Morocco, niyanig ng isang malakas na lindol
Isang sulyap sa pinsalang tinamo ng makasaysayang siyudad ng Marrakech, pagkatapos ng isang malakas na lindol sa Morocco. Morocco, Setyembre 9, 2023. © REUTERS/Abdelhak Balhaki
Lubos na ikinalulungkot ng Doctors Without Borders ang kalunus-lunos na balita ng lindol na yumanig sa Morocco at ang iniulat na mataas na bilang ng mga biktima. Bagama’t walang proyekto sa kasalukuyan ang Doctors Without Borders sa Morocco, kami’y nakipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal at nagpadala na kami ng mga team sa Morocco upang malaman kung ano ang kanilang mga pangangailangan, at kung kailangan nila ang aming suporta.
Tulad sa mga ibang paglindol, ang paghahanap sa mga taong nalibing sa mga gumuhong istruktura ang prayoridad, at ang yugtong ito ay kadalasang isinasagawa ng local solidarity. Kailangan din ang agarang pagpapanumbalik ng komunikasyon at pagsasaayos ng mga dadaanan ng supplies dahil ito ang mga kinakailangan upang makapagpadala ng relief supplies mula sa labas ng mga apektadong lugar. Sa ganitong konteksto, kailangan naming pangalagaan ang mga nasugatan, at magsagawa ng mga aktibidad tulad ng mga operasyon at dialysis, na maaaring maging mapanghamon kapag ang lokal na kapasidad ay naapektuhan din ng sakuna. Ang pagpapanumbalik ng mga serbisyong pangkalusugan ay maaari ring gawing prayoridad. Ang aming pagtugon ay nakasalalay sa mga resulta ng panimulang on-site assessment.
Ang mga team ng Doctors Without Borders ay dumating sa pinangyarihan ng lindolat kasalukuyang tinatasa nila ang mga pangangailangan. Makikipag-ugnayan sila sa mga lokal na opisyal upang malaman kung paano sila makatutulong. Morocco, Setyembre 2023. © John Johnson/MSF

Nais mo bang suportahan ang aming pagtugon sa emergency?
Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal para sa mga emergency, tulad ng nangyayari ngayon sa Morocco at sa iba pang bahagi ng mundo, sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon.