Skip to main content

    Indonesia: Ang E-Hub Initiative, kontribusyon ng Doctors Without Borders sa Emergency Preparedness and Response

    E-Hub Workshop group photo

    Isang araw na workshop kung saan nagbalik-tanaw sa mga nagawa noong 2023 at ibinahagi ang mga plano para sa 2024-2026 ay idinaos noong Miyerkules, Disyembre 13, 2023, sa timog na bahagi ng Jakarta. © Cici Riesmasari/MSF

    Ang proyektong ito ay bagong inisyatiba na nakatuon sa pagtataguyod ng kapasidad para sa emergency preparedness and response ng mga health care worker, non-health care worker, at mga miyembro ng komunidad na nangangakong rumesponde sa mga medical emergency kapag may krisis sa kalusugan sa kanilang mga komunidad. Pinabubuti ito at pinatutupad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Health Crisis Center ng Ministry of Health ng Republic of Indonesia. Ang susunod na tatlong taon ng implementasyon nito ay pagtitibayin sa isang bagong Memorandum of Understanding (MoU) sa pagitan ng Doctors Without Borders Indonesia at ng Ministry of Health para sa 2024-2026.

    Noong unang tatlong buwan ng 2023, ipinakilala ng E-Hub Project ang mga programa ng pagsasanay sa apat na natatanging aspeto ng medical emergency response. Dinisenyo ang mga programang ito upang punan ang mga kritikal na puwang, na tinukoy sa tulong ng Health Crisis Center (PKK) ng Ministry of Health, at nakasandal sa kadalubhasaan ng Doctors Without Borders sa medical emergency response.

    Kabilang sa mga aspetong ito ang (1) Medical Emergencies (pag-oorganisa ng mga serbisyo para sa pangangalagang pangkalusugan kapag may emergency, mass casualty incident management at ang pangangasiwa ng mga outbreak); (2) Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) sa konteksto ng mga emergency; (3) Data Management, kabilang ang paggamit ng Geographic Information Systems (GIS) sa mga emergency; at (4) Environmental Health sa panahon ng mga emergency (sa ngayo’y nakatuon ito sa medical waste management sa mga pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan, ngunit sa kalaunan ay isasama na rin ang mga may kaugnayan sa tubig, kalinisan, at sanitasyon sa mga komunidad). 

    Mga karanasang pandaigdigan at pagtulong ng mga lokal na residente sa mga pagtugon sa emergency 

    Mahigit limampung taon na ang Doctors Without Borders, at sa kasalukuyan, may mga proyekto ang organisasyon sa mahigit pitumpung bansa. Kapag may emergency o sakuna gaya ng mga pagbaha o paglindol saan mang bahagi ng mundo, ang Doctors Without Borders ay kadalasang isa sa mga organisasyong nangunguna sa pagbibigay ng kinakailangang pangangalagang medikal at suporta tulad ng access sa malinis na tubig, sanitasyon, pagkain at masisilungan.

    Nitong mga nakaraang taon, tumulong ang team ng Doctors Without Borders sa Indonesia sa medical emergency responses sa iba’t ibang sakuna sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad pangkalusugan ng probinsiya, distrito, at lokal na komunidad, at pati na rin sa MOH Health Crisis Centre na nangungunguna sa Health Cluster response. Sa lawak ng karanasan ng lahat ng nasasangkot, naniniwala ang team ng Doctors Without Borders na maisasagawa ang capacity-building programme na angkop sa mga pangangailangan at kondisyon ng mga apektadong komunidad sa Indonesia

    Dito sa Indonesia, sumang-ayon ang Doctors Without Borders sa Ministry of Health na pagtuunan ang capacity building, upang mapalakas ang kapasidad para sa emergency preparedness and response. Ito ang nag-udyok sa amin na gawin ang E-Hub project na nakatuon sa capacity building for emergency responders, medical at non-medical, nagtatrabaho para sa mga organisasyon o para sa mga komunidad. Sila ang mga tatawagan para tumulong sa mga medical emergency response kapag may mga krisis sa kalusugan. Nagpapasalamat kami sa ginagawa ng Health Crisis Centre upang maorganisa ang reserve health force sa pamamagitan ng database ng Health Crisis Center, na nakatutulong para sa mabilis na pagpapakilos ng mga emergency medical team bilang bahagi ng mas malawakang pagtugon.
    Dr. Roger Teck, Country Director
    Token of appreciation to MoH

