Mula pa noong 2015, nagbibigay na ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ng pangangalagang pangkalusugan sa mga refugees, asylum seekers, at undocumented migrant communities sa Malaysia. Ang aming presensiya sa Malaysia ay nagsimula sa aming pagtugon sa krisis ng mga Rohingya. Ang mga Rohingya, na tumatakas mula sa pang-uusig sa Myanmar, ay 30 taon nang naglalakas-loob na tumawid sa Andaman Sea, lulan ng maliliit at siksikang bangka.
Sa kasalukuyan, may 179, 520 refugees at asylum-seekers na rehistrado sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) sa Malaysia. Mahigit sa 100,000 sa mga iyon ay mga Rohingya. Pero ayon sa impormasyong nakuha ng pamahalaan, kapag isinama ang mga walang dokumento, umaabot na raw ng 200,000 ang Rohingya refugees sa bansa. Ang mga refugees sa Malaysia ay di nakatira sa mga kampo, sa halip, ang karamihan sa kanila ay nakatira sa mga siyudad at mga lokal na komunidad.
Bagama’t hinahayaan ng Malaysia ang UNHCR na irehistro ang refugees, hindi pinipirmahan ng bansa ang 1951 Refugee Convention o ang mga karagdagang protocol nito. Ang implikasyon nito ay ang kawalan ng legal status ng refugees at asylum-seekers. Kaya naman kinakaharap ng refugees ang maraming balakid sa pagkuha ng pangangalagang medikal, habang hindi sila pinahihintulutang maging bahagi ng lipunan, paaralin ang kanilang mga anak sa mga regular na eskuwelahan, at makahanap ng legal na hanapbuhay.
Isang lalaking Rohingya ang nagbebenta ng gulay malapit sa palengke ng Pasar Baru sa Kuala Lumpur. © Arnaud Finistre
Those whose asylum claims are recognised and obtain a UNHCR card get discounted healthcare, but the discount is based on foreigners' fees. This means that refugees pay a much higher price than locals – nearly 100 times more.
Isang lalaking Rohingya ang nagbebenta ng gulay malapit sa palengke ng Pasar Baru sa Kuala Lumpur. © Arnaud Finistre
Ang mga walang dokumento o UNHCR status ay nanganganib na maaresto at pansamantalang mapiit kapag may mga raid. Ito ay maaari ring mangyari kapag sila’y nagpapagamot sa mga public medical care facilities, dahil ayon sa Health Circular 10/2001 ng Ministry of Health, obligado ang mga healthcare providers na ipagbigay-alam sa mga pulis at immigration services ang mga migrants na walang dokumento.
Kailangan ko ng atensyong medikal para sa mga injuries ko, pero hindi ako makakuha dahil sa kakulangan ng pera.Pasyente ng Doctors Without Borders
Ang Tugon ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières' (MSF)
Dahil sa mga balakid sa pangangalagang pangkalusugan, nagsimula ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ng program ana nagbibigay ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan, mental health services, psycho-social support at counselling para sa refugees at asylum-seekers sa Penang.
Nagtayo rin ang Doctors without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ng fixed clinic sa Butterworth noong 2018. Sa kasalukuyan, tinatayang 900 hanggang 1,000 pasyente ang natutulungan ng klinika kada buwan. Nakipagtulungan din kami sa ACTS (A Call to Serve), isang lokal na NGO, upang magpadala ng mobile clinics linggo-linggo sa iba’t ibang bahagi ng estado. Sa pamamagitan ng mobile clinics na ito, ang mga refugees na nasa liblib na lugar sa Penang ay nakakakuha ng aming serbisyo. Nakikipag-ugnayan din kami sa mga klinika at ospital upang isangguni ang mga pasyenteng may mga kakaibang pangangailangang pangkalusugan. Nagbibigay rin kami ng suportang medikal sa ilang mga Immigration Detention Centres (IDCs) sa pakikipagtulungan sa mga lokal na NGO.
Nakikinig ang isang doktor ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa isang pasyenteng Rohingya na nagsasalita gamit ang translator sa aming mobile clinic sa Bukit Gudung, Penang.
Sa pamamagitan ng aming advocacy at liaison activities, tinutulungan ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ang mga refugees at asylum-seekers na nangangailangan ng proteksyon. Isinasangguni namin ang mga asylum-seekers sa UNHCR at nakikipag-ugnayan sa mga kaanib na Malaysian upang alamin kung ano pa ang mga dapat punan na pangangailangan. Nanawagan na ang MSF sa pagkansela ng Health Circular 10/2001 at pagtiyak ng ligtas na pagtungtong ng mga refugees sa dalampasigan ng Malaysia. Nakikipagtulungan din ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa mga katuwang sa bansa, at mga institusyon ng pamahalaan na makakatulong sa pangmatagalang pagpapabuti ng pangangalagang pangkalusugan para sa mga refugees.
Ipinapaliwanag ni Vithya, ang nangangasiwa ng pharmacy sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) clinic sa Penang, kung paano dadalhin ang prescription sa asawa ng pasyente.
