Indonesia: Ang Doctors Without Borders ay nagdaos ng methanol poisoning workshop para sa mga health worker sa Jakarta
Ang mga kasali sa methanol poisoning workshop ay galing sa mga ospital sa Jakarta, pati na rin sa Jakarta Health Office at sa Ministry of Health. © Cici Riesmasari/MSF
Sa dalawang araw na workshop na ginanap noong Oktubre 11 at 12, 2023, nagbigay ng pagsasanay ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) sa 53 na mga health worker mula sa Jakarta tungkol sa methanol poisoning case management sa mga pasilidad pangkalusugan. Ang workshop ay idinaos sa Kemang, sa timog ng Jakarta.
Ang methanol (CH3OH) ay isang mapanganib na alkohol na sangkap ng iba’t ibang produkto para sa kabahayan at mga industriya. Ang methanol ay nakalalason, maaaring magdulot ng malubhang metabolic disorders, pagkabulag, mga tumatagal na neurological disorders, at maaari ring maging sanhi ng kamatayan. Sa kasamaang palad, ang methanol poisoning ay isa sa mga napapabayaang medical emergency sa buong daigdig, at kabilang sa mga lugar kung saan hindi ito nabibigyan ng sapat na atensyon ay ang Indonesia.
Kung titingnan natin ang mga datos mula sa nakaraang dalawang dekada, ang Indonesia ay ang may pinakamataas na bilang ng mga kumpirmado at pinagdududahang kaso ng methanol poisoning sa buong mundo. Mula 2017, nagkaroon na ng mahigit sa 200 na kumpirmadong insidente ng methanol poisoning sa Indonesia na naitala ng Doctors Without Borders. Ngunit sa kabuuan, ang bilang ng mga naiulat na naging biktima ng methanol poisoning ay malamang aabot ng mahigit sa 1,100. Kabilang na rito ang mahigit sa 700 na mga namatay.
Dahil ang Doctors Without Borders ay nagtatala lamang ng mga kasong natutukoy sa mga balita, ang laki ng problemang ito ng pampublikong kalusugan ay natatasa nang lubhang mas mababa sa talagang bilang. May kagyat na pangangailangan para sa maunlad na pag-uulat at pagsusubaybay, mga hakbang sa pampublikong kalusugan na makatutulong sa pagtaas ng kamalayan at pagpapabuti ng pagpigil ng sakit, at pagpapalakas ng napapanahong diagnosis at pangangasiwang medikal ng mga pasyenteng nasa mga pasilidad para sa pangangalagang pangkalusugan.
Sa pambungad na pananalita ng workshop, ipinaliwanag ni Dr. Roger Teck, Country Director ng Doctors Without Borders sa Indonesia, ang mga sumusunod.
Sinuportahan ng Doctors Without Borders ang Ministry of Health ng pamahalaan ng Indonesia sa pagbuo at implementasyon ng mga aktibidad na naglalayong mabawasan ang mga panganib sa kalusugan at tumugon sa mga epekto ng mga natural na kalamidad at iba pang mga sanhi ng mga krisis sa kalusugan. Sa pamamagitan ng Capacity Building Hub para sa Emergency Preparedness at Response (E-Hub) Project, nilalayon ng Doctors Without Borders na da/gdagan ang kamalayan, suportahan ang pagpigil, at pagtibayin ang mga kasanayang medikal para sa methanol poisoning bilang napapabayaang medical emergency.
Malugod na tinanggap ni Dr. Eva Susanti, Director of Prevention and Control of Non-Communicable Diseases ng Ministry of Health ang pangako ng Doctors Without Borders na makipagtulungan sa MOH sa pagpapatibay ng pagpigil at pagharap sa methanol poisoning.