    Iniabot ni Dr. Roger Teck, Country Director ng Doctors Without Borders Indonesia, ang E-Hub Project report kay Dr. Sumarjaya, Pinuno ng Health Crisis Center sa Ministry of Health. © Aditya Rachmat/MSF

    MSF & MoH Indonesia

    Mula kaliwa: Dr. Ira Cyndira Tresna (Pinuno, UN & Other Partnerships Working Team, Health Crisis Center ng MoH), Gabrielle Santi (Project Coordinator ng Doctors Without Borders Indonesia E-Hub), Dr. Sumarjaya (Pinuno, Health Crisis Center sa Ministry of Health), Dr. Roger Teck (Country Director ng Doctors Without Borders Indonesia), at Dr. Yoko Ratnasari (Deputy Medical Doctor sa Doctors Without Borders Indonesia). © Cici Riesmasari/MSF

    MAM E-Hub dr Tutut

    Ipinakita ni Dr. Tutut Sri Purwanti, ang Medical Activity Manager ng E-Hub ng Doctors Without Borders, ang mga aktibidad nung 2023. Photo: © Cici Riesmasari/MSF

     

    Supervisors E-Hub MSF Indonesia

    Sa workshop, ang mga E-Hub training supervisor ay nagbigay ng maikling pangkalahatang ideya ng kanilang pagsasanay na nagbibigay-diin sa pagtuon sa emergency preparedness at response capacity. © Cici Riesmasari/MSF

    Ang Ministry of Health ay naninindigang lilikha ng malakas at mabisang sistema sa pagpapagaan, paghahanda at pagtugon sa disaster management habang may krisis sa kalusugan. Marami na kaming nakatrabaho— gobyerno at hindi gobyerno, pambansa at pandaigdig – lalo na bago magkaroon ng krisis sa kalusugan. Isa sa aming katuwang ay ang Doctors Without Borders. Ang E-Hub project ay isa sa mga implementation program na pinangungunahan ng Doctors Without Borders Indonesia sa pamamagitan ng Health Crisis Center, upang mapabuti ang kaalaman, kasanayan at kapasidad ng mga health worker, at upang tumugon sa mga emergency sa paraang propesyonal, epektibo at mabisa.
    Dr. Sumarjaya, SKM, MM, MFP, C.F.A.

    Dagdag pa ni Dr. Sumarjaya, ang namumuno sa Health Crisis Center sa Ministry of Health, na pinahahalagahan ng Health Crisis Center ang E-Hub project ng Doctors Without Borders na isang taon nang tumatakbo. Nagbigay ang Doctors Without Borders ng pagsasanay sa mga health worker at non-health worker mula sa apat na distrito sa probinsiya ng Jakarta at Banten. Nagsanay sila para sa mga medical emergency, mental health and psychosocial support, data management and environmental health para sa mga emergency. 
     

    Ang mga nagawa at ang daan pasulong 

    Sa pamamagitan ng workshop, ipinakita ng Doctors Without Borders E-Hub team ang kanilang mga nagawa, nagbahagi ng kaalaman ukol sa mga pinakamahusay na kasanayan, at nagbahagi rin ng mga plano para sa mga E-Hub activity sa hinaharap. Ngayong taongito, 18 na training sessions ang isinagawa at 466 na tao ang nabigyan ng pagsasanay sa mga probinsiya ng Banten at Jakarta.  Kabilang sa mga kalahok ay ang mga emergency responder sa mga health centre at mga ospital, staff ng mga district health office at ilang organisasyon sa DKI Jakarta at Banten.

