Dahil sa COVID-19, nadagdagan ang pressure sa isang sagad nang sistema ng pangangalagang pangkalusugan
Ang Surgical unit ng Nasser Hospital, Khan Yunis, Gaza Strip. 2020. © Lyad Alasttal/MSF
Sa kasalukuyan, ang Gaza ay nakaharap sa nakababahalang pagtaas ng bilang ng mga taong may COVID-19. Mula Marso hanggang Abril, ang bilang ng mga positibo para sa COVID-19 ay umakyat nang todo. Mula sa wala pang isang libong kaso sa loob ng isang linggo, naging mahigit isang libo na sa isang araw, kasama rito ang nakaalarmang pagtaas ng bilang ng nagkaka-impeksyon na mga healthcare workers.
Nalagpasan na ng ikalawang bugso ang una sa kalubhaan nito, at sa dami ng mga nahahawa. Sa ngayon, nahihirapan na ang mga ospital na kayanin ang pagdami ng may sakit.
Ang matagal nang pinatatakbo ng Israel na economic blockade ay nagresulta sa pagkabaldado ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng Gaza, kaya’t hindi sila nagkakaroon ng mga kritikal na resources na kailangan para harapin ang kahit anong klaseng outbreaks ng sakit, lalo na ang karamdamang kasinglubha ng COVID-19. Mahigit 60 porsyento ng positibong kaso ng COVID-19 sa Palestinian Territories ay nasa Gaza. Mga limang porsyento lang ng Palestinians ang nabakunahan na noong katapusan ng Abril, marami sa mga healthcare workers ay hindi pa nakakatanggap ng kahit unang dose ng bakuna.
Ang pagdami ng COVID-19 sa Gaza ay dahil sa mas malalang 'UK variant' B.1.1.7. Ang lubhang nakahahawang variant na ito ay kumalat sa West Bank nitong unang bahagi ng taon, kung kaya’t napuspos ang mga ospital. Bagama’t inaasahan na dadami rin ang mga kasosa Gaza pagkatapos nito, ang pagsasagawa ng epektitbong pagtugon sa pandemya ay isa pa ring hamon kapag kulang ang bansa sa resources.
Ang pagsuporta sa local health authorities sa Gaza
Mula noong dumating ang COVID-19 sa Palestinian Territories, sinusuportahan na ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) ang mga pangunahing medical facilities at intensive care units sa Gaza. Nagbigay ito ng payong teknikal at mga hands-on na pagsasanay sa infection prevention and control, kasama na rito ang tamang pagtapon ng basura at paglilinis, oxygen therapy, at ang ang tamang paggamit ng personal protective equipment (PPE). Ang Doctors Without Borders ay nagbigay din ng mga kinakailangang gamot, PPE, medical equipment, masks, tubing at iba pang kagamitan.
Ang pagpapatupad ng COVID-19 infection prevention and control measures ay isang malaking hamon sa mga pasilidad dahil sa bagong krisis kung saan ang mga staff na nalilipat sa mga departamento na may kaugnayan sa COVID-19 ay nangangailangan ng mas madaming suporta at pagsasanay. Dinagdagan na ng health authorities ang mga kama na nakalaan para sa mga COVID-19 sa siyam na ospital para sa mga may edad na, at dalawang ospital para sa mga bata. Kasabay nito, dinadagdagan namin ang aming suporta upang makatulong sa isang sistema ng pangangalagang pangkalusugan na napupuspos na. Dagdag pa rito ang bilang ng mga nababakunahang healthcare workers sa Gaza ay napakababa– tinatayang hindi hihigit sa kalahati ng mga health workers ang naturukan na ng bakuna. Ang maling impormasyon tungkol sa COVID-19 at ang pag-aatubili ng mga taong magpabakuna ay parehong naging hamon sa pagtugon sa krisis na ito.Rachelle Seguin, medical coordinator
Upang makatulong sa pagwawaksi ng maling impormasyon tungkol sa COVID-19, ang Doctors Without Borders ay gumawa ng kampanya sa Facebook, kung saan ibinabahagi nila ang mga tamang impormasyon tungkol sa COVID-19 sa buong Gaza. Ito’y umabot sa halos isang milyong tao noong Abril. Kabilang sa mga mensaheng ito ang impormasyon tungkol sa pagbabakuna, prevention measures at mga tagubilin kung saan pupunta kapag nakararanas ng sintomas. Ang kampanya ay nagbigay din ng oportunidad sa Doctors Without Borders na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng Facebook Messenger, kung saan nasasagot nila ang mga katanungan sa pamamagitan ng one on one na pakikipag-usap.
Ang pagpanatili ng essential health services ay kritikal
May tuwirang epekto ang pandemya sa abilidad ng Doctors Without Borders na makapagbigay ng napapanahon at kinakailangang pangangalaga sa mga pasyenteng nakikinabang sa mga karaniwang aktibidad nito. May epekto rin ito sa mga pasyente na nangangailangan ng importanteng operasyon. Lumalala ang kanilang sitwasyon at lalong humahaba ang kanilang landas tungo sa paggaling. Ang Doctors Without Borders ay napilitang gawing angkop ang mga regular nitong aktibidad at ipagpaliban ang mga hindi kailangang -kailangan nang serbisyo para pagtibayin ang infection preventive and control measures sa mga pasilidad nito at malibre ang mga sobrang kama para sa pasyenteng may COVID-19 sa ilang mga ospital kung saan nagtatrabaho ang Doctors Without Borders.
Halos 15 na taon nang nagbibigay ang Doctors Without Borders ng surgical at post-surgical assistance para sa mga biktima ng sunog at trauma sa Gaza sa loob ng halos 15 na taon. Noong 2018, nagsimula silang mag-alok ng reconstructive at orthopaedic surgery, dressing changes, physiotherapy, health education at psychosocial support para sa mga libo-libong Gazans na nagtamo ng pinsala mula sa Great March of Return protests. Marami sa kanila ay may kumplikado at malubhang sugat na nangangailangan ng surgical interventions, paggamot ng impeksyon at puspusang follow-up at rehabilitasyon. Ang proyekto ng Doctors Without Borders ay mahalaga dahil ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng Gaza ay nasasagad na, kulang sa pondo, at lubhang naapektuhan ng economic blockade.