Si Dr. Eva Susanti (kaliwa), Director ng MOH Directorate of NCDs of the Ministry of Health of Indonesia, at si Dr. Roger Teck (kanan), Country Director ng Doctors Without Borders sa Indonesia, nung unang araw ng methanol poisoning workshop, na inorganisa ng Emergency Hub team. © Andrea Ciocca/MSF
Ipinapaliwanag ni Dr. Knut Erik Hovda, isang medical doctor na espesyalista sa intensive care medicine at clinical toxicology, ang mekanismo ng methanol poisoning. © Cici Riesmasari/MSF
Sa pagtatapos ng workshop, nagbigay ang Doctors Without Borders ng mga poster kung saan nakabalangkas ang praktikal na gabay para sa clinical treatment ng methanol poisoning sa mga pasilidad pangkalusugan. Ang mga poster na ito’y maaari nilang ipakita sa kanilang mga lugar na pinagtatrabahuhan. © Andrea Ciocca/MSF
Para sa workshop na ito, inimbitahan ng Doctors Without Borders Indonesia si Dr. Knut Erik Hovda, isang medical doctor na mula sa Oslo University Hospital sa Norway. Siya’y isang espesyalista sa intensive care medicine at clinical toxicology, at kanyang ibinahagi ang malawak niyang kadalubhasaan tungkol sa methanol poisoning— kabilang na rito ang mga emergency intervention kasama ang Doctors Without Borders. Tinalakay sa workshop ang mga diagnostic procedure, treatment option, at prognosis assessment. Dagdag pa rito, siniyasat ng mga kalahok ang kalahagahan ng pagiging handa para sa emergency, at pinag-usapan ang posibilidad ng pagbuo ng mga partikular na patnubay nang naaayon sa konteksto ng Indonesia.
Sa workshop ay napakinggan din ng mga kalahok ang mga dalubhasang Indonesian tulad ni Dr. Tri Maharani ng MOH Research & Development na siya ring Presidente ng Indonesia Toxicology Society, at si Dr. Elvine Gunawan, isang sikolohista na nagsalita tungkol sa mga sikolohikal na aspeto ng mga survivor ng methanol poisoning. Si Professor Hossein Hassanian Moghaddam, ang Presidente ng Asia-Pacific Association of Medical Toxicology mula sa Iran ay sumali sa workshop gamit ang Zoom, upang ibahagi ang kamakailan lang na outbreak ng methanol intoxication sa Iran habang tumutugon sa pandemyang Covid-19, dahil sa pagtaas ng paggamit at pagkonsumo ng mga hand sanitizer na mayroong methanol.
Tinanggap sa diskusyon ang mahahalagang gawain na kailangang ipatupad sa Indonesia upang itaas ang kamalayan ng mga health care worker at ng mga komunidad. May pangangailangan para sa open dialogue kasama ang komunidad, mga namumuno sa relihiyon, at mga tradisyonal na liderato, ukol sa mga tamang mensahe para maiwasan ang methanol poisoning, maitaguyod ang kaugaliang maghanap ng pangangalagang pangkalusugan upang mapaglabanan ang mga ipinagbabawal at mga stigma, at ang pagtanggap sa paggamit ng mga antidote, gaya ng ethanol bilang makasagip-buhay na gamot. Kritikal na ang gastusin para sa diagnosis at paggamot ng methanol poisoning ay bayaran ng National Health Insurance, upang matiyak na ang lahat ng mga taong apektado ng methanol positioning ay may access sa makasagip-buhay na paggamot na ito.
Sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga kalahok ng workshop ng kinakailangang kaalaman at kasanayan, binibigyan sila ng kapangyarihan ng mga health care professional upang mabisang tumugon sa mga kaso ng methanol poisoning. Ito’y hindi lang upang matiyak ang maagap na paggamot ng mga apektadong tao, ngunit nakatutulong rin sa pagtaas ng kamalayan ukol sa mga panganib ng methanol poisoning sa komunidad, nang sa gayo’y makaiwas sa mga insidenteng kaugnay nito sa hinaharap, at makasagip ng mga buhay.