    Binigyang-diin ni Dr. Roger Teck ang mga layunin ng workshop na ito: “Gusto naming magbahagi at magnilay kasama ang aming mga katuwang ukol sa aming mga nagawa pati na rin ukol sa mga hamon at mga aral na aming natutunan. Iniimbitahan namin ang aming mga katuwang na ipahayag ang kanilang mga inaasahan at mga mungkahi. Inaasahan ng Doctors Without Borders E-Hub team na makapagbuo ng mas maraming ugnayan ngayong 2024.

    E-Hub participants testimonies

    Bahagi ng sesyon ang pakikinig sa mga patotoo ng apat na kasali sa bawat pagsasanay na isinagawa ngayong taon ng Doctors Without Borders E-Hub Team tungkol sa unang curricula ng 4 E-Hub domains of capacity building (mental health, data management, medical emergencies and environmental health). Ang mga sesyon ay isinagawa ng Doctors Without Borders Indonesia ngayong taong ito. © Cici Riesmasari/MSF
     

    E-Hub participants testimonies

    Isa sa mga kalahok, si Dr. Istianah Hariyanti mula sa Serang District Health Service, ay nagbigay-pansin sa bukod tanging disaster emergency training na isinagawa ng Doctors Without Borders. Binigyang-diin niya ang kakaibang pagtuon ng pagsasanay sa konteksto ng mga aktuwal na pangyayari at mga hands-on na karanasan sa mga kalamidad. Pinuri niya ang comprehensive training methodology, na hindi lang nagbabahagi ng mga kasanayang medikal, kundi nagbibigay rin ng gabay kung paano mangangasiwa nang mabuti sa gitna ng mapanghamong disaster scenario. © Cici Riesmasari/MSF

    E-Hub PC

    Ipinakita ni Gabrielle Santi, Project Coordinator ng E-Hub, ang mga plano ng proyekto sa darating na taon. © Cici Riesmasari/MSF

    medical emergency E-Hub

    Isa sa mga maliliit na grupo ng mga kasali sa workshop ay nagdidiskusyon sa medical emergency corner habang carousel session. Nangongolekta sila ng mga ideya, mga input, at mga mungkahi kaugnay ng training curriculum para sa hinaharap kaugnay ng mga medical emergency. © Rizki Aulianisa/MSF

    MH corner of E-Hub

    Isa sa mga maliliit na grupo ng mga kasali sa workshop ay nagdidiskusyon sa kalusugang pangkaisipan corner habang carousel session. Nangongolekta sila ng mga ideya, mga input, at mga mungkahi kaugnay ng training curriculum para sa hinaharap kaugnay ng mental health. © Cici Riesmasari/MSF

    EH corner of E-Hub

    Isa sa mga maliliit na grupo ng mga kasali sa workshop ay nagdidiskusyon sa environmental health corner habang carousel session. Nangongolekta sila ng mga ideya, mga input, at mga mungkahi kaugnay ng training curriculum para sa hinaharap kaugnay ng environmental health.

    DM corner E-Hub

    Isa sa mga maliliit na grupo ng mga kasali sa workshop ay nagdidiskusyon sa data management corner habang carousel session. Nangongolekta sila ng mga ideya, mga input, at mga mungkahi kaugnay ng training curriculum para sa hinaharap kaugnay ng data management. © Rizki Aulianisa/MSF

     

    Isa sa mga kalahok, si Dr. Istianah Hariyanti mula sa Serang District Health Service, ay nagbigay-pansin sa bukod tanging disaster emergency training na isinagawa ng Doctors Without Borders. Binigyang-diin niya ang kakaibang pagtuon ng pagsasanay sa konteksto ng mga aktuwal na pangyayari at mga hands-on na karanasan sa mga kalamidad. Pinuri niya ang comprehensive training methodology, na hindi lang nagbabahagi ng mga kasanayang medikal, kundi nagbibigay rin ng gabay kung paano mangangasiwa nang mabuti sa gitna ng mapanghamong disaster scenario. 

