Skip to main content

    130 nasawi sa paglubog ng isang barko sa dalampasigan ng Libya

    rescue by Ocean Viking

    Mga taong niligtas ng Ocean Viking nung 2020. © Anthony Jean/SOS MEDITERRANEE

    Ang paglubog ng isang barko ay nasaksihan ng M/V Ocean Viking ng NGO na SOS Mediterranee, mahigit 48 oras matapos ang unang pag-aalerto. May mga palutang-lutang na katawang wala nang buhay na kabilang sa 130 na nasawi.   

    “Ang di katanggap-tanggap na bilang ng mga binawian ng buhay ay pagpapatunay ng mga nakamamatay na epekto ng mga patakaran ng EU Member States ng di pagtulong sa karagatan. Ilang taon na nilang ipinagkakatiwala ang responsibilidad ng paghahanap at pagliligtas sa Libyan Rescue Coordination Centre, na nagkulang na naman sa pagsasagawa ng maayos na  koordinasyon,na bahagi ng malawak na sakop ng kanilang responsibilidad. Gaano katagal pa namin kailangang tuligsain ang sabwatang nagaganap sa di pagkilos ng mga European at Libyan maritime authorities, upang maiwasan ang ganitong  trahedya?” pamimighati ni Ellen van der Velden, ang Operations Manager ng Doctors Without Borders para sa Search and Rescue sa Libya. 

    “Ang mga taong desperadong tumatakas mula sa karahasan at pang-aabuso sa Libya ay patuloy na nakikipagsapalaran sa mga mapanganib na paglalakbay sa dagat, ngunit sila’y tinutugis at ibinabalik ng Libyan Coast Guard na suportado ng EU, o di kaya’y iniiwan sila upang mamatay sa gitna ng dagat,” pagpapatuloy ni Ellen van der Velden.

    “Nakikiramay kami sa mga pamilya ng mga namatay sa dagat at ang mga lulan ng Ocean Viking.”  

    Categories