Rohingya Refugees sa Malaysia
Dahil wala silang legal status at mga angking karapatan, madalas ay ipinagpapaliban ng refugees at asylum-seekers ang pagkuha ng pangangalagang pangkalusugan, kahit na sa emergencies. At ngayon, sa pagkakaparalisa ng bansa dahil sa COVID-19, lubhang naapektuhan ang mga Rohingya refugees.
Sa isang suburb ng Kuala Lumpur, makaupo sa sahig ang isang Rohingya na walang tahanan. © Arnaud Finistre
Noong una, hindi ganito ang sitwasyon. Inimbita pa nga ng mga awtoridad ng Malaysia ang undocumented migrants at asylum-seekers na kumuha ng pangangalagang pangkalusugan nang walang pangambang maaresto. Ngunit matapos makaranas ng immigration raids, roadblocks at iba pang pangyayaring nakapuntirya sa mga undocumented migrants mula noong Mayo 2020, marami sa kanila ang napilitang magtago.
Inobserbahan ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ang mga pumapangalawang epekto ng pandemya. Lumala ang stigma laban sa mga refugees at migrants. Ang limitasyon sa kanilang paggalaw at ang mas matinding paghihirap ay nagiging mga balakid sa pagkuha ng suportang medikal. Dahil dito, nalalagay sa panganib ang mga pasyenteng kailangang regular na umiinom ng gamot, halimbawa ang may diabetes o HIV. May mga nanganganib ding lumala ang kondisyon dahil sa pagpapaliban ng kanilang paggamot.
Minsan di kami makabili ng hand soap at sanitiser dahil nakita kong umiiyak ang mga bata dahil sa gutom. Sa ngayon, mas mahalaga ang pagkain kaysa pangangalagang pangkalusugan.Pasyente ng Doctors Without Borders
Ang kakulangan ng maaasahang pagkakitaan, at ang pagkakabukod mula sa public health response sa COVID-19, ay ang dahilan kaya ang pagsusuot ng mask at ang pagbili ng sabon ay itinuturing na luho ng maraming marginalised groups. Bukod pa roon, marami sa mga refugees at asylum-seekers ang nakatira sa mga maliliit na espasyo, minsan kasama pa ang ilang pamilya kung kaya’t imposible ang pag-obserba ng physical distancing.
Si Nur, 27 taong gulang (nasa kanan), kasama ng pitong iba pang trabahador na Rohingya sa isang malaking construction site. Si Muhammad (sa kaliwa) ang isa sa mga kasama ni Nur. © Arnaud Finistre
Tugon sa COVID-19
Mula noong nagsimula ang pandemya, ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ay nagbibigay na ng suporta sa mga refugee communities sa Penang. Sa mga wikang gamit ng mga refugees, tulad ng Rohingya at Burmese, nagsagawa kami ng health education sessions araw-araw upang ipaliwanag ang mga kinakailangang prevention measures at public health guidelines.
Noong Marso 2020, inilagay ang Malaysia sa movement control order (MCO) o lockdown, kung kaya’t sinuspinde namin ang ilan sa aming mga regular na gawain. Kasama rito ang pagtigil ng mga mobile clinics na nakaapekto sa mga nakatira sa mga liblib na lugar sa Penang. Noong pumasok ang Malaysia sa isa na namang MCO noong simula ng 2021, handa na ang MSF na pag-ibayuhin ang livelihood support at digital information campaigns batay sa mga karanasan noong nakaraang taon. Kahit na ang karamihan sa mga mobile clinics ay nasuspinde na naman, nakakuha naman ng permiso ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) na ituloy ang ilan.
Kumokonsulta ng isang pasyenteng Rohingya sa MSF mobile clinic kasama ang isang tagasalin. Bukit Gudung, Penang.
Sinuportahan ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ang ilang pampublikong ospital sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo ng pagsasalin ng mga boluntaryong Rohingya. Batay sa nakuha naming impormasyon mula sa mga Rohingya, gumawa kami ng COVID-19 health promotion campaign kasama ang R-vision, isang online news network na napapanood sa buong mundo. Ang videos na gianwa namin ay napanood ng mga Rohingya sa Malaysia, Myanmar, Saudi Arabia, India, Bangladesh at iba pa.
Kasama ang mga lokal na NGO sa Penang, namimigay kami ng pagkain sa mga refugee families, at hygiene items sa ilang IDCs sa bansa. Ang mga bilanggo sa IDCs ay nanganganib na mahawa sa virus dahil sa nagsisiksikan sila sa limitadong espasyo. Ito ang binigyang diin sa mga ulat tungkol sa mga kaso ng COVID-19 sa mga bilangguan.
Ang aming adbokasiya ay nakatuon sa tugon sa COVID-19 nang walang pagbubukod, at kung saan ang mga migrant communities ay di mangangambang maaresto o mapatalsik. Nanawagan na kami sa pamahalaan na tigilin na ang pagpuntirya sa mga migrants, refugees at asylum-seekers sa immigration raids. Ito’y lumilikha lang ng pangamba at pagkabalisa sa mga komunidad at hindi nakatutulong sa kinakailangang public health approach ng Malaysia.