     

    Ang mga patotoo ng mga kalahok sa pagsasanay

    Nurul Wulan Suci from Serang District Health Department

    "Sumali ako sa data management training, at bagama’t wala pang nagaganap na sakuna, ang nakuha kong kaalaman ay magagamit ko rin sa pang-araw-araw na sitwasyon. Sa aking propesyon, nagpapasa kami ng impormasyon sa pamamagitan ng mga bulletin. Dati, ang aming mga bulletin ay naglalaman lamang ng case distribution data. Subali’t, pagkatapos ng pagsasanay, isinama namin sa case distribution figures ang immunization data mula sa nakaraang ilang taon. Ngayon, maaari na kaming makapagbigay ng komprehensibo, kaakit-akit at madaling maintindihang impormasyon sa publiko, partikular na sa mga gumagawa ng patakaran sa iba’t ibang sektor at programa. Naniniwala ako na ang aming mga rekomendasyon sa kasalukuyan ay tamang-tama at eksakto.

    Dr. Istianah Hariyanti from Serang District Health Service

    "Isa ako sa mga kasali sa pagsasanay sa Health Services in Disaster Conditions. Walang duda, ang pagsasanay na isinagawa ng Doctors Without Borders ay natatangi, dahil sa pagbibigay-diin nito sa konteksto ng tunay na buhay at aktuwal na karanasan sa mga kalamidad. Komprehensibo ang pamamaraan ng pagsasanay at nagbibigay ng hindi lang mga medical clinical skill, kundi pati na rin gabay kung paano mangangasiwa nang mabuti sa gitna ng mapanghamong disaster scenario.

    Purwasih from Pandeglang District Health Service

    "Para sa ating mga kasamahan sa Puskesmas, malaki ang benepisyong makukuha mula sa pagsasanay na ito, lalo pa’t magkakaroon ng accreditation activities ngayong taong ito. Sa pamamagitan ng mga praktikal na sesyon, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na gamitin ang kanilang mga natutunan at mas mapayaman ang kanilang pag-unawa. Ang pangangasiwa sa medical waste disposal sa Community Health Center ay hindi na kasing kumplikado gaya ng iniisip ng marami. Nagbigay ng mga mahahalagang obserbasyon ang mga facilitator, mula sa pagbubukod-bukod hanggang sa paglalagay sa lalagyan at pag-imbak, na nagpadali para sa amin na maintindihan at maipatupad ang ibinigay na impormasyon.

    Dr. Reni Anita Rahman from Sumur Health Center, Pandeglang District

    "Nagtatrabaho ako sa Sumur Community Health Center, na nasa isang lugar na malimit makaranas ng mga sakuna. Sa buong pamamalagi ko rito, nakaranas na ako ng mga tsunami, lindol, pagbaha, at mga ipo-ipo. Ang pagsasanay na binigay ng Doctors Without Borders ay nakatulong sa pagpapalago ng aking kaalaman. Dati rati, bilang isang doktor, nakatuon lang ako sa paggamot sa mga sakit na pisikal. Kulang ako sa komprehensibong pag-unawa ng sikolohikal na aspeto, lalo na pagkatapos ng isang sakuna. Sa panahon ng krisis, kadalasa’y napupuspos ako at hindi ako sigurado kung ano ang dapat gawin. Tatlong araw pagkatapos ng pagsasanay, may ipo-ipong dumating. Ngayon, dahil sa nakuha naming kaalaman, nagamit namin ang aming mga natutunan. Gumamit kami ng psychological approach upang matulungan ang mga apektadong biktima – isang makabuluhang pagbabago na tanda ng pagbuti ng aming kakayahan sa pagtugon.

    Tungkol sa E-Hub Project

    Ang E-Hub project, na kilala bilang Capacity Building Hub for Emergency Preparedness and Response, ay nakatuon sa paglikha ng mga oportunidad na makapagbigay ng edukasyon ukol sa krisis sa kalusugan sa mga disaster responder. Ang pangunahing layunin ay pahusayin ang katatagan ng komunidad, pagbutihin ang paghahanda, at pagalingin ang mga responder sa kanilang pagharap sa mga emergency bilang mga propesyonal sa Indonesia. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.msf.org/e-hub.

    Categories