namin sa Ministry of Health staff upang paunlarin ang kanilang kapasidad sa paggamit ng modelong ito ng pangangalaga, mas maraming pasyente ang aming natutulungan.
    Hani Almalihi, Head of Mission

    Dagdag pa rito, ang Doctors without Borders ay nagsagawa ng mga presentasyong nagbibigay ng pangunahing kaalaman tungkol sa maagang rehabilitasyon pagkatapos ng orthopedic surgeries sa mga pampublikong ospital sa Baghdad, tulad ng Al-Wasiti, Al-Kindi at Alkarkh. “Ang mga presentasyong ito’y isang imbitasyon para sa hinaharap, para sa isang kolaborasyon sa pagitan ng BMRC at ng mga pampublikong ospital upang isulong ang maagang rehabilitasyon pagkatapos ng operasyon bilang modelo ng pangangalaga,” paliwanag ni Hani Almalihi.

    Binigyang-diin ng organisasyon kung gaano kahalaga ang post-operative early rehabilitation upang mapigilan ang mga kumplikasyon sa kalusugan at mapabuti ang kalidad ng buhay ng pasyente. Ipinakikita rin ng mga eksperto ang mga kapakinabangan ng paggamit ng modelo ng pangangalaga na kinasasangkutan ng iba’t ibang disiplina tulad ng physiotherapy, pangangalaga ng nars, at kalusugang pangkaisipan.

    Ang mga aktibidad sa Baghdad Medical Rehabilitation Center mula 2017

    1,869 patients were admitted to the Baghdad Medical Rehabilitation Center (inpatient and outpatient)
    78,672 consultations (medical, nursing, and physioptherapy)
    13,119 mental health sessions

    Binuksan ng Doctors Without Borders ang proyekto sa Baghdad Medical Rehabilitation Centre (BMRC) noong Agosto 2017 upang magbigay ng pangangalaga para sa mga biktima ng karahasan na nangangailangan ng rehabilitasyon ng kanilang katawan at isipan. Habang unti-unting bumababa ang bilang ng mga pasyenteng naapektuhan ng karahasan dahil sa pagbawas din ng mga bayolenteng insidente sa Iraq, nagsimula ang centre na tumanggap na din ng mga biktima ng aksidente sa daan. Ang team sa BMRC ay maagang nagbibigay ng komprehensibong post-operative care services sa mga taong nasaktan. Kabilang sa mga serbisyong ito ang pangangalagang medikal, pangangalaga ng mga nars, physiotherapy at pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan, pati na rin paggamot sa mga taong may impeksyon na di tinatalaban ng antibiotics.

    Mula 2017, 1,869 na pasyente ang tinanggap sa BMRC (inpatient at outpatient).  Ang  mga team ay nakapagsagawa ng 78,672 na konsultasyon (medikal, nursing at physiotherapy) at 13,119 na sesyon para sa kalusugang pangkaisipan.